✔| 09 | The Mission

74 14 54
                                    

God entrusted us that pain
because he knew
we can surpass it.
Sadyang, wala lang talaga
tayong tiwala sa sarili natin.

[Altheia Coreene's POV]

"Musta na kayo ng manliligaw mo?" Natigilan naman saglit si Mika. Pareho kaming nakaupo sa sopa. Nanonood siya ng TV habang busy akong kumakain ng chips.

Tsk! Wala akong magawa kaya kahit 'di ko nalalasahan kumain na lang rin ako. Hanggang ngayon naka-estatwa si Mika tapos bigla siyang tumayo.

Ayan na naman siya! Parang batang tumatalon with matching palakpak pa ng sea lion. Aish!

"Kyahhhhh!!!" Napatakip ako ng tenga sa lakas ng tili niya. "Alam mo, girl? A—"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Malamang, 'di pa!" Inirapan ko siya habang patuloy kong nginunguya ang chips ko.

"Aish! Makinig ka muna kasi, girl!" Sumimangot siya pero agad ding napalitan ng excitement. Childish.

"Ang sweet kasi ni Max!!" She exclaimed. Max? Well, I guess 'yan ang tawag niya kay Maximus.

Naalala ko noong niligawan ako ni Bryan, ganyan na ganyan din ang aking reaksyon. Parang batang nabigyan ng kendi.

Feeling ko, that time, ako ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Imagine, isang Bryan na sobrang bait, sweet at talented ang manliligaw ko. Dreamy, right?

"Girl, nakikinig ka pa ba sa kinukwento ko?" Nakataas ang isang kilay niya habang tinitignan ako ng mabuti.

"Sorry," paumanhin ko pagkatapos kong huminga ng malalim. Linapitan niya naman ako at tumabi sa akin.

"May problema ba, girl?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang boses. I can't feel but that's what my mind is telling me.

Inihilig ko na lamang ang aking ulo sa kanyang balikat. Inakbayan niya naman ako at hinimas-himas ang aking kaliwang braso. I know, she's trying to comfort me.

"Thank you," wala sa sariling sambit ko. I mean it, really.

"I don't know, pero kahapon parang ang bigat ng katawan ko." Panimula ni Mika. "Naaalala mo? 'Di ba nakatulala ako habang kumakain mag-isa? Tapos nagulat ako noong karating mo."

Napatango-tango naman ako. Mahina pa siyang natawa. Nasa ganoong posisyon pa rin kami. Somehow, napunta sa kanya ang atensyon.

"Sinubukan kong 'wag ipahalata sa'yo. Success naman, I guess? 'Di mo naman napansin," saad niya. Ini-angat ko ang aking tingin sa kanya. Is it just me or watery talaga mata niya?

I just shrugged that thought away and continued listening. I find it really comfortable and comforting.

"But Max noticed it," patuloy niya. Ngayon naman nakangiti siya. Genuine and real. Walang halong biro at asar.

"Talagang nag-effort siya to make me feel better. Pinasyal niya ako at nilibre ng iba't ibang pagkain." Kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. "I know, we can't taste those foods but in that moment, feeling ko sobrang sarap. Not the food but the feeling itself. Sounds weird, right?"

She chuckled. Natawa naman ako ng mahina. Tuluyan ko nang inangat ang aking ulo sa kanyang balikat at saka siya nginitian ng malaki.

"Thank you talaga, girl." Madalang ko lang siyang tawaging 'girl, I usually call her 'Mika'. Mas lumapad naman ang kanyang ngiti at saka ako niyakap.

"Hoi! Musta na pala 'yung lalakeng naririnig mong mag-gitara? Nakilala mo na ba?" 'Yan ang unang-una niyang tinanong pagkatapos humiwalay sa yakap. Nagkibit-balikat naman ako.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon