✔| 02 | Purge Academy

133 17 47
                                    

Mabilis magpatawad
pero mahirap makalimot.
Past is just a memory
but it will always
stay inside our hearts.
Masakit man 'yan o hindi.

[Altheia Coreene's POV]

"Oi! Gising!!" Ang lakas naman ng sigaw ni Mika. Umagang-umaga...

Shocks! Monday na nga!!! Ang bilis ng oras. Hindi masama pakiramdam ko, sadyang wala ako sa mood at tinatamad akong pumasok. Ka-imbyerna!!

"Good Morning," nakabusangot kong bati. Hindi na talaga nagbago ang babaeng ito! Hindi marunong bumati. My god!! Tinatamad akong bumangon at tumungo sa dining room.

"Hihihihi... Para magkagana ka." Rinig ko ang mahihinang hagikgik ni Mika. Palibhasa, nagluto na naman ng masarap na almusal. Pesto Pasta. Cappuccino. One of my favorites again!

Ok fine! I want to taste again!! Gusto kong bumalik sa Mortal Realm. Bwiset! This is pure torture pero aaminin kong ginanahan akong pumasok.

"God knows, how I wanted to taste it," mahina kong bulong sa sarili ko. Shocks!! Ang creepy!! Ramdam ko na naman ang pagkalam ng sikmura ko or that's what I thought, again.

"I heard that, Theia!" Mahina na naman itong natawa.

Kapag ako nainis, nako! Humanda ka sa akin, Ayumi Francheska! Oops! 'Yan nga pala ang totoo niyang pangalan. Nakuha ang Mika sa dalawang last syllable ng pangalan niya.

Suddenly, I started reminiscing the memory when we first met. I'm Ayumi Francheska De Guzman, this girl in front of me introduced herself after she saw me. She is cute and good-looking, that's what I thought the moment I examined her whole being.

Her shoulder-length bob hair emphasized her round face. Her eyelashes were not that long, but it looks good on her. She has pouty lips and pointed nose. She's shorter than me but that didn't stop her from looking sophisticated and classy.

"Oh, natulala ka riyan??" Nagtataka siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo. Agad naman akong umiling at pinagpatuloy ang pagkain.

○●○●○

Buti na lamang at nakapasok na kaming dalawa ni Mika sa aming silid bago pa tumunog ang bell. Strict kasi ang first teacher namin, si Madame Roxy Ophelia Stewart, ang nagtuturo sa amin ng Proper Etiquettes. The name itself shouts solidity and power.

"Good Morning, Madame Ophelia!" Buo ang boses namin nang batiin namin ito. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang kabuoan namin.

"Sit down," maikli nitong saad ngunit mababakas mo naman dito ang awtoridad.

Madame Ophelia is the typical strict teacher. Singkit ang kanyang mata at mayroong suot na salamin. Hanggang paa ang kanyang suot na bestida ngunit sopistikada pa rin itong tignan. Her hair was styled in an old fashion way. Her earrings was made of gold with diamonds attached on it. I just know kahit walang kulay.

"Ehem! Miss Buenafuerte?" Pagkuha nito sa aking atensyon. Shocks! Nakakahiya... Ngayon ko lang na-realize na nakatayo pa rin ako habang nakatulala kay Madame.

"I-I'm s-sorry, Madame," nauutal kong paumanhin habang iniiwasan ang kanyang tingin. Baka akalain niyang tomboy ako. Shocks!!

Nung nakaupo na ako, tinapunan ko ito ng tingin ngunit nabigla ako sa aking nasaksihan. Namamalikmata lang ba ako o umangat talaga ang gilid ng labi ni Madame? I'm sure, she's not smirking. What I saw seems so shy and genuine.

"Are you enjoying your stay here?" Mataray nitong tanong sa amin habang nakataas ang isa nitong kilay. Serious mode on!

Some of my classmates or fellow souls answered 'yes'. Some remained quiet. Some look uneasy. Ako? I don't know. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong maramdaman ngayong nandito ako sa Purgatoryo.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon