✔| 30 | Hanggang sa muli...

101 14 67
                                    

I want to risk this ring
and once you got it back,
I swear,
you can never
take it off again

[Altheia Coreene's POV]

5 PM pa lang ng umaga pero nakabihis na ako ng hoodies at leggings. Sinuot ko muna ang rubber shoes ko bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Bumaba na ako at saka tumungo sa labas ng bahay.

Nasa loob ng bulsa ko ang aking cellphone habang nakasuot sa akin ang earphones ko.

Hindi pa ako nagsisimulang mag-jogging pero ang lakas na ng tibok ng puso ko. January 21 na. Last day na namin at wala kaming alam kung paano kami mamamatay ngayon. Hindi namin alam kung saan o kung kailan.

"Hey, are you alright?" Napalingon ako sa gilid ko. Nandito na pala si Bryan.

Kasama ko siya ngayon sa pag-jogging. Iikutin namin ang subdivision. I mean, siguro hindi buo, 'yung kaya lang namin.

Tumango ako at saka sinabihan na magsimula na kami. Lumakad muna kami bilang warm up.

"Ito nga pala ang lyrics na hinihingi mo," at saka inabot niya sa akin ang isang papel. Hininga ko sa kanya ang lyrics ng sinulat niyang kanta, may balak kasi ako.

The past few days? Okay lang naman. Naintindihan na nila ang sitwasyon namin at tinanggap naman nila. Hindi ko alam kung paano nila natanggap 'yon ng gano'n kadali pero makakalimutan din naman nila ang mga sandaling 'yon.

I'm still thankful sa 80 days na inilaan nila para sa amin. Everything is worth it. Lahat. Mayroon mang konting misunderstandings at mga problema pero nalagpasan namin ang lahat ng 'yon.

Hindi ko namalayang 30 minutes na pala ang lumipas. Napagdesisyunan naming manatili muna sa parke. Hay... Nandito na naman kami sa lugar, kung saan kami nag-break at nagka-ayos.

"Let's watch the sunrise together. Since, this will be our last," bakas sa tono ng pananalita niya ang lungkot. I patted his back and leaned my head on his shoulder.

Natigilan ako nang magsimula siyang magkanta. It's Make It With You of Ben&Ben.

Napanatag ang loob ko sa kanyang boses. His arms are around me but I feel more secured and warmer than usual. When he is out of words, ganito ang ginagawa niya. Nagkakanta siya to express his thoughts and feelings.

I closed my eyes to feel and savor this moment. Ito na ang huling araw namin dito at magiging ala-ala na lamang ang lahat ng mga masasayang pagsasama namin.

Hindi ko namalayang tapos na palang magkanta si Bryan. He held my hand at saka ginamit ang kanyang libreng kamay para kuhanin ang kung ano man mula sa kanyang bulsa.

Nang makuha niya na 'yon, binuksan niya ito sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nasaksihan.

Isang singsing na nakalagay sa isang velvet box.

"P-para s-saan 'yan?" nauutal kong tanong. Nilipat ko sa kanya ang aking tingin at bumungad lang sa akin ang kanyang malapad na ngiti.

Imbes na lumuhod, may nilabas na naman siyang kung ano mula sa bulsa ng kanyang hoodies. Kaya pala naka-umbok, ang daming nakalagay. Hindi ko lang nahalata nung una dahil nakapasok din doon ang kanyang mga kamay.

Enlightened By Chance✔(MAJOR-EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon