I

21 3 0
                                    

Nakarinig ako ng magkakasunod na katok sa pinto. Sinimulan na akong kabahan habang tinititigan ko ang pinto. Tumigil ang pagkatok sa pinto at nakita ko ang replika na hugis tao sa may bintana. Mukhang sinisilip nito kung may tao sa loob. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi ako makalikha ng kahit na anong ingay lalo na ang pagtangka kong pagsigaw. Nagtatago ako sa ilalim ng mesa na nakaharap sa may pinto. Hindi ko narin alam kung makailang lunok na ang aking ginawa.

Sa isang iglap ay tumigil ang pagkatok. Wala na akong naririnig na anumang tunog. Umalis na ba sila? Dahan dahan akong gumapang palabas ng mesa. Tumayo ako at naglakad ng mabagal papunta sa pinto. Huminga ako ng malalim bago ipihit ang door knob. Pagkabukas ko nito ay bigla akong sinakal ng lalaking nakasuot ng cloak na itim.

"Sinong kasama mo rito sa bahay?" may galit sa tono ng kaniyang pananalita. Unti unti niya akong inaangat palayo sa sahig. Nahihirapan na akong huminga. Pilit kong inaalis ang kamay niyang sumasakal sa aking leeg pero kahit anong gawin ko ay hindi ko ito matanggal.

"B-bitawan... mo... ako," nahihirapan man ay sinubukan ko paring magsalita. Mas lalong humigpit ang pagkakasakal niya sa aking leeg. Mas lalo akong nahihirapang huminga. Sa tingin ko ay kahit anong oras ay malalagutan na ako ng hininga.

"Chartreuse Shion Estrella, sa tingin mo ba ay hindi namin alam na isa kang ulila?" hindi nakalampas sa aking mga mata ang pagsilay ng ngisi sa kaniyang bibig. "At siguro naman ay alam mo ang batas na meron tayo. Walang ulila ang dapat na mabuhay sa Villa Fernandina!" bawat salitang binibigkas niya ay papahigpit ng papahigpit ang pagkakasakal niya sa aking leeg. Hanggang sa bigla nalang siyang humalakhak na parang nasisiraan na ng bait.

"Chartreuse."

"Dapat ka ng mamamatay!" hindi na ako nakahinga pa ng sinakal niya ako gamit ang dalawang kamay. Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata hanggang sa dumilim na ang aking paningin. Madilim na madilim hanggang sa makaramdam ako ng malamig na tubig na dumaloy sa aking katawan.

"Chartreuse!"

Nang makarinig ako ng pamilyar na boses na sumigaw ng pangalan ko ay bigla akong nagising. Mula sa pagkakahiga ay naupo ako at hinabol ko ang aking hininga. Pagkaangat ko ng aking ulo ay nakita ko si Sinclair na may hawak na tabo. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang huling patak ng tubig na tumulo mula sa tabong hawak niya papunta sa paa ko. Doon ko lamang napagtanto na nananaginip ako at hindi totoong nahuli na ako ng mga orphunters.

Dali dali akong tumayo mula sa papag at niyakap ng mahigpit si Sinclair na nakatayo malapit sa kama ko. Hindi ako makapaniwalang buhay pa rin ako hanggang ngayon. Natigilan ako ng mahulog niya ang tabo at dumiretso ito sa paa ko kaya napasigaw ako sa sakit habang hawak hawak ang kanang paa ko na natamaan ng tabo.

"Look what you did! Binasa mo ang damit ko! Hindi mo ba alam na kailangan ko ng umalis para magtrabaho?" naiinis na sabi niya habang tinitingnan niya ang basa niyang damit. Doon ko lamang napansin na basa rin ang damit ko----no! Ang buong katawan ko!

"Look what you did din! Sinong nagsabing pwede mo akong paliguan?" nagpameywang ako habang magkasalubong ang aking mga kilay. Pinulot ko ang tabo at itinutok sa kaniya.

Sinamaan lang niya ako ng tingin, "Kasalanan ko bang tulog mantika ka at 'yan lang ang naisip kong paraan para magising ka?" magsasalita na sana ako ng bigla niyang hubarin ang polong suot niya.

"Hoy! A-anong ginagawa mo?!" natatarantang sabi ko sabay pikit ng aking mga mata para hindi ko siya makita. "Kung magbibihis ka doon sa ibaba!" pagbabawal ko pa sa kaniya bago ko idilat ang isa kong mata para silipin siya pero wala na siya sa harapan ko. Nasaan na 'yon? Nagtataka kong tanong. Nang mapunta ang tingin ko sa hagdan ay nakita ko siyang naglalakad pababa papuntang sala.

Zodiac Juvenile OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon