XIV

4 2 0
                                    

Nakita ko kung gaano kasaya si Miss Gemini habang tinitingnan niya ang reaksyon naming lahat. Naikuyom ko ang aking kamao. Sinungaling! Pinatay niyo si Miss Virgo! Hindi ko alam pero kinamumuhian ko siya, sa tingin ko kasi ay may kinalaman siya sa nangyayari kay Miss Virgo. Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalaba. Gusto ko mang mag-walk out ay hindi pwede. Ayokong makita niya na affected ako ng sobra.

Pagkakuha ko ng huling damit sa aking hamper ay napasigaw si Hyacinth na katabi ko. Tumingin tuloy ang iba sa aming direksiyon kaya mabilis kong hinulog sa tubig ang hawak kong blazer para hindi nila makita. Tiningnan ko naman si Hyacinth.

"May problema ba diyan?" istriktong tanong ni Miss Gemini. Lalapit na sana ito sa amin ng biglang magsalita si Hyacinth.

"Wala po! Nakakita lang po ako ng palaka kaya napasigaw po ako. Pasensya na po!" palusot ni Hyacinth na nakatingin sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag. Muntikan na talaga 'yon. Hindi nalang kami pinansin ni Miss Gemini.

Lumapit ng kaunti sa akin si Hyacinth at bumulong siya, "Bakit may dugo ang blazer mo? Saan galing 'yan?" may pagtataka nitong tanong habang sinusulyapan ang dugo mula sa aking blazer. Hindi ako nakasagot. Hindi pa rin ako nakapag desisyon kung sasabihin ko sa kaniya ang sikreto ko.

Napaawang ang kaniyang bibig, "Magtapat ka nga sa akin, may itinatago ka ba? Huwag mong sabihing nakapata---" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Hyacinth bago niya pa maituloy ang gusto niyang sabihin.

"Alam mong hindi ko magagawa yan," tutol ko sa kaniya habang umiiling iling ako. Ipinagpatuloy ko ang pagkusot sa blazer hanggang sa mawala na ang mantsa rito.

"E ano nga kasing nangyari?" pangungulit niya. Kanina niya pa ako ginugulo tungkol sa dugo pero nanatili lang akong tahimik.

Hanggang sa matapos kaming maglaba. Nagtungo kami sa Dining Hall para kumain ng lunch at pagkatapos ay dumiretso na kami sa Zodiac Farm para magtrabaho. Kasalukuyan kaming pumipitas ng mga prutas dito sa Fruitzeria. Dito kami nakatalaga ngayong araw base sa schedule namin. Kailangan naming makapuno ng sampung sako ng na-assign sa aming prutas. Ang napunta sa akin at kay Hyacinth ay strawberry kaya tig-limang sako ang kailangan naming mapuno.

"Naniniwala ka ba sa sinabi ni Miss Gemini na pinalayas nila rito sa orphanage si Miss Virgo?" panimulang tanong ko kay Hyacinth. Naupo ako para hindi ako mabilis na mangalay.

"Sshh!" pagbabawal sa akin ni Hyacinth habang nakadikit ang kaniyang hintuturo sa kaniyang labi. Palinga linga ito sa paligid upang tingnan kung naroon si Miss Gemini. Nang masiguro niyang wala ito ay bumulong siya sa akin, "Huwag mong babanggitin ang pangalan niya kung ayaw mong maparusahan," pagpapaalala niya sa sinabi ni Miss Gemini kanina.

"May gusto sana akong itanong sayo," hininaan ko ang aking boses para si Hyacinth lang ang makarinig. Kahit malayo ang ibang mga kasama namin kailangan ko paring mag doble ingat.

"Ano naman 'yon?" naupo sa aking tabi si Hyacinth habang pinipitas niya ang mga strawberries sa kaniyang harapan.

Lumapit ako sa kaniya at sumitsit sa kaniyang tenga, "Hindi bat matagal kana rito? Alam mo ba kung saan makikita ang House of the Zodiac Leaders?" tinignan ko siya habang siya naman ay nag iisip. Inaalala niya siguro kung saan ang daan papunta roon.

"Chartreuse ngayon palang ay binabalaan na kita na huwag mo ng ituloy ang binabalak mong 'yan. Kung delikado ang una mong plano mas delikado itong pangalawa. Baka hindi kana suwertihin," suway ni Hyacinth. May konting galit na rin sa boses niya. Alam kong nag aalala lang siya sa akin kaya ganito siya umasta. Inilalayo niya lang ako sa kapahamakan.

"Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nakukuha ang diary ni Miss Virgo," napatakip ako ng bibig ng mapagtanto ko ang aking sinasabi. Napangiwi ako habang tinitingnan ang reaksiyon ni Hyacinth.

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now