XVII

3 2 0
                                    

"Huwag mong sabihing pinalitan na ng bago ang opisina ni Madame Astrid?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatulala parin sa nakasarang gate.

"Forbidden ang Gate X sa ating mga zodiacians. Walang sinuman ang pwedeng pumasok diyan maliban sa owner at mga zodiac leaders. Pero bakit nila sinama si Charity sa loob? Anong binabalak nilang gawin sa kaniya?" nangangambang wika ni Hyacinth. Masama ang kutob ko. Mukhang nilinlang ni Miss Gemini si Charity para sumama siya sa kaniya. Walang mag aampon sa kaniya, lahat ng 'yon ay gawa gawa lamang. Iisa lang ang sigurado kami, nasa panganib si Charity.

Nanakbo ako papalapit sa Gate. Anong meron sa loob nito? At anong gagawin nila kay Charity? Sabi ko na nga ba, tama na naman ang kutob ko. Noong una palang ay may hinala na ako na may mali. Hahawakan ko palang sana ang gate para itulak ito ng pigilan ako ni Hyacinth sa pamamagitan ng paghawak ng kamay ko.

Umiling iling siya, "Kapag hinawakan mo ang gate mag-se-send ito ng alarm sa loob at malalaman nilang narito tayo," pagpapaliwanag ni Hyacinth sabay bitaw ng kamay ko.

"Pero anong gagawin natin? Tutunganga nalang ba tayo rito habang nasa kapahamakan si Charity? Kailangan niya ng tulong natin. Dapat tayong pumasok sa loob at iligtas siya," pagmamatigas ko. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nasisiguradong ligtas si Charity.

"Wala na tayong magagawa Chartreuse. Kahit gustuhin man natin ay hindi tayo makakapasok sa loob. Maghintay nalang tayo hanggang mag-umaga. Babalik naman siguro si Charity."



















Nagtiwala ako sa sinabi ni Hyacinth na babalik din si Charity. Kinaumagahan, pagkamulat ng mga mata ko ay kaagad kong hinanap si Charity subalit ng mapadpad ang tingin ko sa kama niya ay wala pa rin siya roon. Mukhang napansin din 'yon ng mga kasama namin kaya nagsimula na silang magtanong kay Miss Gemini.

"Nasaan po si Charity?"

"Oo nga po, wala siya sa kama niya."

"Atyaka nakakapagtaka namang hindi niya dala ang paborito niyang teddy bear. Lagi niya itong bitbit saan man siya magpunta."

Pinagmasdan ko si Miss Gemini. Nakita kong naikuyom niya ang kaniyang kamao pero nanatiling walang expression ang mukha niya.

"Ikinalulugod kong sabihin na may nag-ampon na kay Charity. Isinama na siya ng kaniyang bagong mga magulang. Kagabi pa sila umalis kaya hindi niyo na siya makikita pang muli pero huwag kayong mag alala dahil sa tuwing may aalis, may darating" kalmadong paliwanag ni Miss Gemini. Napakagat labi ako habang tinitignan siya ng masama. Ang galing niyang magsinungaling at magpanggap. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yan.

"Pero bakit po narito parin ang mga gamit niya?" tanong ng babaeng naka-ponytail na katabi ni Hyacinth. Napangisi ako sa tanong niya. Hinihintay ko ang kasagutan ni Miss Gemini. Tignan ko lang kung malusutan niya pa 'yon.

"Yun ay dahil isa sa mga patakaran ng orphanage na lahat ng gamit ng mga orphans ay mananatili rito. Hindi nila maaaring dalhin ang anumang gamit na mayroon sila sa oras na umalis sila rito. Hindi niyo siguro binasa ang nakalagay sa kontrata ng pirmahan niyo iyon. Paalala, sa susunod ay basahin niyo muna ang laman ng kontrata o anumang dokumento bago niyo ito pirmahan," hindi natinag si Miss Gemini sa pagsagot ng tanong ng isa pang bata. Inilipat niya ang tingin niya mula sa mga bata papunta sa akin. Hindi nakalampas sa akin ang pagkurba ng kaniyang labi. Mukhang masaya pa siya sa ginawa niya samantalang inilagay niya lang naman sa kapahamakan ang buhay ng inosenteng bata.










"Hindi ako nakatulog kagabi, iniisip ko si Charity. Kahit na hindi kami close hindi ko mapigilang hindi mag alala para sa kaniya," napabuntong hininga si Hyacinth habang ini-slice ang strawberry pancake na nasa pinggan niya.

Zodiac Juvenile Orphanageحيث تعيش القصص. اكتشف الآن