XXIX

4 2 0
                                    

"Sinong magigising?" sabay sabay naming tanong habang nakapukol ang mga tingin sa secret message na iniwan ni Miss Virgo.

"Malamang si Miss Attitude, tingnan niyo mukhang nakatulog na yata siya roon," pagbibiro ni Homo habilis sabay turo kay Maddy na nakapikit gamit ang kaniyang nguso.

Nagulat kami ng dali daling tumayo si Maddy at sinugod si Homo habilis, "Hoy taba! Ang pangalan ko ay Madeleine!" galit na galit niyang wika. Muntikan na niyang masuntok si Homo habilis mabuti nalang at nahawakan siya agad ni Homo erectus.

"Hindi rin naman taba ang pangalan ko ah, tawagin mo akong Stef!" sumbat ni Homo habilis. Masama ang titig ng dalawa sa isa't isa animo'y may kuryenteng dumadaloy sa mata nila.

"Alam ninyo bang ganyan nagkatuluyan ang mga magulang ko?" pang-iinis ko sa kanila para naman tumigil na sila sa pagbabangayan. Mukha silang mga aso't pusa sa ginagawa nila.

"Eww! Yuck!" nandidiring sambit ni Maddy sabay ngiwi kay Homo habilis na para bang ayaw niya sa buong pagkatao nito. Inirapan niya pa si Homo habilis at lumayo ito sa kaniya.

"Going back, sa tingin niyo sinong tinutukoy niyang magigising?" pagbabalik ni Hyacinth sa aming usapan tungkol sa hidden message. Itinaas niya ang kaniyang dumudulas na salamin.

"Ang obvious guys," singit ulit ni Homo habilis. Naupo siya sa tabi ni Homo neanderthalensis. Dahil sa sinabi ay nag eexpect kami sa isasagot niya. Mukhang alam niya kung sino ang tinutukoy ni Miss Virgo.

"So sino?" tanong ko naman. Nakatitig lahat kami sa kaniya. Inaabangan ang isasagot niya. Kapag kalokohan na naman ito baka ibaon na namin siya ng buhay sa hukay sa likod ng classroom.

He leaned forward, seryoso ang kaniyang mukha. "Malamang ang tinutukoy ni Miss Virgo ay ang mga natutulog na zodiac leaders. Kapag nakita nila tayo rito siguradong patay tayong lahat," napahilamos nalang kami ng mukha sa walang kwentang sagot ni Homo habilis. As usual wala na namang sense ang sasabihin niya. Bakit ba kasi kami naniwala sa kaniya?

"Puro taba na nga ang katawan mo, hangin pa ang laman ng utak mo!" panlalait ni Maddy kay Homo habilis. Akmang magrarambulan na naman sila mabuti nalang at pumagitna si Homo erectus.

"Malalaman din natin kung sino ang tinutukoy ni Miss Virgo sa tamang panahon. Sa ngayon ay bumalik na muna tayo ng dorm. Bukas ay pag-uusapan nating muli ang tungkol sa plano."

































Nahulog ako sa kama ng marinig ang malakas na tunog ng Zodiaclock. Pagkadilat ko ng aking mga mata ay nakalupong na ang mga kapwa ko Virgo sa aking paligid. Muntikan na akong mapasigaw sa gulat. Ngayon lang ba sila nakakita ng taong nahulog sa kama? What's the matter? Para namang big deal ang nangyari sa akin.

Nagtaka ako ng makitang nakatitig sila sa akin ng masama. Nakakatakot ang mga mukha nila, parang kahit anong oras ay susugurin nila ako. Dahan dahan akong tumayo habang nakapokus pa rin ang tingin sa kanilang lahat. Hindi sila gumagalaw pero nakasunod ang mga mata nila sa akin, sa bawat galaw ko. Nagsisimula na akong matakot sa kanila.

"H-hey Maddy," pagtawag ko kay Maddy na palabas na sana ng pinto. Nakikita ko siya sa aking peripheral vision. Napansin kong tumingin siya sa gawi ko, "Tulong naman," mahinahong sambit ko habang nakapako pa rin ang tingin sa mga misteryoso naming ka-dormmates na hanggang ngayon ay hindi gumagalaw. Naka-freeze ba sila?

Pumasok bigla si Miss Gemini habang  ang hawak ang maliit na bell na pinapatunog niya. Mabilis namang nagsilupong sa kaniya ang mga kasama namin. Nakahinga ako ng maluwag.

"Oras na para maligo," anunsiyo ni Miss Gemini. Mabilis na nagsipunta sa kani-kanilang mga kama ang mga bata. Kinuha nila ang kanilang mga gamit at sa isang iglap ay nilisan nila ang dorm. Bakit mukha silang mga robot?

Zodiac Juvenile OrphanageDonde viven las historias. Descúbrelo ahora