XXVII

6 2 0
                                    

╔════════════════════════╗

DIARY OF A ZODIAC LEADER

(2016-2020)


♈♉♊♋♌♍♎♏♐♑♒♓


Personal Property of Miss Virgo (♍)

a.k.a. Virginia Gomez

╚════════════════════════╝











══════════════════════════

JANUARY 01, 2016

DAY 01

Bagong taon, bagong panimula. Nagising nalang ako ng marinig ang malakas na tunog ng kampana. Umalingawngaw ito sa loob ng monasteryo, hudyat na alas sais na ng umaga. Ang araw na ito ay ang pinakahihintay kong araw hindi dahil sa bagong taon kundi ito ang aking ika-labingwalong kaarawan. Ganap na akong dalaga. Dito sa monasteryo, kapag tumuntong ka na sa legal na edad ay ipapadala ka nila sa isang orphanage upang doon magbigay serbisyo. Gusto mo man o hindi ay wala ka ng magagawa.

Walang orphanage sa Villa Fernandina, kung mayroon man baka ay matagal na itong ipinasara, ipinawasak o di kaya naman ay ipinasunog ng Gobernadorcillo. Ang namumuno ng Villa ay si Gobernadorcillo Fernando IV. Sa kanila ipinangalan ang villa at base sa mga naririnig ko sa aking paligid ay ganoon na lamang kalaki ang galit nila sa mga ulila. Mga ulila raw kasi ang pumatay sa kanilang mga nunu-nunuan kaya ipinatupad nila ang batas na No orphan should live. Alam kong wala silang karapatang wakasan ang buhay ng mga ulila ngunit wala kaming kapangyarihan kagaya nila kaya wala kaming magawa. Minsan ng binatikos ng simbahan ang batas na 'yon ngunit hindi kami pinansin ng mga nasa taas kay nagpatuloy ang pagsunod sa batas.

Ito ang unang araw na nanilbihan ako sa Zodiac Juvenile Orphanage bilang isang zodiac leader. Nakakamangha ang orphanage na ito, napakalawak at napakaraming mapupuntahan. Hindi pangkaraniwan ang bahay ampunan na ito. Malayong malayo ito sa mga ordinaryong ampunan. Si Mrs. Capricorn ang nag-tour sa akin sa orphanage. Kakaiba ang pangalan ng orphanage at napag alaman kong ang Zodiac ay binase sa pangalan ng kaisa-isang anak ni Madame Astrid. Ang isang ampunan ay dapat na bukas sa lahat ng edad ngunit ang orphanage na ito ay tumatanggap lamang ng mga Juvenile.

Simula ng mamatay si Zodiac, ang only child ni Madame Astrid ay ayaw na nitong makakita ng mga bata. Sa tuwing nakakakita raw kasi siya ng mga bata ay naaalala niya ang sakit na dulot ng pagkawala ng kaniyang anak. Walang may alam kung ano ang ikinamatay ni Zodiac maliban sa kaniyang ina. Ang sabi sa akin ni Mrs. Capricorn, nakaratay daw lagi ang batang 'yon at maraming apparatus ang nakakabit sa kaniyang katawan. Ang hula ni Mrs. Capricorn ay may malubhang sakit si Zodiac at 'yon ang naging dahilan ng kaniyang maagang pagpanaw. Taong 2012 ng mamatay ang bata sa edad na pitong taong gulang.

Kaya pala ipinatayo sa gitna ng kagubatan ang orphanage para hindi ito makita at mahanap ng Gobernadorcillo. Si Madame Astrid ay isa ring ulila ngunit dahil sa sariling sikap ay naging successful siyang tao. Ipinatayo niya ang orphanage dahil gusto niyang matulungan ang mga ulilang kagaya niya. Gusto niyang maipadama sa mga ito na kahit wala silang pamilya ay makakaramdam pa rin sila ng karangyaan sa buhay. Kaedad ko lang si Madame Astrid ng ipatayo niya ang orphanage noong 1998. Nagkaroon siya ng anak noong 2005.

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now