X

4 3 2
                                    

Ibinalik ko ang record book sa box at kung saan ito nakalagay. Siguro nga kailangan ko ng itigil ang pag iimbestiga ko tungkol sa batang 'yon. Napatunayan ko na hindi talaga siya isa sa mga batang narito sa orphanage. Inayos ko ang swivel chair na siyang ginawa kong hagdanan. Itinutok ko sa dingding ang ilaw mula sa flashlight ko. Kailangan kong malaman kung anong oras na ngunit imbes na sa orasan tumutok ang liwanag ng flashlight ay napunta ito sa mga nakasabit na picture frame sa dingding.

Nilapitan ko ang mga 'yon para makita ko ng maayos. Tiningnan ko isa isa ang mga nakahilerang picture frame at sinuri ito. Picture ito ng orphanage at ni Madame Astrid mula sa taon kung kailan ito itinayo (1998) hanggang sa kasalukuyan (2020). Bawat taon ay may larawan si Madame Astrid at ang orphanage. Made of woods pala ang sinaunang orphanage habang papatagal ng papatagal ay nag-i-improve ito. Taong 1998 ay napakabata pa ni Madame Astrid siguro kasing edad niya lang si Miss Virgo ng unang itayo ang orphanage. Habang papatagal ay patanda ng patanda ang itsura ni Madame Astrid ngunit paganda naman ng paganda ang orphanage.

Hanggang sa mapako ang tingin ko sa larawang nakuhanan noong 2012. Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong kinilabutan. Nanginig ang kamay ko kaya nabitawan ko ang hawak kong flashlight at lumikha ito ng malakas na tunog ng mahulog ito sa sahig. Hindi maaari. Ang larawan sa taong 2012 ay kakaiba sa lahat ng mga narito. Hindi mag isa si Madame Astrid, may kasama siya.

At ang kasama niya ay ang batang nakilala ko kanina. Ang batang kasama ko kani-kanina lang. Parehas silang nakangiti habang ang background nila ay ang orphanage. Anak siya ni Madame Astrid? Hindi ako makapaniwalang anak siya ng may ari ng orphanage na ito. Pero hindi 'yon ang nakapagpasindak sa akin kundi ang batang lalaki. Ang mukha niya, ang pangangatawan niya at ang height niya. Ganitong ganito ang batang lalaki kanina. Walang pinagkaiba. Carbon copy. Pero nakuhanan ito noong 2012 at ilang taon na ang nakakalipas bakit ganito parin ang mukha niya? Bakit wala siyang pinagbago? Bakit hindi siya tumangkad at nagmukhang matanda? Mas lalo akong naguluhan. Napakaraming katanungan ang gumugulo at bumabagabag sa akin. Nabalik lamang ako sa ulirat ng buksan ni Hyacinth ang pinto at lapitan niya ako.

"Ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Hyacinth sa akin habang sinisipat sipat niya kung may sugat ba ako o ano. Chineck niya pa ang noo ko kung nilalagnat ako.

"Nakita ko na ang hinahanap ko," nakatulalang wika ko habang nakapokus pa rin ang tingin ko sa larawan.

"Kung ganun tara na, aabot pa tayo sa dormitory bago makabalik si Miss Gemini. Mauunahan pa natin siya kung aalis na tayo ngayon," nagmamadaling sabi niya bago niya pulutin ang nahulog kong flashlight. Hinila niya ako palabas ng opisina ni Madame Astrid at sinigurado niyang naka-lock ito ng maayos.

Lumakad na kami pabalik ng dormitory. Nanguna sa paglalakad si Hyacinth dahil mas alam niya ang daan kaysa sa akin. Nasira ang flashlight ko dahil nahulog ito kaya ang flashlight nalang niya ang ginamit namin. Dumaan kami sa shortcut na sinasabi niya. Sampung minuto lang daw kasi ang aabutin kapag doon kami dumaan hindi katulad doon sa normal na ruta na aabot ng dalawampung minuto ang paglalakad pabalik sa dorm. Mas mabilis ang daang tinatahak namin ngunit marami nga lang talahib at bato sa daraanan.

"Paano mo nalamang umaalis ang mga zodiac leaders tuwing gabi?" nagtatakang tanong ko habang sabay kaming naglalakad.

"Madali kasi akong magising ultimo makarinig lang ako ng kaluskos ay magigising na ako. Mababaw lang ang tulog ko kaya nalaman kong bumabalik balik lang ang mga zodiac leaders sa dormitory. Nagtataka rin ako kung bakit umaalis sila at bumabalik pagkatapos ng isang oras," paliwanag ni Hyacinth. Kabaligtaran ko pala siya, kahit napakaingay na sa paligid ay hindi pa rin ako nagigising. Tulog mantika kasi ako sabi nga ni Sinclair.

Zodiac Juvenile OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon