XXIV

6 2 0
                                    

Napaawang ang bibig ko at nanlaki ang aking mga mata sa aking nabalitaan. Nawawala siya? Imposible. Sana ay mahanap na siya. Hindi ako mapalagay. Bakit parang pakiramdam ko ay may mali rito.

"Hinanap na namin siya sa iba't ibang bahagi ng orphanage pero hindi namin siya nakita. Kasalukuyan pa rin siyang pinaghahanap kaya pina-lockdown ang mga dorm para walang makalabas na mga zodiacians. Maghintay kayo rito hanggang sa makabalik ako. Ikakandado namin ang mga pinto para walang makatakas. Ayaw naming may sumunod pa kay Hyacinth," pagkatapos ng anunsiyo ay lumabas si Miss Gemini at narinig namin ang tunog ng pagkandado sa pinto.

Tinignan ko si Maddy na chill lang habang pinapatuyo niya ang nail polish sa kuko niya. Bakit parang hindi siya nababahala? Hindi ba siya nag aalala kay Hyacinth? Magpinsan sila! Siguro naman kahit masama ang ugali niya ay mayroon pa rin siyang konting care para sa nawawala niyang pinsan.

"Maddy," pagtawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa gawi ko ng nakataas ang isang kilay. "Hindi ka ba nag aalala kay Hyacinth?" tanong ko. Sana makuntento ako sa isasagot niya.

"Bakit naman ako mag aalala? Mabuti nga 'yon at wala ng manggugulo sa akin," dama ko kung gaano siya kasaya base sa tono ng boses niya. Nagtiim ang aking bagang at nagdilim ang aking paningin.

Sinugod ko si Maddy at kinuwelyuhan siya. Pinagtitinginan na kami ng mga ka-dormmate namin pero wala akong pakialam. Kailangan kong turuan ng leksiyon ang isang ito. Pinipigilan kami ng iba pero pinagbabantaan ko sila na huwag lumapit kung ayaw nilang madamay kaya napapaatras nalang sila.

"Anong klasing pinsan ka? Wala kang puso!" bawat salitang binabanggit ko ay binibigyan ko ng diin. Nanggiggigil ako kay Maddy, bakit ba napaka walang puso niya?

"Wala kang alam sa pamilya namin kaya huwag kang mangialam!" galit na galit niyang sabi sabay hila sa buhok ko hanggang sa magsubunutan kaming dalawa.

Doon lamang nakialam ang mga kasama namin sa dorm. Pinilit nila kaming paghiwalayin at nagawa naman nila. Hinawakan nila ang mga kamay namin para hindi kami makapagpumiglas.

"Tandaan mo Maddy, kapag may nangyaring masama kay Hyacinth ikaw ang sisisihin ko!" nanggigigil na sigaw ko habang dinuduro si Maddy na matalim ang tingin sa akin.

Natigilan kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ni Miss Gemini na nakatingin sa aming lahat ng nakataas ang kilay.

"Pwede niyo bang ipaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari dito?"



























Bandang huli ay pinalinis sa amin ang buong dorm at hindi kami pinakain ng hapunan. Lahat ng mga bata ay nasa Dining Hall ngayon habang kami ay may hawak na walis at naglilinis.

"Kasalanan mo 'to! Kung hindi mo lang ako sinugod hindi naman tayo magmumukhang janitress!" paninisi niya habang winawalisan ang mga nahulog na dahon sa harap ng girl's dorm.

"Bakit ako? Ikaw ang may kasalanan dahil kung hindi mo naman hinila ang buhok ko hindi mangyayari ang lahat ng 'to!" sumbat ko naman. Sumosobra na talaga siya.

"MAGLINIS!" pagbabawal sa amin ni Miss Gemini na binabantayan kami kaya nagpatuloy nalang kami sa paglilinis. Kapwa tinatapunan ng masamang tingin ang isa't isa.

Makalipas ang isang oras ay pinabalik na kami sa dorm para matulog. Pagod na pagod kaming pareho kaya hindi kami makapagbangayan. Pagkahiga ko sa kama ay kaagad akong nakatulog.

Idinilat ko ang aking mata ng makaramdam ako ng mahinang sampal. Bumantad sa akin ang mukha ni Maddy na nakahalukipkip. Naupo ako mula sa pagkakahiga at tinitigan siya.

Zodiac Juvenile OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon