XVIII

3 2 0
                                    

Miyembro siya ng Hexagon? Biglang nag-flashback sa utak ko ang mga salitang sinabi ni Hyacinth kanina.

"Bumuo sila ng gang na ang tawag ay Hexagon. Originally anim sila ngunit dalawa lang ang nahuli at hanggang ngayon ay hindi parin nalalaman kung sino ang apat pang kasama nila."

Nanlaki ang mga mata ko ng may mapagtanto. Ibig sabihin isa siya sa apat na pinaghahanap pang miyembro ng gang? Paano naman kaya 'yong iba ko pang mga kaklasi? Teka nga lang mag-ro-roll call muna ako. Una si Australopithecus, pangalawa si Homo habilis, pangatlo si Homo erectus at pang-apat ay si Homo neanderthalensis! Silang apat ang natitira pang miyembro ng hexagon!

Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko na namalayang nasa harapan na pala kami ng gate. Itinulak ni Homo neanderthalensis ang gate at naunang pumasok sa loob. Nagbilang ako hanggang twenty bago pumasok. Nakita kong nakasandal ang tatlong unggoy sa pinto ng classroom habang nakatitig sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin. Pagkasara ko ng gate ay hahakbang na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Huwag kang gagalaw Chacha!" pagpigil sa akin ni Homo habilis. Kunot noo naman akong tumingin sa kaniya. Anong pinagsasabi nito? Hahakbang na sana ako ng magsalita ulit ang isa sa kanila.

"CHACHA!" napunta ang atensyon ko sa Australopithecus na may hawak na lubid. Muntikan na kong mabingi sa lakas ng boses niya at sak saan ba galing 'yong lubid? "KITA MO 'TO?!" sigaw niya ulit habang itinuturo ang hawak niyang lubid sa isang kamay.

"Oh? Napano 'yan?" pagwawalang bahala ko. Naiinis na ako sa mga apes na 'to. Tawag sila ng tawag sa pangalan ko as if isa itong sayaw. Pinagmumukha pa nila akong tanga.

"Darling, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo kapag..." sunod namang nagsalita si Homo erectus kaya napunta sa kaniya ang tingin ko. May pa-suspense pa siya.

"Kapag?" kunot noong tanong ko. Bakit ba tinatawag niya ako ng ganoon? Bigla nalang hinila ni Homo erectus ang hawak na lubid ni Australopithecus. Sinundan ko ang lubid hanggang sa makita ko ang dulo nito. Ang pail na nasa ibabaw ng gate, malapit sa aking kinatatayuan.

Bago pa ako makahakbang palayo ay bigla na lamang bumuhos ang sandamakmak na kalat sa akin. Nagsitawanan na naman ang mga walang hiya habang itinuturo ako. Ayos lang sana kung balat ng sitsirya o mga plastic bottles pero may kasamang lupa, tuyong dahon, balat ng saging at dinurang mga laman ng prutas. Kadiri!

Kumuha ako ng bato at akmang susugod na sana ng biglang bumukas ang gate at pumasok si Mrs. Velez. Nabitawan niya ang dalang mga libro habang nakaawang ang kaniyang bibig. Gulat siyang nakatingin sa akin.

"Anong nangyari dito?!" singhal niya. Muntikan na siyang ma-heart attack mabuti na lamang at nakontrol niya ang sarili. Pinapasok niya kami sa loob ng classroom at doon sinermonan. Pero bago 'yon ay pinagbanlaw niya ako sa poso sa may likod ng klasrum.

Kahit biktima lang ako ay hindi parin ako nakatakas sa panenermon ni Mrs. Velez. Hindi naman dapat ako kasama rito pero pati ako ay pinagalitan niya.

"Ano na naman bang kalokohan ito?! Makailang ulit niyo ng ginawa ito sa mga babaeng napupunta rito sa special class! Akala ko ay tumino na kayo, hindi pa pala! Paulit ulit ko na lang kayong pinapangaralan tungkol dito hindi pa ba kayo nagsasawa?! At ikaw naman Chartreuse! Kay bago bago mo palang ay kaasal mo na sila! Babatuhin mo pa talaga sila kung hindi mo lang ako nakita!"

Tumungo ako pero hindi nakalampas sa akin ang pagngisi ni Homo erectus na nasa harapan ko. Inirapan ko siya habang pinupunasan ko ang aking basang buhok gamit ang panyo.

"Dahil sa ipinakita niyong asal ay hindi kayo kakain ng lunch! Ikukulong ko kayo rito sa classroom at lilinisin niyo ito! Irereport ko ito kay Madame Astrid," lumabas ng silid si Mrs. Velez bitbit ang kaniyang mga libro. Nag-ingay naman ang mga unggoy.

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now