XII

4 2 0
                                    

Bulong ng lalaking may hawak na magazine. Ngumiti ito ng pilyo. Naikuyom ko ang aking kamao. Ang bastos! Inirapan ko siya at naupo ako sa aking silya. Laking gulat ko pagkaupo ako ay natumba ako at ang upuan ko sa sahig. Humagalpak na naman sa tawa ang mga kaklasi ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakalma ko ang aking sarili. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Magtimpi ka Chartreuse huwag mo silang papatulan. Tumayo ako at tiningnan ang upuan ko. Sira pala ang isa nitong paa. Mukhang sinadya ito ni tangkad. Nanggigigil na talaga ako pero pinilit kong magtimpi.

"Ayos lang po ako," masiglang sabi ko bago pa magtanong ulit si Mrs. Velez. Kumuha ako ng panibagong upuan at sa pagkakataong ito ay siniguro ko ng maayos ang silyang kinuha ko. Pinalitan ko ng bago ang sirang upuan na kinuha ni tangkad.

Habang nagdidiscuss sa harapan ang guro namin ay hindi naman nakikinig ang mga kaklasi ko. Si tabachoy ay kumakain na naman ng panibagong sitsirya. Si airplane maker naman ay pinaglalaruan ang eroplanong papel na inihahagis nito sa ere para lumipad. Si tangkad naman ay natutulog sa kaniyang armchair habang nakataas ang paa nito sa likod ng upuan ni tabachoy. Ito namang bastos na lalaki ay may tinitingnang magazine.

Dahil hindi ko pa alam ang mga pangalan nila ay bibigyan ko nalang sila ng nickname. Ang pinakamaliit ay si airplane maker kaya ang itatawag ko sa kaniya ay Australopithecus. Ang ikalawa naman ay si tabachoy, siya naman si Homo habilis. Ang pangatlo na medyo may katangkaran ay si pervert boy kaya siya si Homo erectus at ang huli ay si tangkad na tatawagin kong Homo neanderthalensis. Ayan kumpleto na ang theory of evolution syempre ako ang Homo sapiens sapiens. Mukha naman silang mga unggoy at asal unggoy kaya nararapat lamang silang tawagin ng ganoon.

Math ang subject namin ngayon at itinuturo ni Mrs. Velez kung paano sinosolve ang mga fractions. Inaantok na rin ako pero sinusubukan kong makinig sa kaniya para matuto ako. Isinusulat ko sa kwaderno ko ang nakalagay sa blackboard para may kopya ako.

"Ngayon ay maglabas kayo ng isang buong papel magkakaroon tayo ng pagsusulit," napanganga ako ng sabihin iyon ni Mrs. Velez. Quiz agad? Binura niya ang mga isinulat niya sa blackboard at pinalitan ito ng panibagong mga equation. Nakita kong kumuha ng papel ang mga kaklasi ko kaya kumuha na rin ako.

"Pakitago ang kwaderno ninyo. Walang titingin sa notebook. Ang may pinakamababang marka ang siyang maiiwan dito upang linisin ang klasrum," anunsiyo ni Mrs. Velez at saka ito naupo sa kaniyang upuan at mesa na nasa gilid ng blackboard. Tinitingnan niya kami. Mukhang binabatayan niya kami upang walang makakopya. Isinara ko ang aking kwaderno at inilagay ito sa bag.

Kinopya ko ang mga equation sa aking papel at tinitigan ko ang mga ito. Bakit ganun? Bakit ang hirap naman neto kumpara sa mga example na ibinigay ni Mrs. Velez? Nag-focus ako para masagot ko ang mga equation pero kahit na pinipiga ko ang aking utak ay wala akong maisip na sagot. Tiningnan ko ang mga unggoy este ang mga kaklasi ko at laking gulat ko ng makita silang tapos na. Ano?! Paanong?

Napapakamot na ako ng ulo habang pinagmamasdan ang mga equation. Bakit wala akong maisagot? Mas lalo akong nataranta ng marinig ko na ang pagbibilang ni Mrs. Velez.

"Pass your papers in front! 5, 4, 3, 2..." 

Nanghula nalang ako kaysa sa wala akong ilagay na sagot malay mo naman makatsamba pa ako. Kinalabit ko si Homo neanderthalensis na kasalukuyang nakadukmo sa kaniyang mesa mabuti naman at lumingon siya.

"Pakipasa naman," pakiusap ko habang inaabot sa kaniya ang papel ko. Tiningnan niya lang ako ng masama pagkatapos ay hinablot niya ang hawak kong papel. Nagulat ako ng nilamukos niya ito at ihagis sa mesa ng teacher, "Yan daw po ang papel ni Chacha!" tinatamad niyang sabi bago niya ako tingnan ulit, "Okay na?" masungit niyang tanong pagkatapos ay natulog na ulit siya sa kaniyang armchair.

Zodiac Juvenile Orphanageजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें