VI

5 2 0
                                    

──────────────
M I S S  V I R G O
──────────────

Sinigurado kong naka-lock ang pinto para walang makapasok sa loob ng opisina maliban sa aming dalawa. Lumakad ako papalapit kay Madame Astrid na ngayo'y nakadungaw sa bintana patalikod sa akin.

"Ipinapatawag niyo raw po ako," kalmadong sabi ko. Napayuko ako habang inihahanda ang aking sarili sa maaaring mangyari.

Humarap siya sa akin. Narinig ko ang tunog na likha ng kaniyang sapatos sa tuwing humahakbang siya papalapit sa akin. Napapalunok nalang ako habang papalapit siya ng papalapit sa puwesto ko. Nang huminto siya sa aking harapan ay iniangat ko ang aking mukha.

Ang talim ng tingin niya sa akin. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sampalin ng sobrang lakas.

"How dare you sabotage my plan!" nanggagalaiting sabi niya. Wala akong magawa kundi ang tiisin lahat ng pananakit na ginagawa niya sa akin. "Ito ang unang beses na sinuway mo ako! Ano bang pumasok diyan sa kokote mo at tinulungan mo ang mga batang 'yon?!" singhal niya sa akin habang ipinapalo niya sa ulo ko ang hawak niyang pamaypay.

"Naawa ako sa kanila. Hindi kaya ng konsensya ko ang gusto mong mangyari kaya sinubukan kong patakasin sila," nakayukong paliwanag ko. Kung hindi ko ginawa 'yon baka minumulto na ako ng konsensya ko ngayon. Baka hindi ko na kayang gumising pa mula sa bangungot na 'yon.

"Naawa?" humalakhak siya bago magsalita ulit, "Yan ang ayaw ko sayo Virgo! Masyado kang mabait! Masyado kang nakikinig sa konsensya mo! Hindi ko na sana nakita ang mga batang 'yan kung hinayaan mo ng gawin ni Sagittarius ang tungkulin niya! Nasira ang lahat ng dahil sa katangahan mo! Sa pagpapakabayani mo! Pararangalan na ba kita dahil sa ginawa mo?!" galit na galit niyang sabi. Sinampal niya ulit ako sa kabilang pisngi. Para siyang bulkan na nag aalburoto sa galit.

"Fine. I'll give you another chance to prove yourself."















"It's time to go, Sinclair." Anunsyo ko habang nilalapitan ang dalawang magkaibigan. Nginitian ko silang dalawa.

"Lumakad na kayo habang may araw pa kundi gagabihin sa kagubatan si Sinclair," utos ni Madame Astrid na ngayo'y kalmado na ulit. Pinapaypayan niya ang kaniyang sarili habang nakatayo sa may bukana ng pinto.

Lumakad na kami ni Sinclair. Sinamahan ko siya hanggang sa marating namin ang malaking gate. Binuksan ito nina Ms. Gemini at Ms. Libra. Pinigilan ni Madame Astrid si Chartreuse sa pagsunod sa amin. Hindi niya pwedeng makita ang lahat kundi ay masasaktan lang siya ng lubusan.

"Miss Virgo, kayo na po ang bahala kay Chartreuse. Huwag niyo po siyang pababayaan. Pakisabi po sa kaniya na mahal na mahal ko po siya. Napakabuti niya pong anak," pamamaalam ni Sinclair. Parang anumang oras ay maiiyak ako. Naaawa ako sa kaniya.

"Anak?" pinilit kong umarte ng normal kahit na sa loob looban ko ay nasasaktan na ako.

"Opo, ako po kasi ang tumayong magulang niya simula ng mamatay ang pamilya namin. Hindi ko po pinagsisisihang nangako ako sa mama at papa niya na aalagaan ko siya para sa kanila," tumigil sa paglalakad si Sinclair at humarap siya sa akin. Nginitian niya ako. Mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa aking puso.

Tuluyan na kaming nakalabas ng gate at sa oras na nakatapak na ang mga paa namin sa labas ay sumara na ang gate sa likod namin. Kaming dalawa nalang ang taong narito. Hinawakan ko ang kutsilyo na nakatago sa bulsa ng damit ko.

Zodiac Juvenile OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon