II

6 3 0
                                    

Dala dala ang hamper na puno ng mga maruruming damit na lalabhan ko ay nagtungo ako sa ilog para maglaba. Pagkatapos ay isinampay ko na ang mga nilabhan ko. Pagkaharap ko ay nakatayo na sa aking harapan ang nilalang na ayaw kong makita. Nabitawan ko ang bitbit kong hamper dahilan para mahulog ito sa lupa.

"Nasaan ang mga magulang mo?" nakakatakot na tanong ng lalaki. Natatakpan ng buhok at ng hood niya ang kaniyang mukha kaya hindi ko ito makita. Hindi ako makapagsalita. Sa tuwing ibubuka ko ang aking bibig ay walang lumalabas na tinig. Humakbang ako paatras, palayo sa nakakatakot na orphunter na nasa harapan ko. Nanginginig na ang aking mga kamay. Nagsisitaasan na ang mga balahibo ko sa katawan.

"Magsalita ka!" tumaas ang boses ng orphunter. Mas lalo akong kinilabutan. Feeling ko nga ay lalabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa lakas ng tibok nito parang gusto na nitong kumawala. Kalma. Kalma, Chartreuse. Pero kahit anong pilit kong pakalmahin ang aking sarili ay hindi ko magawa.

Tiningnan ko ang mga orphunters na ngayo'y nakapaligid na sa akin. Malalaman na ba nila ang totoo? Katapusan ko na ba? Pinulot ko ang hamper na malapit sa aking paanan. Ibinato ko ito sa orphunter na nasa aking harapan pagkatapos ay tumakbo ako palayo roon.

Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang mahalaga ay matakasan ko sila at makalayo ako sa lugar na ito. Pagtingin ko sa aking likuran ay hinahabol ako ng mga orphunters. Kailangan kong bilisan. Nakakaramdam na ako ng pagod. Nahihirapan na akong humakbang pero pinipilit ko pa rin dahil sa oras na sumuko ako wala ng mangyayari sa akin. Hinihingal na ako, namamanhid na rin ang aking mga paa. Tumutulo na ang pawis mula sa aking noo. Napapagod na ako. Hindi ko na yata kakayanin.

Hanggang sa makarating ako sa kakahuyan. Nagtago ako sa mga naglalakihang bushes na nasa paligid. Habang hinahabol ko ang aking hininga ay sinilip ko kung nariyan pa ba sila. Laking gulat ko na lamang ng wala na akong makitang orphunter. Wala na sila?

Naghintay ako ng ilang minuto baka sakaling nahuli lamang sila ng dating pero wala ng nagpakita ni isa sa grupo nila. Doon na ako nagdesisyon na umalis sa pwestong pinagtataguan ko. Tumayo ako at lumakad ng diretso. Habang papalayo ako ay kumokonti ang punong aking nadaraanan. Nawawala na ba ako? Mas lalo akong kinabahan. Tinatagan ko na lamang ang aking loob at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Dinala ako ng aking mga paa sa malayong parte ng kagubatan kung saan nakakita ako ng malaking gate na natatakpan ng mga gumagapang na halaman. Tumakbo ako papalapit dito. Sa itaas na bahagi nito ay nakasulat ang mga salitang Zodiac Juvenile Orphanage. May mga tao kaya sa loob? Hinawakan ko ang gate, nang tingnan ko ang aking palad ay puno ito ng alikabok. Mukhang matagal na itong hindi nalilinis at mukhang luma na rin dahil kinakalawang na ito.

Itinulak ko ng buong pwersa ang gate at bumukas naman ito. Pumasok ako sa loob. Pinagmasdan ko ang paligid. May mga nakatayong bahay ngunit mukhang walang tao sa loob. Puno ng halaman ang mga bahay at sira na rin ang ilan sa mga ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang palinga linga.

"Hello?! May tao po ba rito?!" sigaw ko. Ngunit nanatiling matahimik ang paligid. Mukhang abandunado na ang lugar na ito. Natigilan ako sa paglalakad ng makatapak ako ng something na lumikha ng tunog. Pagkatingin ko sa ibaba ay muntikan na akong mapasigaw. Tinakpan ko ang aking bibig habang nakapako ang aking mga mata sa ilalim ng lupa.

Mayroong malaking butas sa lupa animo'y hinukay ito. Kung tatantyahin ang lalim nito mula sa lupang aking kinatatayuan ay mahigit fifiteen feet ito. Ngunit hindi ito ang nakapagpagulat sa akin ng sobra kundi ang nasa loob nito.

Katawan ng mga taong patay


Ang dami nila. Mukha silang nagkukumpulan sa ilalim. Napalunok ako ng laway. One step backward. I hope this is not one of those walking dead series nor Train to busan. Nagmadali akong tumakbo palayo roon. Palayo sa malaking butas na puno ng mga bangkay. Nang itulak ko ang gate ay ayaw na nitong bumukas. No! Hindi pwede! Ayokong ma-lock kasama ang mga bangkay! Pinilit kong itulak ang gate pero hindi ito gumalaw. Naiiyak na ako. Ibinuhos ko lahat ng pwersang meron ako para buksan ang gate pero ayaw pa rin. Hanggang sa makarinig ako ng kaluskos mula sa aking likuran.

Zodiac Juvenile OrphanageМесто, где живут истории. Откройте их для себя