XI

4 2 2
                                    

Biglang nanindig ang aking mga balahibo. Tila napako ako sa aking kinatatayuan. Nangatog ang aking mga paa at sa tingin ko nga ay namumutla narin ako katulad ni Hyacinth. Patay na ang batang 'yon? Ang ibig sabihin lang nito ay multo ang nakasama ko kanina? Isang gumagala at hindi matahimik na espirito?

Sa sobrang takot ay napatakbo ako papalayo roon. Hinabol naman ako ni Hyacinth na siyang may hawak ng flashlight. Nakabalik kami ng dormitory bago paman dumating si Miss Gemini. Buong gabi ay hindi ako nakatulog. Kaunting kaluskos lang ay nagbibigay sa akin ng kaba at nginig. Hindi mawala sa aking isipan ang tungkol sa multong bata. Bakit napili niyang magpakita sa akin?

Napalundag ako sa kama ng marinig ang malakas na tunog ng Zodiaclock na naghuhudyat na oras na para gumising. Nauntog ako, nawala sa isip ko na double deck nga pala ang kama namin at nasa ibaba ako. Biglang bumukas ang ilaw sa loob ng Virgo room. Isa isang nagsigising ang mga batang kasama ko. Nag unat sila at ang iba naman ay humihikab pa.

"Ayusin ninyo na ang pinahigaan ninyo at maghanda na kayo para maligo. First come, first serve. Kung sino ang unang matapos sa pagliligpit ng kaniyang higaan ay ang siyang mauuna sa comfort room. Huwag ninyong kalimutang pumila. Wednesday ngayon asahan ninyong may laundry time tayo ngayong araw. Pakitignan nalang ang mga schedule ninyo," may pagkamasungit na anunsiyo ni Miss Gemini bago ito lumabas ng silid. Kami naman ay iniligpit namin ang aming pinagtulugan. Mabilis kumilos ang mga kasama namin kaya pagkatapos lang ng tatlong minuto ay nag unahan na sila sa paglabas at pagpunta ng palikuran.

Kami nalang dalawa ni Hyacinth ang naiwan sa loob. Kinuha ko ang uniform ko at tuwalya. Pati na rin ang maliit na basket na naglalaman ng mga kakailanganin ko sa pagligo. Inaantok pa ako at gusto ko pang bumalik sa pagtulog, siguro ay nasa tatlong oras lang ang tulog ko kung hindi ako nagkakamali. Paglabas namin ay madilim pa buti nalang at may nakabukas na ilaw sa labas. Alas singko na pala. Lumakad kami papunta ng banyo at pagdating namin doon ay napakarami ng nakapila. Parang pila sa tuwing may nagbibigay ng relief goods. Pumila kami sa pinakahuling banyo kung saan nakalagay ang VIRGO at ang zodiac symbol sa itaas nito.

"Mukhang hindi ka yata nakatulog ng maayos. Ang laki ng eyebags mo," puna ni Hyacinth. Bumulong lang siya dahil baka marinig ng iba pang narito. "Dahil ba kay Zodiac?" pahabol pa niya.

Marinig ko pa lang ang pangalan ng batang 'yon ay nakakaramdam na ako ng pangingilabot. "Hindi niya ako tinantanan maging sa panaginip ko ay minumulto niya ako."

"Sa tingin mo ba ay may gusto siyang iparating?" mahinang tanong ni Hyacinth habang tinitingnan ang iba pang mga nakapila na aming katabi.

Nagkibit balikat ako. "Siguro? Ewan ko," napaisip rin ako sa sinabi ni Hyacinth. Paano nga kung may gusto siyang iparating? Pero ano naman kaya 'yon?

Nagpasya kaming mamaya nalang ipagpatuloy ang pinag-uusapan namin dahil ayaw naming may makarinig na ibang tao lalo na ang mga batang narito baka ay isumbong pa nila kami. Pagkatapos ng limang minuto ay umuusog ang pila hanggang sa maabutan na kami. Pinauna ko na si Hyacinth katapos niya ay ako naman ang naligo. Napasigaw ako ng dumampi ang malamig na tubig sa aking balat. Hindi ko inaasahang ganito kalamig ang ipangliligo namin at bakit wala silang heater?

Pagpatak ng alas sais ay muling tumunog ang Zodiaclock. Nagtungo kami sa Dining Hall para mag-almusal. Ang pinili kong kainin ay pancake, biscuits at hot chocolate. Tatlumpung minuto lang pala ang oras para sa pagkain. Pagkatapos ay pumunta na kami sa Zodiac High. First day of school ko ngayong araw. Matagal na rin mula nung huli akong nakapag-aral at kung hindi ako nagkakamali ay noon pang buhay ang mga magulang ko. Limang taon na ang nakakaraan.

Grade 8 na raw si Hyacinth at sa tingin ko ay magiging magkaklasi naman kami dahil nga parehas kami ng edad. Naglalakad palang kami sa pasilyo ng lapitan ako ni Miss Gemini. Tiningnan ko siya ng nakangiti at babatiin sana ng bigla siyang magsalita.

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now