VIII

5 2 0
                                    

Dahil ba sa pagtangka niyang pagtulong sa amin ni Sinclair kaya siya grounded? Naisipan ko munang maligo at magpalit ng damit. Tuesday ngayon kaya 'yong ikalawang uniform ang isinuot ko. May orasan na nakasabit sa dingding sa loob ng dorm at maaga pa naman para sa tanghalian kaya lumabas muna ako para maglibot.

Lumakad ako palabas ng dorm. Ang tahimik at wala akong makitang ibang tao. Bahala na kung saan man ako ipadpad ng aking mga paa. Wala namang rules na bawal maglibot dito sa orphanage sa ganitong oras. Naglakad lang ako hanggang sa makita ko na lamang ang aking sarili na nakatanaw sa malaking gate na kamukha ng entrance ng orphanage na nasa aking harapan.

Ito na ba ang exit gate dito sa orphanage? Nilapitan ko pa ang malaking gate at itinulak ito pero hindi man lamang ito gumalaw kahit kaunti. Tumingin ako sa paligid para tingnan kung may tao. Nang makumpirma kong wala ay sinimulan ko ng akyatin ang brick wall na katabi ng malaking gate. Hindi ko pa man nakakalahati ang wall ng bigla akong makarinig ng taong nagsalita.

"Zodiac Rule #12. Sagittarius: Thou shall not try to escape nor sneak out of the orphanage."

Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran at doon ay nakatayo ang isang lalaking mukhang nasa elementary ang level. Maliit siya at natatakpan ng kaniyang bangs ang kaniyang mga mata kaya hindi ko malaman kung nakatingin ba siya sa akin o hindi.

"Zodiac Rule #5. Taurus: Do not enter the Gate X."

Ano bang pinagsasabi neto? Minememorize niya ba ang mga rules at nagrerecite siya sa harapan ko?

"You have just failed to follow those two rules. Gusto mo bang malaman ito ni Madame Astrid so that you will be punished?" pagbabanta niya. Sa tingin niya ba matatakot ako sa bulilit na katulad niya? Napangiti ako habang pailing iling.

"Pwede bang huwag kang makialam? Mind your own business elementary!" pagbabalewala ko sa kaniya habang patuloy pa rin ako sa pag akyat ng bricked wall. Sino ba ang bubwit na ito at bakit nangingialam siya.

"Don't worry mamaya maya lang ay tutunog na ang alarm at mahuhuli ka nila and then you will be punished," seryosong pananakot niya kaya naman na-triggered ako. Tumigil ako sa pag akyat ng wall.

"What? Bakit hindi mo agad sinabi?" sa sobrang takot ko na tumunog ang alarm at mahuli akong tumatakas ay mabilis kong binitawan ang pagkakahawak ko sa wall dahilan para mahulog ako sa lupa.

Sobrang sakit ng balakang ko. Sana naman hindi ako nabalian ng buto. Dahan dahan akong tumayo habang tinitingnan ko ng masama ang bulilit na 'to na kasalukuyang nakatayo sa aking harapan. Nagulat ako ng bigla nalang siyang tumawa ng malakas. Nasisiraan na ba siya ng bait?

"Naniwala ka naman? Uto uto," pang aasar niya sabay tawa. Hawak pa niya ang kaniyang tiyan habang humahalakhak.

"Anong sabi mo?!" nanggigigil na tanong ko. Sinira lang naman ng elementary pupil na 'to ang plano kong tumakas ng orphanage at ng dahil sa kaniya ay nahulog ako tapos pagtatawanan niya ako at sasabihang uto uto? Aba, sumosobra naman yata ang batang 'to.

"Wala bang laman ang utak mo? Sa tingin mo ba sa pamamagitan ng pag akyat sa malaki at mataas na wall na 'yan ay makakalabas ka? Sa susunod gamitin mo naman 'to, baka kasi mabulok lang at hindi na mag function ng maayos," itinuro niya ang kaniyang sentido habang patuloy niya akong nilalait. Kailangan ko na sigurong turuan ng gmrc and batang ito mukhang kinulang siya sa aruga.

"Hoy matabil ang dila! Hindi ka ba tinuruan ng good manners at right conduct? Matuto kang gumalang sa nakatatanda sayo! Watch your mouth kung ano ano na kasi ang lumalabas diyan in case you're not aware of that," palabang sabi ko habang nakapameywang. Napakabata pa niya pero kung makapagsalita siya parang ang tanda niya.

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now