XXIII

4 2 0
                                    

──────────────
S O M E O N E ' S
──────────────

Dala dala ang diary ni Miss Virgo ay nagtungo ako sa opisina ni Madame Astrid. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko marinig ang boses niya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa maaaring mangyari.

"Come in!" narinig kong sigaw ni Madame Astrid mula sa loob kaya binuksan ko ang pinto at pumasok. Bawat hakbang ay napapasinghap ako sa hangin.

Huminto ako isang metro mula sa lokasyon ng kaniyang mesa. Ayokong lumapit sa kaniya, natatakot ako. Tinignan niya ako ng seryoso pero ng mapunta ang tingin niya sa hawak kong diary ay bigla siyang ngumiti.

"Why don't you take a sit? Ayokong mangalay ka," malambing na sabi niya habang nakangiti sa akin ng malapad. Kahit na may aircon sa loob ng opisina niya ay pinagpapawisan pa rin ako.

Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang diary. Ibababa ko na sana ito sa mesa ni Madame Astrid pero parang hindi ko yata ito kayang bitawan. Nang sulyapan ko siya ay seryoso na ulit ang mukha niya. Ipinatong ko sa ibabaw ng mesa ang diary ni Miss Virgo.

"Magaling!" napapalakpak siya sa tuwa habang napako ang mga mata niya sa diary.

"Aalis na po ako," paalam ko pero bago pa ako makatalikod ay bigla siyang tumayo. Kinilabutan ako sa pagtitig niya sa akin.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo ako niloloko dahil sa oras na malaman kong may ginawa kang labag sa utos ko... alam mo na ang mangyayari."















Nagising ako ng bigla akong kalabitin ng kaklasi ko. Kinusot ko ang mga mata ko at tinignan siya ng may pagtataka. Hindi kami close kaya nakakapagtaka namang inistorbo niya ako sa pagtulog.

"May tumatawag sayo," may itinuro siya at ng sundan ko ang direksiyong itinuturo ng hintuturo niya ay nakita ko si Mrs. Capricorn na nakatayo sa may bukana ng pintuan.

Bigla akong kinabahan ng makita ang pinakamatanda sa lahat ng zodiac leaders. Anong ginagawa niya rito at bakit niya ako pinapatawag? Tumayo ako at nilapitan siya.

Si Mrs. Capricorn ay nasa mid-40's na. Pumuputi na rin ang ilang hibla ng kaniyang buhok. Singkit ang kaniyang mga mata at may malaki siyang nunal sa itaas ng kaniyang labi.

"Ipinapatawag niyo raw po ako?" magalang na tanong ko habang nakaturo sa aking sarili. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

"Inutusan ako ni Madame Astrid na puntahan ka rito sa classroom ninyo dahil gusto ka raw niyang makita sa opisina niya," mahinahong paliwanag niya. Bigla akong kinutuban ng masama. Bakit niya ako pinapapunta sa opisina niya? Nalaman kaya niyang lumabag ako sa rules ng orphanage?

Nanguna si Mrs. Capricorn sa paglalakad samantalang nakasunod naman ako sa likuran niya. Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadaraanan namin sa hallway. Nagbubulungan din sila habang itinuturo ako. Tumungo ako para hindi nila makita ang mukha ko.

Nang makalabas ako ng paaralan ay nakahinga ako ng maluwag. Ayokong pinagtitinginan ako at pinag uusapan. Dumaan kami sa shortcut para mas mabilis na makarating sa opisina ng owner.

Binuksan ni Mrs. Capricorn ang pinto ng opisina at sinabing, "Narito na po siya Madame Astrid." Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Makailang ulit ko na ring nilulunok ang laway ko.

"Papasukin mo ang bisita ko," may excitement sa tono ng pananalita niya kaya mas lalo akong kinabahan. Umalis sa harapan ko si Mrs. Capricorn para makita ako ni Madame Astrid.

Nginitian ako ni Madame Astrid at sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. Tiningnan ko muna si Mrs. Capricorn bago ako lumakad. Bawat hakbang ay nagdudulot sa akin ng takot. Nang makalapit ako sa kaniya ay itinuro niya ang upuang kaharap ng kaniya kaya naupo ako.

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now