XIX

4 2 0
                                    

Binitawan niya ang uniform na pinag aawayan namin at pinulot ang litratong nasa sahig. Pinagmasdan niya 'yon ng ilang segundo at mabilis na ibinulsa. Tumayo siya at matalim akong tinitigan. Nagulat nalang ako ng mag-walk out siya.

May palikuran sa kabilang banda ng classroom kaya hindi ko na kailangan pang lumabas para maligo. Isinuot ko ang uniform ng isa sa dating miyembro ng hexagon. Parang ipinasadya ang uniform dahil sakto lang ito sa akin. Mukhang parehas lang kami ng pangangatawan at tangkad ng may ari nito pati ang sukat ng paa niya ay kaparehas din ng akin. Tamang tama lang ang puting rubber shoes niya sa akin.

Basag na ang salamin na nakadikit sa likod ng pinto ng palikuran pero nakikita ko pa rin naman ang aking repleksyon. Mukha akong tomboy pero okay na ito kaysa naman sa wala. Lumabas na ako at nakita ko silang nakaupo sa labas malapit sa lumamg fountain. Lumingon sila sa aking gawi ng marinig nila akong naglalakad. Wala na rin si Mrs. Velez dahil kumain muna ito ng lunch.

Pinipigilang matawa ni Homo habilis, "Mukha kang..." hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin dahil napapahagikgik na siya. "Tomboy!" Pahabol pa nito bago tuluyang tumawa. Nakitawa rin ang katabi niyang si Australopithecus samantalang nakatingin lang sa akin ng masama ang natitira pang dalawa.

Lumapit ako sa kanilang apat. "Itigil na natin 'to, bakit hindi na lang tayo maging magkaibigan?" binabaan ko na ang pride ko para sa kanila. Mabait ako basta maging mabait din sila sa akin.

"Nagpapatawa ka ba?" segunda manong tutol ni Homo erectus. "Hindi kami nakikipagkaibigan sa mga babae," dagdag niya. Sa paraan ng pagsambit niya sa salitang babae ay parang nandidiri siya.

"Anong gusto niyong gawin ko para tigilan niyo na ang lahat ng ito?" desidido akong gawin ang lahat ng gusto nila para matapos na ang lahat ng ito. Kailangan kong makipagkaibigan sa kanila upang matulungan nila ako sa aking misyon.

"Maglinis ka na sa likuran, huwag kang magpakalampa kung ayaw mong wala ka ng isuot," malamig na tugon ni Homo neanderthalensis bago siya tumayo at magsimulang maglinis ulit. Ganoon din ang ginawa ng iba.

Kinuha kong muli ang kagamitang panglinis at nagpunta sa likuran. Nagawa kong makatapak sa malaking bato. Nangangalahati na ako sa paglilinis ng bigla kong makita si Homo habilis na tumatakbo papalapit sa akin. Hinihingal na siya samantalang ang lapit lang ng itinakbo niya.

Huminto siya sa matigas na lupa, malapit sa kinatatayuan ko. Bago siya nagsalita ay inunahan ko na siya, "Ano na naman bang prank ang gagawin mo Homo habi--" napatikom ako ng bibig ng marealize na muntikan ko ng masambit ang aking tawag sa kaniya.

"Homo... ano?" magkasalubong na ang kaniyang mga kilay at sinamaan niya ako ng tingin. Napangiwi ako habang nag iisip ng ipapalusot.

"Homooooo! Ooh ooh ooh~ Life has just beguuuun~" pagbirit ko kahit na hindi ko abot ang high notes ng kantang Bohemian Rhapsody. Ginawa ko pang microphone ang hawak kong walis tingting para mas magmukhang realistic kuno.

"Kailangan namin ng tulong mo, may daga kasi sa loob ng klasrum," aniya pagkatapos ay hinabol niya ang kaniyang hininga. 

Nag aalinlangan pa ako kung maniniwala ako sa sinabi niya hanggang sa mapangiti ako. "Takot kayo sa daga? Mga unggo--lalaki kayo 'di ba?" Pang aasar ko habang nakangiti ng pilyo. Muntikan na ako dun ah. Ito na ang oras para makapaghiganti ako sa kanila.

"Bilisan mo na riyan at hulihin mo na 'yong nakakadiring daga," nagmamadaling usal niya kaya binitawan ko ang hawak na kagamitan at sumunod sa kaniya.

Pumasok ako sa loob ng classroom samantalang nagpaiwan siya sa labas. Nakasilip lang siya sa may pintuan dahil natatakot daw siya sa daga. Lumakad ako sa loob ng klasrum habang hinahanap ng aking mga mata ang dagang tinutukoy niya.

Zodiac Juvenile OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon