VII

4 2 0
                                    

──────────────
C H A R T R E U S E
──────────────

Susundan ko sana sina Sinclair at Miss Virgo dahil gusto kong makita ang pag alis ni Sinclair ngunit pinigilan ako ni Madame Astrid. Magmamakulit pa sana ako ng biglang humarang sa aking harapan si Ms. Gemini. Kasing edad din siya ni Miss Virgo ngunit mas matangkad nga lang si Miss Gemini. Nakasalamin siya at marami siyang nunal sa mukha. Mapungay ang kaniyang mga mata at nakataas ang kilay. Mukha siyang istrikto.

"Sasamahan ka ni Miss Gemini sa pag iikot dito sa orphanage. Kailangan mong ma-familiarize ang paligid. Kung may mga katanungan ka, sasagutan 'yon ni Gemini. Sasabihan kaniya tungkol sa lahat ng kailangan mong malaman dito sa orphanage. Sige na, magsimula na kayo," utos ni Madame Astrid bago ito tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang opisina.

Lumakad na si Miss Gemini kaya sumunod nalang ako sa kaniya. Ngayon ko lang napagmasdan ng maigi ang paligid kahit na kahapon pa kami narito ni Sinclair. Malinis at sobrang lawak ng lugar na ito. Maraming nakatanim na puno at mga halaman lalo na ang mga bulaklak na nagpapaganda sa paligid. 'Yon nga lang ay binabakuran ito ng nagtataasang wall.

Tumigil si Miss Gemini kaya tumigil din ako. Halos malula ako sa laki at taas ng orasan na nasa aming harapan. Maihahalintulad ito sa Big Ben ng London. Hindi mga Roman numerals o numbers ang nakalagay rito kundi mga zodiac symbols.

"Ito ang tinatawag naming Zodiaclock. Hindi lamang ito simpleng orasan na nagsasabi ng oras dahil ang orasan na ito ang nagiging alarm namin dito sa orphanage. Ito ang nagpapaalala kung kailan sisimulan at tatapusin ang isang gawain. Kapag narinig mo na ang tunog ng Zodiaclock tingnan mo kung ano ang nakalagay sa schedule mo at malalaman mo kung saan at ano ang susunod mong gagawin. Nasa gitna ang Zodiaclock upang hindi ito matakpan at madali itong mahanap. Malaki ito at mataas para kahit nasa malayo ay matatanaw mo pa rin ito at malalaman mo kung ano ang oras," mahabang pagpapaliwanag ni Miss Gemini habang itinuturo nito ang Zodiaclock na nasa harapan namin. Nakakamangha itong titigan. Para akong nasa ibang bansa.

"Lagi mong tatandaan Chartreuse, time is gold. Dito sa orphanage, wala kaming sinasayang na oras kaya kung mapapansin mo ay puno ang schedule mo, 'yon ay dahil importante sa amin ang bawat segundo. Wala tayong oras para magpahinga lalo na kapag sikat pa ang araw, it's either mag-aaral ka o magtatrabaho. Ganoon ang buhay dito sa orphanage," pagkukuwento ni Miss Gemini habang tinitignan niya ako ng mga mapungay niyang mata. Tumatango naman ako bilang sagot. Napakabusy naman pala nila dito sa orphanage. Hindi kaya sila napapagod? At bakit naman nila pinapahalagahan ang oras to the point na hindi sila pwedeng magpahinga kahit ilang sandali? Unless may tinatapos sila.

Sunod naming pinuntahan ay ang garden nila rito sa orphanage. May kalakihan din ito at syempre napakaraming halaman na nakapaligid. May mga batong nagsisilbing daraanan sa gitna papalapit sa opening ng garden at nakaukit sa mga batong ito ang mga zodiac symbols. May mga bench din sa gilid. May fountain sa gitna at hindi lang ordinaryong damo ang meron sila rito kundi bermuda grass.

"Ito naman ang tinatawag naming Zodiagarden. Pwede kang magpunta rito tuwing free time mo at gawin kung ano ang gusto mo ngunit hindi mo pwedeng galawin ang kahit na anong bagay dito sa garden lalong lalo na ang palitan ang ayos nito. Open naman ito sa lahat. Sa schedule mo, may isang araw na kayo ang nakatoka sa paglilinis dito."

Next stop naman ay ang amusement park. Hindi ko inaasahang mayroon silang ganitong lugar sa orphanage. Andaming extreme rides at games sa mga malalapit na booth at stalls. Hindi lang ito basta basta park dahil may semi-playground din ito at may sinehan ito sa pinakadulong bahagi. Ang design ng park ay mga constellations para kang nasa galaxy.

"Ito ang Constellation Park, madalas kaming nagpupunta rito tuwing weekends. Binibigyan namin ng oras ang mga batang katulad mo para mag-enjoy at magpakasaya. Libre lang dito, wala kang babayaran. Ito ang lugar kung saan kami nagrerelease ng stress at pagod."

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now