XXI

5 2 0
                                    

Unti unti na akong nababahala sa ikinikilos niya. Nagsisimula ng mamuo ang pawis sa noo ko.

"Antagal kong hinintay na magkaroon ulit ng babaeng estudyante dito sa Zodiac class," nakangiti siya ng pilyo habang ipinapadausdos niya ang kaniyang kamay sa mukha ko. 

Tatakas na sana ako pero isinabat niya ang kaniyang kamay sa magkabilang side ko para hindi ako makawala.

"Alam mo sweetheart hindi naman kita sasaktan basta quiet ka lang," bulong niya sa tenga ka. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi.

"Manyak!" sinampal ko siya ng malakas. "Tulong!" sigaw ko pero mukhang natutulog ang lahat at walang nakakarinig sa akin.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at isinandal ang mga ito sa dingding para hindi ako magpumiglas. Sinubukan kong makawala sa higpit ng hawak niya pero hindi ko magawa.

"Mula pa noong dumating ka na-attract na ako sayo kaya pagbigyan mo na ako dahil kailangan kong i-satisfied ang cravings ko sayo baby," bago pa lumapat ang labi niya sa akin ay bigla na lamang may sumuntok kay Homo erectus kaya bumagsak ito sa lupa.

Ang sumuntok kay manyakis ay si Homo meanderthalensis. Hinila niya ako papunta sa likod niya. "Akala ko ba binago mo na ang ugali mong 'yan?" may galit sa tono ng pananalita niya.

Tumayo si Homo erectus at kinuskos niya ang dugo sa gilid ng kaniyang labi gamit ang kaniyang palad. Sinamaan niya ng tingin si Homo neanderthalensis.

"Huwag kang makikialam dito!" palaban niyang tugon sabay hila ulit sa akin. Sinuntok ulit siya ni Homo neanderthalensis kaya nabitawan niya ang kamay ko.

"Pagbibigyan kita sa ngayon pero sa susunod na ulitin mo pa ito sisiguraduhin kong susunod ka sa mga tropa mo!"

Tropa? Akala ko ba sila lang ang magbabarkada dito? May iba pa pala? Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at kinaladkad niya ako palayo roon. Binitawan niya ang kamay ko ng makalapit na kami sa pinto ng classroom.

"Ikaw naman, bakit hindi ka nanlaban? Siguro gusto mo rin 'no?" sermon niya sa akin. Ako na nga ang nabiktima rito tapos pagagalitan niya ako at ang malala ay sasabihin pa niyang ginusto ko ang pagtangkang panggagahasa sa akin ni Homo erectus?

Hindi ko na matiis kaya sinampal ko siya, "Sa tingin mo gusto ko 'yon? Ako na nga itong muntikan ng namolestya ganyan pa ang sasabihin mo sa akin?" nanggagalaiting sabi ko. Hindi ako makapaniwala. Tumulo ang luhang pinipigilan ko. Hindi ko na makayanang makita siya at lalong lalo na ang marinig ang mga susunod niya pang sasabihin kaya pumasok na ako ng klasrum at doon nag-iiyak ng tahimik para walang makarinig.




















Ginising kami ng mga zodiac leaders kinaumagahan. Hinatid nila kami pabalik ng dormitory. Pagkapasok ko pa lang sa Virgo room ay sumalubong agad sa akin ang mainit na yakap ni Hyacinth.

"Kamusta ka?" tanong niya pero umiyak lang ako. Nang mahimasmasan ako ay naligo na kami at kumain na ng almusal sa Dining Hall.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, bakit ka biglang umiyak kanina? Anong dahilan?" nag aalalang tanong niya. Umiyak lang ako kanina pero wala akong balak na sabihin sa kaniya ang nangyari sa akin kagabi.

Pinilit kong ngumiti, "Na-miss lang kita kaya ako naiyak. Hindi ko pala kakayaning malayo sayo," pagbibiro ko na tinawanan lang niya.

Nang marinig namin ang tunog ng Zodiaclock na nagsisimula ko ng kainisan ay lumakad na kami papunta sa paaralan. Kakauwi ko pa nga lang ay babalik na naman ako roon. Kinuha ko ang mapang iginuhit ni Hyacinth sa loob ng bag ko mabuti na lang at hindi ito nawala.

Zodiac Juvenile OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon