IX

2 3 0
                                    

Nanlaki ang mga mata ko, "Paanong wala eh nakasama ko palang siya kanina bago ako magpunta rito sa dining hall?" hindi makapaniwalang sabi ko. Imposibleng walang nag-eexist na ganoong bata dito sa orphanage. Nag-usap pa kami kanina kaya hindi naman pwedeng illusion ko lang siya.

"Baka nagugutom ka lang no'ng mga oras na 'yon kaya nag-ha-hallucinate ka ng iba't ibang bagay," katwiran ni Hyacinth habang pinupunasan niya ang kaniyang mga kamay gamit ang tissue. Tapos na pala siyang kumain.

"Hindi, nakakasigurado akong totoo siya," pagdedepensa ko. Nasa sarili pa naman akong katinuan at lalong hindi ako nasisiraan ng bait. Alam kong totoo siya, totoo ang batang 'yon pero bakit walang nakakakilala sa kaniya? At bakit nagpakita siya sa akin.

"Alam mo Chartreuse, kung ayaw mong maniwala edi huwag. Hindi ka naman namin pinipilit na paniwalaan kami basta ang sinasabi lang namin ay ang katotohanan. Mauuna na pala ako magreretouch pa ako. Maiwan ko na kayong dalawa," mataray na sabi ni Maddy. Tumayo siya at lumakad palayo kaya kaming dalawa nalang ni Hyacinth ang naiwan.

"Paano mo natatagalan si Maddy?" tanong ko kay Hyacinth. Kung ako lang, hindi ko yata matatagalan ang ugali ng babaeng 'yon. Mas masahol pa siya sa batang lalaking hinahanap ko.

"Kung hindi ko lang siya pinsan. Hindi ko naman siya pakikisamahan," napabuntong hininga si Hyacinth. Kaya naman pala pinag-tiyatiyagaan niya si Maddy. "Kung gusto mong malaman ang pangalan at mukha ng mga batang nandito sa orphanage pwede mong tignan 'yon sa Constellation record book. Nakalista sa librong iyon ang pangalan at picture ng lahat ng mga batang tinanggap dito sa orphanage simula pa no'ng taong itinayo ito hanggang sa kasalukuyan."

Nabuhayan ako ng loob. "Saan ko makikita ang record book na sinasabi mo?" excited na tanong ko. Sa constellation book ko malalaman kung sino ang batang 'yon.

"Walang iba kundi sa opisina ni Madame Astrid. Siya lang ang may record ng mga orphans dito sa orphanage." Napaawang ang aking bibig. Nawalan ulit ako ng pag-asa. Paano ko naman makikita ang records ng mga orphans dito kung na kay Madame Astrid ang librong 'yon?

Hanggang sa may naisip akong magandang paraan. Napangiti ako habang nakatingin kay Hyacinth.

"Kailangan ko ng tulong mo."




























Kinagabihan ding iyon, sa oras na marinig namin ang tunog ng Zodiaclock ay nagpunta na kami sa loob ng dormitory kung saan kami kabilang. Mabuti na lamang at Virgo din ang zodiac sign ni Hyacinth hindi kami mahihirapang kitain ang isa't isa dahil magkasama kami sa iisang kuwarto. Nagbabantay si Miss Gemini sa loob ng silid kaya nagpapanggap kaming dalawa ni Hyacinth na tulog. Hindi niya pwedeng malaman ang balak namin kundi mabubulilyaso lahat ng plano ko.

"Tuwing alas onse ng gabi ay umaalis ang mga Zodiac leaders."

Naaalala ko pang sabi sa akin ni Hyacinth kanina noong nasa dining hall kaming dalawa. Matagal tagal pa ang hihintayin naming oras kaya pinili ko na munang umidlip sandali para may lakas ako mamaya. Nagising ako ng marinig ko ang dahan dahang pagsara ng pinto dito sa kuwarto. Iminulat ko ang isa kong mata para silipin kung nasa loob pa si Miss Gemini ng makumpirma kong wala na siya ay dahan dahan akong bumaba ng kama. Lumakad ako papunta sa kama ni Hyacinth na hindi naman kalayuan sa akin. Mabuti nalang at sa ilalim din siya nakahiga at hindi sa itaas na parte ng double deck. Kinalabit ko siya muntikan pa siyang mapasigaw buti na lamang at kaagad niyang tinakpan ang kaniyang bibig.

Inilagay ko ang aking hintuturo sa aking labi tanda na pinapatahimik ko siya. Tumango naman siya at dahan dahang bumaba sa kaniyang kama. Nagdala kami ng tig-iisang flashlight. Naglakad kami ng naka-tiptoe ang mga paa para hindi kami makalikha ng tunog na maaaring makapagpagising sa ibang mga orphans. Maingat kong binuksan ang pinto ng sa ganoon ay hindi ito makaliha ng creaking noise. Nakalabas kami ni Hyacinth ng walang nakakapansin sa amin.

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now