XIII

4 2 0
                                    

Nakakaawa ang kaniyang sinapit. Nakatakip ang kaniyang mata at bibig. Nakatali rin ang kaniyang mga kamay at paa sa mga kadenang nakadikit sa dingding. Nakatayo siya at halos punit punit na ang kaniyang suot na damit na puno ng dugo. Ang payat niya at wala ng dugo ang kaniyang labi. Sobrang putla niya. Naliligo siya sa kaniyang sariling dugo. Napakarami niyang sugat sa mukha, kamay at katawan. Mukhang nilatigo siya ng makailang ulit. Sino ang makakagawa sa kaniya ng ganitong bagay?

Unti unti akong humakbang papalapit sa kaniya. Nangingilid na ang aking mga luha habang tinitingnan ko ang kaawa awang si Miss Virgo.

"M-miss Virgo?" pahikbi hikbing tawag ko sa pangalan niya, nakita kong gumalaw ang kaniyang ulo, pinapakiramdaman niya ang paligid. "A-ako po ito si Chartreuse," pagpapakilala ko dahil hindi nakapiring ang kaniyang mga mata.

"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na ngayon din!" pagtataboy niya sa akin. Ang hina ng boses niya at nag-ka-crack ito ngunit sapat lamang iyon para marinig ko ang sinasabi niya. Mukhang tuyo na ang kaniyang lalamunan at nahihirapan na rin siyang magsalita.

"Itatakas ko po kayo rito si Miss Virgo. Kailangan ninyo na pong lumayo rito sa orphanage," pagmamakulit ko. Hindi ko siya pwedeng iwanan dito lalo na at nasa panganib siya. Kailangan ko siyang iligtas at kung maaari ay maitakas siya rito sa bahay ampunan bago pa siya tuluyang malagutan ng hininga.

"Lumayo ka na rito Chartreuse, mapapahamak ka rin kapag nalaman nilang nakita mo ako," pagmamakaawa ni Miss Virgo. Napasinghap ito sa hangin at hinahabol ang kaniyang hininga. Mukha siyang tumakbo ng ilang kilometro.

"Sino ang gumawa sa iyo nito?" puno ng kuryosidad na tanong ko. Gusto kong malaman kung sino ang nagpautos na saktan siya. Alam kong kami ang dahilan kung bakit siya pinaparusahan.

"Umalis ka na bago sila dumating," hinihingal niyang wika. Kahit itaboy pa niya ako ng itaboy ay nagmamatigas parin ako. Hindi ako aalis at lalong hindi ko siya iiwan.

"Sinong darating? Sino sila?" pero kahit makailang ulit ko pa siyang tanungin ukol dito ay hindi niya ito pinapansin. Iniiba niya ang usapan, mukhang hindi ko talaga malalaman kung sino ang may kagagawan nito.

"Chartreuse, alam kong hindi na ako magtatagal pa kaya may aaminin gusto akong aminin sayo," kumunot anog noo ko habang tinitignan ko siya ng may pagtataka. "Si Sinclair..." bumuntong hininga muna siya bago magpatuloy. Anong meron kay Sinclair? Hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan. Hindi kaya may nangyaring---umiling iling ako habang hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin hanggang sa bumukang muli ang kaniyang bibig pero bago pa siya nakapagsalita ay umubo siya ng dugo.

Nakarinig ako ng mga yabag na nakapagpanginig sa akin. Sumilip ako para tignan kung sino ang mga 'yon sapagkat hindi lang ito iisa, marami sila. Naistatwa ako ng makita ko sa may di kalayuan ang mga nilalang na nakaitim. Mga orphunters! Paano sila nakapasok dito?

"Umalis kana, papatayin ka rin nila kapag nadatnan ka nilang narito. Hindi ko kakayaning mawala ang dalawang batang malalapit sa akin," narinig ko ang paghagulgol niya kaya hindi rin ako nakapagpigil. Niyakap ko siya ng mahigpit. Katulad niya ay umiiyak narin ako. Si Miss Virgo ang kauna unahang zodiac leader na nagmahal sa aming tunay ni Sinclair bilang mga kapatid niya. Masakit sa akin ang makita siyang kalunos lunos pero kailangan kong magpakatatag.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at pinunasan ko ang aking mga luha, "Aalis po ako sa ngayon pero babalik po ako bukas kaya kailangan niyo pong mabuhay," pagpapalakas ko ng loob niya.

"Chartreuse, hindi ko maipapangakong narito pa ako bukas pero may gusto akong ipagawa sayo. Gusto kong kunin mo ang diary ko bago pa ito mapunta sa kamay nila. Mahahanap mo 'yun sa wardrobe ko sa House of the Zodiac Leaders. Sa pamamagitan ng diary ko ay malalaman mo ang lahat ng tungkol dito sa orphanage, ito ang sasagot sa lahat ng katanungang bumabagabag sa iyo. Ipangako mong makukuha mo ito at muunahan mo sila."

Zodiac Juvenile OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon