XXII

4 2 0
                                    

"Ngayong kabilang na ako sa gang, gusto kong malaman ang history ng Hexagon."

Naka-indian sit kami sa lapag dito sa loob ng klasrum at nakapabilog. Pagpatak ng alas dose y medya ay bumalik na kami rito para pag usapan ang tungkol sa Hexagon. Ibinaba ni Homo erectus sa sahig ang mga litrato sa gitna paharap sa akin.

"Ang Hexagon ay binuo ni Sebastian Leyva," itinuro ni Homo Neanderthalensis ang lalaking present sa unang picture pero absent sa ikalawa. Nakaponytail ang mahaba niyang buhok at may nunal siya malapit sa kanang mata. Siya ang pinakamatangkad sa kanilang anim. Kung nandito pa siya baka ang tawag ko sa kaniya ay homo sapiens sapiens. Magkaapelyido sila ni Homo neanderthalensis pero hindi sila magkamukha.

"Pinsan ko siya," sagot niya. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. "Nagsimula ang lahat ng mawala ang nakababatang kapatid ni Sebastian. Babae siya at walong taong gulang. Ang pangalan niya ay Samantha. Noong gabi ng Hunyo 2016, nakita kong lumabas ng kwarto si Mr. Sagittarius kasama ang batang si Samantha. Agad kong ginising si Sebastian at ipinaalam ko sa kaniya ang nakita ko. Sinundan namin sina Mr. Sagittarius at Samantha at nakita kong pumasok sila sa Gate X. Balak pa noong sumugod ni Sebastian pero pinigilan ko siya kaya wala kaming nagawa kundi ang hayaan na lamang silang maglaho sa paningin namin. Buong akala namin ay babalik din si Samantha pero kinabukasan ay hindi na namin siya nakita," pagkukuwento ni Homo neanderthalensis. Nararamdaman ko kung gaano kasakit sa kaniya ang pangyayaring 'yon.

Ipinagpatuloy ni Homo erectus ang pagkukuwento, "Sinubukang pasukin ni Sebastian ang Gate X ng umagang 'yon at muntikan na siyang mahuli kundi lang namin siya nakita at tinulungan. Doon kami nagkakakilala at doon niya naisipang buuin ang gang, gusto niyang sagipin ang kapatid niya at kami naman ay gusto naming malaman kung ano ang meron sa loob ng Gate X at syempre para matulungan din siya."

"Anong nangyari kay Sebastian bakit hindi niyo na siya kasama sa ikalawang litrato?" itinuro ko ang ikalawang larawan.

Si Homo habilis naman ang sunod na nagsalita, "Unang plano namin ay ang makapasok sa Gate X. Muntikan na kaming magtagumpay noon kung hindi ko lang natamaan ang gate kaya tumunog ang alarm. Isinakripisyo ni Sebastian ang sarili niya alang alang sa kaligtasan namin. Pinatakas niya kami at siya ang nagpahabol sa mga zodiac leaders. Hindi niya nagawang makatakas kaya nahuli siya. Simula nun ay hindi na namin siya nakitang muli pero ipinagpatuloy namin ang paghahanap sa kapatid niya."

Naawa ako sa sinapit ni Homo sapiens sapiens este ni Sebastian. Hindi niya man lang nagawang sagipin ang kapatid niya. Nakakalungkot isipin na ganoon na lamang humantong ang lahat. Pareho na silang nawawala ng kapatid niya ngayon. Sana nagkita sila.

"Ano naman ang nangyari kay Sylvester?" sunod kong tinignan ang mukha ng lalaking nakasalamin. Ang lapad ng ngiti niya sa picture at mukha siyang masayahin na tao.

"Si Sylvester ang utak ng Hexagon. Dahil sa taglay niyang katalinuhan at pagiging creative ay siya ang nakakaisip ng plano namin kagaya na lamang ng susunod naming attempt na makapasok sa Gate X," pagpapakilala ni Homo neanderthalensis sa utak ng katipunan este ng gang. Mukha naman talaga siyang matalino dahil malapad ang noo niya at malaki ang suot niyang salamin.

"Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan naming makapasok sa Gate X. Ang naisip na paraan ni Sylvester ay ang paggawa ng tunnel sa ilalim ng lupa sa pamamagitan ng paghukay mula dito sa 'skwelahan hanggang sa Gate X. Sinimulan namin ang paghuhukay sa likod ng klasrum. Kakasimula palang namin nun ng bigla na lamang sumugod si Madame Astrid. Hindi namin mawari kung paano niya nalaman ang ginagawa naming paghuhukay samantalang wala namang ibang nakakaalam no'n maliban sa aming lima. Kagaya ng ginawa ni Sebastian ay pinatakas rin kami ni Sylvester. Noong una ay ayaw naming sumunod sa gusto niya pero mas lalo niya raw sisisihin ang sarili niya kapag nadamay kaming lahat dahil siya ang nakaisip ng plano. Mag-isa niyang hinarap si Madame Astrid at inamin niyang siya ang may gawa nun. Dahil nga hindi pa man ganoon kalaki ang butas na nahukay namin ay pinaniwalaan siya ni Madame Astrid. Simula rin ng araw na 'yon ay hindi na namin siya muling nakita pa," malungkot na kuwento ni Australopithecus.

Pinagmasdan ko silang apat at bakas sa kanilang mga mukha ang sakit at pighati. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan ng Hexagon. Dalawa sa kanilang anim ang nagsakripisyo at bigla na lamang silang naglaho na parang bula pagkatapos silang mahuli. Saan kaya sila napunta?

Pero hindi lang 'yon ang natuklasan ko, mukhang alam ko na kung bakit pinalitan ang Zodiac Rule #11 Scorpio mula sa House of the Zodiac Leaders is off-limits for Zodiacians papunta sa No Digging dahil sa pamamagitan ng paghuhukay ay maaaring makapasok ang mga zodiacians sa mga off-limits na lugar at maaari rin silang makatakas. Hindi sana mapapansin ni Madame Astrid 'yon kung hindi dahil sa ginawa ng Hexagon. Nagkaroon tuloy siya ng ideya.

Natigilan ako sa pag-iisip ng tanungin ako ni Homo neanderthalensis. "Ikaw Chacha, bakit gusto mong sumali sa gang?" curious niyang tanong. Lahat sila ay nakatingin sa akin, hinihintay na marinig kung ano ang isasagot ko.

Napabuntong hininga ako bago sumagot, "Dahil alam kong matutulungan niyo akong maitakas ang lahat ng batang narito," seryoso kong usal pero pagkatapos ng ilang segundong pagkatulala nila ay nagtawanan sila. Hindi ako nagbibiro!

"Hoy chacha! Nakahithit ka ba ng katol?" pagbibiro ni Homo habilis. Napahagikgik na naman ito. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Hindi ako nagbibiro, kailangan nating iligtas lahat ng batang narito. Kailangan nating makalayo rito dahil nasa panganib tayo," pangungumbinsi ko sa kanila pero napapailing lang sila sa mga sinasabi ko. Bakit ayaw nila akong paniwalaan?

Napahalukipkip si Homo neanderthalensis. "Kung gusto mong tumakas ng ampunan pasensya na pero 'yan ang pinakamalabong mangyari," seryoso niyang sabi.

"Pero--" mangangatwiran pa sana ako kaso nga lang ay sumabat si Homo Neanderthalensis.

"Makinig ka sa sinasabi namin, matagal na naming sinubukang tumakas pero lagi kaming nabibigo," tumaas na ang boses niya mukhang nakukulitan na siya sa akin pero hindi pa rin ako susuko sa pagpilit sa kanila.

"Pero hanggang doon na lang ba 'yon? Susuko na lang ba kayo? Dapat try and try until you succeed. Atyaka hindi ba kayo nahihiwagaan sa orphanage na 'to? Wala ba kayong napapansing kakaiba? Sa tingin niyo bakit nila itinayo ang bahay ampunan sa gitna ng kagubatan?May mga batang nawawala at hindi na nakikita pa. Normal lang ba 'yon?" kailangan kong makuha ang interes nila at lalo na ang kuryosidad nila para mapa-sang ayon sila sa gusto ko.

Pagpapatuloy ko, "Katulad ng nangyari kay Samantha, nakakita rin ako ng ganoong pangyayari. Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng mawala ang batang kasama namin sa dorm. Ang pangalan naman niya ay Charity. Noong gabing 'yon narinig kong kinausap siya ni Miss Gemini. Ang sabi niya may mag aampon daw sa kaniya kaya natuwa si Charity at sumama siya sa kaniya. Sinundan ko rin siya kagaya ng ginawa niyo ni homo sap--ang ibig kong sabihin ay si Sebastian, pumasok din sila sa Gate X at mula noon ay naglaho na si Charity," pagkukuwento ko sa kalunos lunos na sinapit ng ka-dormmate ko.

"At alam niyo ba kung ano ang natuklasan ko? Noong gabing nawala si Charity ay ang araw kung kailan nag-air ang Weekly Horoscope program. Ang kapalaran naming mga Virgo ay may bad luck daw na darating at sa tingin ko ay may kinalaman ito sa pagkawala ni Charity. Binibigyan na nila tayo ng hint! Kung anong zodiac sign ang malas ang kapalaran, magmumula roon ang batang mawawala. Sa tingin ko ganoon din ang nangyari kay Samantha," dagdag ko. Pinapakinggan nila ang bawat salitang binibigkas ko. Alam kong unti unti ko ng nakukuha ang atensiyon nila. Konti nalang at makukumbinsi ko na sila.

"Noong unang beses akong nakapunta rito pinatulog nila kami sa cabin. Hindi ako makatulog no'n kaya lumabas ako. Naglakad ako at nakita kong binabalot ng usok ang paligid. Pumunta ako kung saan may usok at bigla nalang akong nakaramdam ng paso. Feeling ko nga no'n ay malalapnos na ang aking balat o worst ay masusunog ako. Doon ko lang nalaman kung bakit kailangan mag-apply ng lotion na ibinibigay nila para hindi tayo magkasakit sa balat. Sa tingin ko may iba silang ginagawa rito sa orphanage," muli kong pagkukuwento. Napangiti ako ng makita kong kumunot ang noo nila at bakas sa mukha nila ang pagtataka. Nanalo ako!

"Teka lang, ang tinutukoy mo bang cabin ay 'yong malapit dito?" tanong ni Homo neanderthalensis na tinanguan ko lang. Napahawak siya sa kaniyang baba habang nag-iisip, "Ang cabin na 'yon ay malapit sa Gate X. Posibleng nagmula sa forbidden gate ang usok na sinasabi mo."

Napapitik ako ng daliri. "Kung ganoon ano kaya ang meron sa Gate X? Bakit doon dinadala ang mga batang nawawala at bakit may kemikal ang usok na nagmumula roon?" nagtataka kong tanong. Maging sila ay napaisip din ng malalim. Biglang tumayo si Homo neanderthalensis kaya napunta sa kaniya ang atensiyon namin.




"Aalamin natin ang kasagutan sa tanong na 'yan."

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now