XXXI

6 2 0
                                    

Habang pinapakinggan ko sila ay hindi ko mapigilang mag-alala sa kalagayan ni Australopithecus. Masama na naman ang kutob ko rito. Sana talaga ay walang mangyaring masama sa kaniya.

"Maghintay lang kayo diyan hanggang mamaya baka nahuli lang sila ng dating. Over," utos ni Homo neanderthalensis sa kabilang linya. Um-agree lang ang dalawang unggoy na ngayo'y nagtatago malapit sa Gate X. Inaabangan nila ang pagdating ni Australopithecus kasama ang isang zodiac leader.

Halos labing limang minuto rin kaming naghintay ng balita pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumokontak ang dalawang unggoy. Hindi kaya nabuking nga ang plano namin? Sana hindi dahil mas delikado 'yon. Hindi na mapakali si Homo neanderthalensis dahil palakad lakad ito. Nakakahilo ang ginagawa niya, pabalik balik siya. Kahit gustuhin man niyang samahan ang dalawang unggoy na nakatoka sa may Gate X ay hindi niya magawa dahil binabantayan niya kami.

"Pwede bang maupo ka nalang? Kahit naman magpabalik balik ka ng lakad diyan ay walang mangyayari," reklamo ni Maddy sa lider ng mga unggoy. Hindi siya sumagot bagkus ay naupo siya sa tabi ko habang nakatitig sa kaniyang hawak na walkie talkie.

"Egyptian speaking, narito na sila. Over."

Nag-ayos kami ng upo habang nakikinig sa mga sumusunod nilang iuulat. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nabulilyaso ang plano namin. Buti naman at walang masamang nangyari kay Australopithecus although maaga pa para makasigurado.

"Babylonian speaking. Kasalukuyang naglalakad si Shel at ang zodiac leader nilang si Mr. Leo papalapit sa Gate X---WHAT THE F!" bulalas ni Homo erectus pagkatapos ay nawala ang linya niya. Tumahimik na naman ang paligid.

"Roman speaking. What's the problem? Over." Sinimulan na kaming kabahan dito. Wala kaming alam sa nangyayari lalo pa at wala kami roon. Mas maganda pa yata ang nakikita mo ito gamit ang sarili mong mga mata kaysa sa naghihintay ka lamang ng balita at nakikinig.

"Egyptian speaking. May mga kasama silang orphunters. Over." Pagtutuloy niya sa naudlot na pahayag kanina ni Homo erectus.

"Chinese speaking. Ilan ang bilang ng mga orphunters? Over." Mabilis na tanong ni Hyacinth. Mukhang pati siya ay natatakot na rin.

"Egyptian speaking. One, two, three... s-sampu silang narito! Over." Pagbibilang ni Homo habilis. Halatang natatakot siya dahil medyo garalgal ang boses niya. Mayabang siya pero matatakutin.

"Babylonian speaking. Mukhang imposibleng matulungan si Easter sa pagtakas niya dahil bantay sarado sila ng sampung orphunters. Kapag nagpakita kami sa kanila ay mahuhuli rin kami. Masyadong delikado. Over."

"Greek speaking. Paano kung hindi kayang makatakas ni Easter ng mag-isa? Over." Kahit ma-attitude itong si Maddy, alam kong nag-aalala rin siya. Besides she's a human being, may feelings pa rin naman siya kahit na may pusong bato.

"Egyptian speaking. Kakasabi pa lang nga ni Shel 'di ba, makinig ka naman Maddy. Over." Nakuha pang mang-insulto ni Homo habilis sa kabila ng nagbabadyang panganib sa buhay ni Australopithecus.

"Roman speaking. Alam kong miss niyo na ang isa't isa pero pwede ba huwag ngayon. Lalo pa't nakabaon na sa isang hukay ang paa ni Australop---Easter. Magseryoso ka naman sana Homo habi---Stef. Over." Pangangaral ko sa kanilang dalawa lalo na kay Homo habilis na lagi nalang game sa pakikipag-harutan kapag si Maddy na ang naririnig niyang nagsasalita. Talaga yatang may tama na siya kay Maddy kaya ganiyan siya makapag-react.

"Babylonian speaking. Sorry to interrupt pero papasok na sila sa loob ng Gate X. Bumukas na ang malaking gate at hindi kami makatingin dahil sobrang nakakasilaw ang puting ilaw na galing doon. Over."

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now