XXX

5 2 0
                                    

Kinuha ng nanginginig kong kamay ang tinidor na may nakatusok na pancake. Dahan dahan ko itong iniaangat papunta sa aking bibig pero bigla akong tinapik ni Maddy kaya nabitawan ko ito dahilan para mahulog ito sa sahig at lumikha ng malakas na tunog. Kung kanina ay tumingin lang sila sa gawi namin sa pagkakataong ito ay tumayo sila at pumalibot sa amin. Masama ang tingin nila sa aming pito. Tumunog ulit ang bell.

"A-anong g-ginagawa k-ko r-rito?" narinig kong bulungan nila habang nakahawak sa kanilang ulo. Mukhang bumalik na sila sa katinuan. Bumalik sila sa kanilang puwesto at umingay ng muli ang paligid kagaya ng dati.

Napabuntong hininga ako, "Back to normal?" tanong ko sabay harap sa kanila. Pinagmamasdan pa rin nila ang mga bata sa paligid.

"Perhaps," kibit balikat na tugon ni Maddy habang nakatingin pa rin sa mga zodiacians na kasalukuyang tinitikman ang mga pagkain at mukhang nasusuka sila.

"B-bakit g-ganoon a-ang l-lasa n-ng p-pagkain?" Dinig kong tanong ng babae sa katabi nito, nakapuwesto sila sa katabing table namin.

"H-hindi k-ko r-rin a-alam," nahihirapang sagot ng katabi niyang lalaki. Bakit sa tuwing binibigkas nila ang bawat salita ay nauutal sila?

"Why do they keep on stuttering? I'm sure hindi naman sila ganyan noon," maarteng tanong ni Maddy. Parehas pala kami ng napuna. She has a point. Maayos naman sila kung magsalita dati.

"Sa tingin niyo ba may kinalaman ang sikretong ingredient na nakahalo sa pagkain kaya sila nagkakaganyan?" paghihinala ko habang binababaan ang boses ko.

"SA TINGIN MO DAHIL ITO SA SECRET INGR---" pag uulit ni Australopithecus kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya bago niya pa ipangalandakan ang lahat.

"Hindi ka ba nakakaintindi? Hinaan mo ang boses mo!" nanggigigil na sabi ko sa kaniya bago ko alisin ang kamay kong ipinantakip sa bibig niya.

"Pagpasensyahan mo na si Easter, medyo mahina na kasi ang pandinig niya kaya malakas ang boses niya tuwing nagsasalita," ibinaba ni Homo erectus ang hawak na magazine. May hawak ba siyang ganoon kanina? "At base sa tanong mo kanina... Sa tingin ko ang sagot ay oo, kaya nga nag-announce sila na kailangang maubos ang mga pagkaing in-order natin," patuloy niya sabay ngiwi sa mga pagkaing nakalagay sa plato namin.

"Kahit anong mangyari, hindi dapat natin kainin ang mga pagkaing ihahanda nila," dagdag ni Homo neanderthalensis. Akala ko ay napipi na siya dahil kanina pa siya walang imik at parang batang pinapanood ang nangyayari sa kaniyang paligid. 

"Pero paano kung magutom tayo?" mabilis na tutol ni Homo habilis. As expected, ayaw niya talagang magpagutom. Bakit kaya hindi muna siya mag-diet para mabawasan ang fats niya. Usually kasi kapag tumatakbo kami ay lagi siyang nahuhuli. Paano ba naman kasi kakatakbo palang yata niya ay hinihingal na siya agad.

"Hindi tayo magugutom dahil magnanakaw tayo ng pagkain sa Zodiac Farm," sabat ni Homo erectus habang nakangisi ito pagkatapos ay kumindat pa.

Sabay kaming napabulalas ni Maddy ng, "WHAT?!" napatakip kami ng bibig ng mapansing napalakas ang boses namin. Lumingon kami para tingnan ang mga zodiacians pero hindi naman sila nakatingin sa gawi namin kagaya kanina. Mukhang kahit papaano ay bumalik na sila sa normal.

"Huwag kayong mag-alala ladies my babies, ako na ang bahala sa pagkain. Expert yata ako sa ganiyang bagay," pagmamayabang ni Homo erectus sabay kindat sa aming dalawa ni Maddy. Here we go again sa mga words of endearment at pang-aakit niya.

"Kahit anong gawin mo hindi mo na maaakit si Maddy dahil nasa akin na ang puso niya," nakangising wika ni Homo habilis habang itinataas baba ang kaniyang kilay.

Kinuha ni Maddy ang pancake sa kaniyang pinggan at ipinasok 'yon sa bibig ni Homo habilis para tumahimik ito. "Kumain ka nalang kaysa puro kahanginan ang lumalabas sa bibig mo."

Zodiac Juvenile OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon