XXV

5 2 0
                                    

Nilapitan ko agad si Homo habilis na nanginginig pa rin sa takot. Itinulak ko siya palayo sa butas. Sana hindi siya, paulit ulit kong sambit sa aking isip. Ibinaba ko ang aking tingin para tignan ang laman ng butas at nanlaki ang aking mga mata ng makilala kung sino ito.

"HYACINTH!"

Nilupungan ako ng mga unggoy. Tiningnan nila kung sino ang nasa hukay. Lakas loob na binuhat ni Homo erectus si Hyacinth palabas ng butas na hinukay nila noon. Maliit 'yon at masikip, mabuti na lamang at nagkasya si Hyacinth. Wala siyang sugat at tama sa katawan. Napansin kong humihinga pa siya pero nahihirapan nga lang. Pinulsuan ko siya at tumitibok pa naman ang pulso niya.

"Ipasok mo siya sa loob," utos ko kay Homo erectus. Sa pagkakataong ito ay sumunod siya sa akin.

Kumuha ng mga lumang dyaryo sina Homo habilis at Australopithecus. Tinulungan ko silang ilatag ang mga ito sa sahig. Inihiga ni Homo erectus si Hyacinth sa mga nakalatag na dyaryo. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay ang matalik kong kaibigan. Puno siya ng lupa sa damit at katawan. Tuyo ang labi niya at wala itong kulay.

Pinaypayan siya nina Australopithecus, Homo habilis at Homo erectus samantalang pinpunasan ko ang nadumihan niyang balat. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko lang. Isang araw din siyang nawala at pinagkasya niya ang sarili sa maliit na butas. Hindi kaya may pinagtataguan siya?

"May alam ka ba kung bakit nagtatago ang kaibigan mo?" pagbasag ni Homo neanderthalensis sa namamayaning katahimikan. Nakatitig siya sa walang malay kong kaibigan.

"Wala, ni hindi ko nga alam na matatagpuan ko pala siya ng ganito. Ang alam ko lang ay nawawala siya at pinaghahanap pa rin hanggang ngayon," sagot ko habang ibinababad ang blazer ko sa palanggana na may lamang tubig. Ito ang ginawa kong pampunas sa kaniya.

Napahinto ako ng may humawak sa wrist ko. Paglingon ko ay gising na si Hyacinth. Binitawan ko ang hawak na pampunas at niyakap siya. Bumitaw ako dahil baka masakal ko siya sa sobrang higpit.

"Pakikuha nung tumbler ko sa bag," utos ko kay Australopithecus. Ibinaba niya ang hawak na lumang folder at dumiretso sa upuan kung saan nakalagay ang bag ko.

Mula sa pagkakahiga ay naupo si Hyacinth. Inabot sa akin ni Australopithecus ang tumbler. Binuksan ko 'yon at iniabot kay Hyacinth. Tinanggap naman niya 'yon at ininom. Naubos niya ang tubig ng tumbler. Mukhang uhaw na uhaw siya.

"Kukunin ko ang mga pagkain ko sa bag," nanakbo si Homo habilis papunta sa puwesto niya at bumalik dala dala ang kaniyang bag. Binuksan niya 'yon at ibinigay ang mga pagkain kay Hyacinth.

Hinayaan muna naming kumain si Hyacinth. Halatang gutom na gutom siya, sino ba namang hindi kung halos isang araw siyang nawawala. Sa ngayon ay kailangan niya ng lakas at pahinga. Magtatanong na sana si Homo neanderthalensis pero siniko ko siya sabay iling kaya hindi nalang siya tumuloy. Alam kong magkukuwento rin si Hyacinth kapag handa na siya.

"Paparating na si Mrs. Velez," anunsiyo ni Homo erectus na pinagbantay namin sa gate. Hinawakan ng mahigpit ni Hyacinth ang kamay ko at umiling siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot.

"Anong gagawin natin? Hindi siya pwedeng makita ni Mrs. Velez," natatarantang tanong ko. Walang pwedeng makaalam na nakita namin siya kundi kami lang. Kapag nakita siya ng ibang tao ay siguradong magsusumbong ito. "Saan natin siya itatago?" dagdag ko.

"Ano kaya kung doon sa locker?" suhestiyon ni Homo habilis sabay turo sa locker na nasa kaliwang banda ng klasrum.

Wala ng ibang mapagtataguan kundi 'yong locker lang. Malaki naman ito at kasing tangkad ko lang. Magkakasya naman siguro siya roon. Pinapasok namin si Hyacinth sa pinakahuling locker dahil 'yon lang ang walang laman. May butas naman ang mga locker nila kaya makakahinga siya. Sana nga lang ay hindi siya mangawit sa kakatayo. Isinara ko ang locker at nagsiupo na kami sa mga puwesto namin.

Zodiac Juvenile OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon