XV

5 2 0
                                    

Pinalitan nila ang isa sa kanilang 12 zodiac rules? Ano kayang dahilan? Nasa kalagitnaan pa ako ng malalim na pag iisip ng huminto kami sa tapat ng bakal na gate. Hindi ko namalayang narito na pala kami. Tinignan muna namin kung may mga zodiac leaders pa sa loob bago kami pumasok. Itinulak namin ang gate at ng bumukas ito ay pumasok na kami. Hindi naman ito masyadong malawak kaya hindi kami mahihirapang libutin ito. Mayroong labindalawang mga bahay dito na magkakadikit dikit at mukhang apartment at may isa pang nakahiwalay sa mga ito.

Mayroong nakasulat na zodiac sign at nakalagay na symbol sa pintuan. Tuwing sinusubukan kong buksan ang pinto ng bawat kwarto ay laging nakalock ang mga ito. Sinubukan kong sumilip sa bintana ngunit wala akong makita. Pinuntahan namin ang kuwarto ni Miss Virgo. Sana hindi ito nakakandado katulad ng iba. Nagulat ako dahil noong ipihit ni Hyacinth ang door knob ay bumukas ito.

Pagkapasok namin ay bumulaga sa amin ang magulong silid. Para bang pinasukan ito ng mga magnanakaw. Mukhang hinalughog na nila ang kuwarto ni Miss Virgo. Huli na ba kami ng dating?

Lumapit agad ako sa wardrobe ni Miss Virgo samantalang sinusuri naman ni Hyacinth ang mga librong nakakalat sa sahig. Hinawakan ko ang magkabilang handle ng pinto nito at binuksan ko ito. Maayos na nakahanger at nakatupi ang mga damit ni Miss Virgo. Mukhang nakaligtaan nila itong halughugin. May drawer sa ilalim na parte ng wardrobe. Nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang kulay brown na notebook. Sa pabalat nito ay may nakaimprentang:

Diary of a Zodiac Leader
(2016-2020)

Miss Virgo

"Nakita ko na!" bulalas ko habang hawak ang diary sa aking kamay. Dali dali naman akong nilapitan ni Hyacinth para tignan ang diary.

Sinulyapan niya ang orasan na nakadikit sa dingding ng kuwarto ni Miss Virgo. "Mabuti kung ganoon, umalis na tayo rito bago pa nila tayo maabutan. Sampung minuto nalang at babalik na ang mga zodiac leaders," yaya ni Hyacinth na tinanguan ko naman. Isinara ko ang wardrobe ni Miss Virgo ganoon din ang pinto ng kaniyang bahay.

Tinignan namin ang paligid at napakatahimik. Tuwing ganitong oras ay walang tao rito sapagkat binabantayan nila ang mga zodiacians na kasalukuyang nagtatrabaho sa Zodiac Farm. Pero nagkamali kami ng hinala dahil mula rito sa gate ay natatanaw namin ang pigura ng dalawang zodiac leaders. Napaaga yata sila ng dating.

"Magtago tayo!" bulalas ni Hyacinth habang kinakaladkad niya ako papasok ulit sa bahay ni Miss Virgo.

Sumilip ako sa maliit na siwang ng binuksan kong bintana habang si Hyacinth naman ay nakadikit ang tenga sa pinto, pinapakinggan niya ang mga taong nasa labas. Nagpatuloy ang tunog ng mga taong naglalakad hanggang sa tumigil sila sa harapan ko mismo.

"Patay na si Miss Virgo pero hindi natin siya nagawang paaminin kung saan niya itinago ang diary" problemadong sambit ng lalaking may katabaan. Malalim ang boses niya. Zodiac leader siguro siya. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko makita ang kanilang mga mukha.

"Kailangan nating halughugin ulit ang kuwarto niya baka may nakaligtaan tayo. Alam mo namang kailangan nating unahan ang mga kasama nating zodiac leaders para makapuntos tayo kay Madame Astrid," ang isang ito naman ay husky ang boses. Mas matangkad siya kay taba at well built ang katawan niya.

Tinignan ako ni Hyacinth ng may pangamba. Kinakagat niya ang kaniyang kuko, mukhang kinakabahan na siya. Ako rin naman. Sa oras na buksan nila ang pinto ay paktay kaming dalawa. Hanggang sa nakaisip ako ng magandang ideya. Dahan dahan akong naglakad papalapit kay Hyacinth.

Zodiac Juvenile OrphanageOù les histoires vivent. Découvrez maintenant