V

7 2 0
                                    

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil sumabat si Madame Astrid. "Alam ko na ang iniisip ninyong dalawa. Kung ano ang pipiliin ng isa susunod ang isa," binuksan niya ang cabinet sa gilid ng kaniyang mesa at may kinuha siya rito. Ipinatong niya sa mesa ang dalawang ballpen at papel. Isa sa gawi ni Sinclair at isa sa akin.

"Isulat ninyo sa papel ang desisyon ninyo. Sabay ninyong ipapakita sa akin ang sagot kapag nagbigay na ako ng hudyat. Bawal ninyong tingnan ang isa't isa. Tandaan ninyo, hindi laging nakasalalay sa iba ang buhay ninyo.Yes,  No man is an island, pero sa sarili ninyo parin nakasalalay ang tadhana ninyo. Do not attempt to cheat. This is not a quiz. Own answer ang kailangan at hindi based sa facts. One more thing, once you set foot in this orphanage, you can never go away. I will look after you. Now, mind your own paper," litanya ni Madame Astrid. Ginagalaw niya ang kaniyang upuan pakanan at pakaliwa habang binabantayan niya kaming dalawa ni Sinclair.

Tinitigan ko ang papel sa aking harapan. Sana magkapareho kami ng sagot. Hinawakan ko ang ballpen at isinulat ang desisyon ko. Narinig kong ibinaba ni Sinclair ang ballpen sa mesa dahil lumikha iyon ng tunog.

"Dahil tapos na kayong dalawa. Reveal your answer girl and don't forget to say it," utos niya sa akin.

Tiningnan ko ang isinulat ko sa papel bago ko ito ipakita sa kanila, "My decision is to..." iniharap ko sa kanila ang hawak kong papel as I spoke "Stay." Sinulyapan ko si Sinclair kung nasiyahan ba siya o nadismaya pero wala siyang reaksiyon.

"How about you lad?" Madame Astrid shift her gaze to Sinclair who is comfortably sitting in his chair.

Kasabay ng pagpapakita ni Sinclair ng sinulat niya sa papel ay ang pagsabi niya ng...






"Leave."

At tumigil ang mundo ko ng marinig ang kaniyang decision. I wish this is just a dream. Sana hindi totoo ang lahat ng ito. Bakit nag-iba ang sagot niya? I thought he's going to choose stay kaya 'yon ang pinili ko. Nakita ko ang pagkadismaya sa kaniyang mukha so do I. Kung pwede ko lang ibalik ang oras ginawa ko na but I cannot do anything about it.

"Now that you two have finally made a decision. I'll congratulate you both. Miss Virgo, samahan mo muna sa labas si lad habang kinakausap ko pa si girl," utos ni Madame Astrid na sinunod naman ni Miss Virgo. Tumayo sa kaniyang upuan si Sinclair, sinamahan siya palabas ni Miss Virgo. Pagkalabas nila at pagkasara ng pinto ay nagsimula na si Madame Astrid.

"Dahil pinili mong mag-stay dito sa orphanage kailangan mo itong fill up-an," iniabot niya ang bond paper sa akin na tinanggap ko naman. I scanned the paper to see what's written on it. Personal Information.

Isinulat ko lahat ng info tungkol sa akin such as name, age, sex, birthday, address where I live before, parents name, et cetera. Ibinalik ko sa kaniya ang form pagkatapos ko itong sulatan. Tiningnan niya ito pagkatapos ay ibinaba.

"Here's your uniform. Yan ang sinusuot ng mga kapwa mo zodiacians. As you can see there are three different uniforms." inilatag niya ang mga uniform sa kaniyang mesa, "Ang unang uniform ay ang isusuot mo tuwing Monday, Wednesday and Friday..." itinuro niya ang kulay pink na longsleeve na pinaresan ng light brown na jumper dress at may nakaprint na maliliit na zodiac symbols sa buong damit.

"Ito namang pangalawa ang isusuot mo tuwing Tuesday at Thursday," itinuro niya ang kasunod na uniform. Ito naman ay may kapares na jumper short, kaparehas din ng naunang uniform ang design nito, "The last one will be your school uniform," ang huli namang uniform ay polo na white with neck tie na kulay pink na pinatungan ng brown blazer at kulay cream na paldang aabot sa taas ng tuhod.

"The laundry is every Wednesday. Ang oras ng pagligo sa umaga ay alas sais y medya pagkatapos ng almusal samantalang sa hapon naman ay alas singko ng hapon pagkatapos ng trabaho. Based from your birthday, ang zodiac sign mo ay Virgo. Here's your schedule." Iniabot niya sa akin ang leaflet na naglalaman ng sched ko. Binuksan ko 'yon at titingnan sana ito ng magsalita ulit siya.

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now