XX

4 3 0
                                    

Buo pa ang Hexagon noong taong 2016 samantala sa taong 2017 ay nawalan sila ng isang miyembro. Ano kaya ang nangyari sa isa? Mas lalo akong naging interesado sa gang nila. Gusto kong malaman ang history ng Hexagon.

"ANONG PINAPAKIALAMAN MO DIYAN?!"

Muntikan ko ng mabitawan ang hawak kong litrato dahil sa biglaang pagbulyaw ni Australopithecus. Ipinasok ko agad sa bulsa ko ang picture at isinara ang locker.

Magkasalubong ang kaniyang makapal na kilay at napakagat labi pa ito habang naglalakad papalapit sa direksiyon ko. Pagkalapit niya sa akin ay itinulak niya ako at binuksan niya ang locker. Sinilip niya ang laman nito at isinara ng padabog ang pinto.

"NASAAN 'YONG NAKADIKIT NA PICTURE DITO?!" singhal niya habang nakaturo sa pinto ng locker. Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng boses niya. Hindi niya ba pwedeng hinaan ang boses niya?

"Pwede ba huwag kang sumigaw! Hindi ako bingi!" malakas na sambit ko. Nahawa na tuloy ako sa kaniya.

Narinig siguro kami ng mga unggoy kaya nakiusyoso sila. Nilapitan nila si Australopithecus na buong tapang sa pakikipagbangayan sa akin.

"KINUHA NIYA ANG PICTURE SA LOCKER NI SYLVESTER!" sumbong ni Australopithecus sabay hila sa dulo ng damit ni Homo erectus. Dinuduro niya pa ako. Mukha siyang bata sa ginagawa niya.

Si Sylvester siguro ang lalaking nasa litrato kasama nila. Siya 'yong lalaking mukhang pinakamatino sa kanilang lahat. Mukha kasi siyang nerd lalo pa at naka-brace ito at may suot na malaking salamin. Nabalik ako sa reyalidad ng humakbang pa si Homo neanderthalensis.

"Ibigay mo sa amin ang picture," kalmadong utos ni Homo neanderthalensis. Kinuha ko ang litrato sa aking bulsa at iniabot sa kaniya pero bago niya pa ito makuha ay mabilis ko itong inilayo.

Tinignan niya ako ng masama pero ngumiti lang ako ng may halong pang-aasar. "Sa isang kundisyon," sabi ko habang iwinawasiwas ang hawak kong litrato.

"Ibigay mo na kung ayaw mong dumapo ang kamao ko sa mukha mo!" pananakot ni Homo habilis. Sinuntok niya ang kaniyang kanang kamao sa kaliwang palad niya.

"Nakakatakot naman, grabe, I feel threatened," sarkastikong usal ko bago siya irapan. Ibinalik ko ang aking tingin sa lider nila.

Hindi ko inaasahan ang susunod na sinabi ni Homo neanderthalensis. "Anong kondisyon?"

"Seryoso ka bro?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Homo erectus sa lider nila. Mukhang nadismaya ito dahil iba ang sinabi ni Homo neanderthalensis.

"Sasali ako sa gang niyo," seryoso kong sabi pero bigla na lamang nagkaroon ng awkward silence sa pagitan namin. Para bang may dumaan na uwak dito. Hanggang sa magtawanan sila.

"Anong nakakatawa do'n?" naiinis na sabi ko habang tinitignan silang tumatawa habang may pahampas hampas pang kasama.

"Ikaw cutie pie? Sasali sa gang namin?" tanong ni Homo erectus. Huminto sila sa pagtawa at pagkatapos ay nagpatuloy na naman sila. Hindi na ako nakapagtimpi dahil nagmumukha akong katawa tawa sa kanila.

"Baka nakakalimutan ninyong natuklasan ko na kayo ang natitirang miyembro ng Hexagon at alam ninyo naman siguro na matagal na kayong pinaghahanap. Kung hindi ninyo ako pasasalihin sa gang ninyo edi isusumbong ko na lang kayo para maparusahan kayong apat at mawawala na kayo na parang bula. Ang saya yata nun," pang-ba-blackmail ko sabay halakhak. Napansin kong natigilan sila sa pagtawa at sumeryoso ang mga mukha nila kaya umayos narin ako. Akala yata nila litrato lang ang alas ko, hindi nila alam na kilala ko rin kung sino sila at ang gang nila.

"May punto siya," komento ni Homo habilis habang pinaglilipat lipat ang kaniyang tingin sa mga kasama niyang unggoy. "Pwede niya tayong isumbong kahit anong oras at kapag nangyari 'yon ay mapupunta lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan natin," dagdag pa niya habang ako naman ay patango tango lang sa mga sinasabi niya. Ginagamit niya rin pala ang utak niya paminsan minsan.

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now