XXVI

4 2 0
                                    

──────────────
C H A R T R E U S E
──────────────

"Humanda talaga sakin 'yang si Homo erec---ang ibig kong sabihin ay si Shel kapag nalaman kong may ginawa siyang kalokohan kay Hyacinth, " palabang sabi ko habang tinitignan ang kamao ko. Tapos na kaming kumain at naglalakad na kami ngayon pabalik ng school.

"Relax ka lang," tinapik ako sa balikat ni Homo habilis. "Wala siyang gagawing masama sa kaibigan mo," paninigurado niya sa akin.

"Speaking of, si Shel ba 'yon!" sigaw ni Australopithecus habang tumuturo na naman ito. Huwag sana siyang manuno sa pagtuturo niya.

Sinundan namin ng tingin ang itinuturo niya at pare parehong nanlaki ang mga mata namin ng makumpirmang si Shel nga iyon. Kasama niya si Mrs. Velez at buhat niya ang karga ng guro. Teka nga lang, kung wala siya sa classroom ibig sabihin mag isa lang si Hyacinth! Nasa panganib siya!

Nagsitakbuhan kaming apat papunta sa paaralan. Iisa lang ang tumatatakbo sa isip namin ngayon. Natatakot ako, hindi pwedeng mahuli si Hyacinth. Hindi talaga pwede. Kapag nahuli siya, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Marahas kong binuksan ang gate at pumasok sa loob ng classroom pero walang tao roon. Nahuli na ba kami ng dating? Lumabas ako ng gate at luminga  sa paligid hanggang sa makita ko ang nakaitim na nilalang buhat buhat sa kaniyang ang walang malay na si Hyacinth may di kalayuan.

Tumakbo ako para habulin sila. Malapit na ako sa kanila pero sumakit bigla ang balakang ko dahil sa pagkakahulog ko kanina. Hindi pwedeng tangayin ng orphunter na 'yon si Hyacinth. Kumuha ako ng bato at inihagis sa nakatalikod na orphunter.

"TUMIGIL KA! IBALIK MO ANG KAIBIGAN KO!" malakas kong sigaw. Natamaan sa likod ang lalaki kaya tumigil ito sa paglalakad.

Tumakbo ulit ako at sa pagkakataong ito ay isang metro nalang ang layo ko mula sa kanila. Nakatalikod pa rin ang orphunter at nakasampay sa kaniyang balikat ang tulog na si Hyacinth. Kahit na natatakot ako ay nilakasan ko ang aking loob. Alam kong kaya niya akong saktan pero para sa kaibigan ko ay gagawin ko ang lahat kahit pa ang buhay ko ang kapalit.

"Ako na lang ang kunin mo."

Humarap ang orphunter at lumakad ito papunta sa aking gawi. Tila napako ako sa aking kinatatayuan kaya hindi ako makagalaw. Huminto ang orphunter sa harapan ko. Ibinaba niya ang hood na nagtatakip ng kaniyang mukha. Napatakip ako ng bibig ng makilala kung sino ang aking kaharap ngayon.

"S-SINCLAIR?!"

Hindi ko inaakalang tama ang kutob kong siya nga ang orphunter na minsan ng humabol sa akin. Buong akala ko ay nakalayo na siya rito at tahimik ng naninirahan sa kabilang bayan.

"Bakit nandito ka pa? Akala ko nakalayo kana rito," hindi makapaniwalang tanong ko.

"Sa tingin mo ba talaga iiwanan kita Chartreuse? Alam mong hindi ko kayang gawin 'yon sayo," nakangiti niyang sabi. Nangingilid na ang luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

































"Sasabihin ko na lang na hindi ko nakita ang kaibigan ninyo."

Narito kami ngayon sa loob ng silid-aralan. Wala pa ring malay si Hyacinth at nakahiga siya sa mga nakalatag na dyaryo. Nakabalik na rin si Homo erectus. Noon daw kasing naliligo si Hyacinth ay bigla na lamang dumating si Mrs. Velez at nagpatulong siya sa kaniya kaya walang nagawa si unggoy kundi ang sumunod sa aming guro.

"Paano kami makasisiguradong ititikom mo ang iyong bibig?" seryosong tanong ni Homo neanderthalensis habang nakatingin ng masama kay Sinclair. Mukha siyang naghahamon ng away.

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now