XXXV

8 2 0
                                    

"Noong una ay tumutol ako. Bakit ko gagawing orphanage ang tirahan ng anak ko. Ngunit pinilit ako ng gobernadorcillo, hindi naman daw ordinaryong orphanage ang itatayo ko kundi isang laboratory. Sinabihan niya ako na magagawa niyang buhayin ulit ang anak ko sa pamamagitan ng pagpapadala niya ng mga scientists. Gusto niyang gumawa kami ng antidote na makabubuhay ng mga patay. Dahil mahal na mahal ko si Zodiac ay tinanggap ko ang alok niya. Nagbabakasakaling mabuhay muli ang anak ko. Ang goal ko ay mabuhay ang anak ko samantalang ang sa gobernadorcillo naman ay ang kumita ng limpak limpak na salapi. Kaya ipinatupad ng gobernadorcillo na dapat patayin ang mga orphan para maging testing samples sila. Walang mag aalala at may pakialam sa kanila dahil wala naman silang mga magulang. Gawa gawa lang namin na kunwari ay pinatay ang lahi nila ng mga orphans para mapaniwala ang mga tao at walang manghinala. Ang mga orphunters ang tagahatid namin ng mga bata. Magkasabwat kami ng gobernadorcillo. Ipinangalan ko ang orphanage kay Zodiac. Noong una ay tumatanggap kami ng mga bata rito ngunit ng sinubukan namin ang mga experiment antidote ay hindi nila nakakayanan kaya mga youth nalang ang pinapatuloy namin dito dahil mabisa silang testing experiment samples."

"Sa tuwing pumapalya ang antidote na nilikha namin ay nagdudulot ito ng defect sa mga bata kaya agad naming nilulusaw ang mga katawan nila. Sa mahigit limang daang bata na sinampolan namin, si Zodiac lamang ang nabuhay. Ang saya ko noon dahil akala ko pangmatagalan ito ngunit ilang araw lang nagtagal ang bisa ng antidote," napahagulgol si Madame Astrid habang hinihimas ang kamay ni Zodiac.

"Ano ang inilagay ninyo sa antidote?" nagtatakang tanong ni Homo neanderthalensis. Mukhang sabik na siyang malaman kung ano ang secret ingredient.

"Gumamit kami ng lupine, isa itong uri ng herb na nakalalason ngunit dahil patay na ang mga bata ay magiging kabaligtaran ang epekto nito sa kanila. Kung sa mga buhay ay nakamamatay ito ibig sabihin sa mga patay ay nakabubuhay ito. Yon ang natuklasan ng mga scientists. Nagtagumpay naman kami dahil nabuhay si Zodiac ngunit hindi namin inaasahang may kakaiba pala itong epekto."

"Anong epekto?" seryosong tanong ko pero iniwasan ito ni Madame Astrid.

"Dahil muling namatay si Zodiac ay nag-experiment ulit kami. Inalam namin kung ano ang kulang sa antidote. Sa pangalawang pagkakataon ay nilagyan namin ng lupine seed ang antidote at dinamihan namin ang herb nito. Hindi pa namin alam ang kinalabasan dahil kasalukuyang nananalaytay sa mga bata ang gamot. Lahat ng mga nakita ninyong bata kanina na nasa loob ng incubator, sila ang pangalawa naming testing samples. Itinurok namin sa kanila ang antidote at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagigising," pagkukuwento ni Madame Astrid.

"Ganoon din ba ang nangyari sa mga zodiacians?" Sunod na tanong ni Homo neanderthalensis.

"Oo, hinalo namin ang antidote sa pagkain ninyo. Ngunit dahil buhay pa ang mga bata ay naging iba ang epekto nito sa kanila. They are still alive but their minds and heart aren't," paliwanag niya. Kaya pala ganoon na lamang ang kilos nila. Hindi na sila nakakapag isip ng maayos kaya sumusunod nalang sila.

"Pero ng imbestigahan namin ang kitchen, drugs ang nakita namin kaya akala namin 'yon ang rason ng pag iiba nila ng behavior," naguguluhang sabi ni Homo neanderthalensis.

Tumawa si Madame Astrid na para bang nakikipaglokohan kami sa kaniya. "Sa tingin ninyo ba talaga drugs ang dahilan? Malamang ay sinet-up lang namin kayo. Pinaniwala naming drugs ang dahilan kaya nagkakaganyan sila para tumigil na kayo sa pag-iimbestiga."

"Alam ninyo ang tungkol sa plano namin?" gulat kong tanong habang nakatitig sa kaniya na kasalukuyang nakangiti ng pang-demonyo.

"Of course! Sa tingin ninyo ba ay hindi? You will never outsmarted us! Alam naming habang narito kayong dalawa ay tumatakas ang iba sa inyo kasama ang mga brainless zodiacians. Alam ko rin na pinatulog ni Sinclair ang mga orphunters at itinali sila para walang makapigil sa inyo. Noong una palang ay alam kong taksil ang batang 'yon pero tinanggap ko pa rin siya bilang kapalit ng buhay ni Virgo."

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now