XXVIII

6 2 0
                                    

"Sikretong?" Sabay sabay naming tanong habang nakatingin sa huling salitang isinulat ni Miss Virgo sa kaniyang diary. Inilipat ko ang pahina pero wala ng nakasulat sa mga susunod, lahat ng mga ito ay blangko na.

"Yan na 'yon?" dismayadong sabi ni Homo habilis. Nasapo pa niya ang kaniyang noo habang todo ang iling. Kung kailan pa naman malapit na naming malaman kung ano ang mayroon sa Gate X ay naputol pa ang sulat.

"Wala na tayong magagawa, hanggang doon lang ang nakasulat sa diary ni Miss Virgo. Siguro kailangan tayo mismo ang mag-imbestiga," isasara ko na sana ang diary ng bigla itong hablutin ni Homo neanderthalensis. Pwede naman niya akong sabihan na ibigay ko ito sa kaniya ng maayos hindi niya naman kailangang hablutin ito.

Binalik niya ang pahina sa pinakahuling isinulat ni Miss Virgo. Sinipat sipat niya ito. Nagtinginan kaming lima, pare pareho kaming nagtataka sa ginagawa ni Homo neanderthalensis.

"Hindi putol ang sulat," wika niya. "Pinunit ang kasunod na pahina," itinuro niya ang natirang punit punit na papel sa pagitan ng huli at blangkong pahina. Oo nga, may pumunit nga ng katuloy nito. Hindi ko napansin 'yon.

"Sinubukan mo na bang buksan ang diary na 'to bago mo ibigay kay Madame Astrid?" sunod na tanong ni Homo neanderthalensis kay Hyacinth. Umiling lang ang kaibigan ko. "Isang araw lang ba ang pagitan ng dalhin mo ito kay Madame Astrid at ng itakas mo ito?" dagdag niya na tinanguan ni Hyacinth.

"Ibig sabihin ay inaasahan ni Madame Astrid na babalikan mo ang diary kaya imbes na itago niya ito ng buo ay pinunit nalang niya ang huling parte dahil ito lang naman ang naglalaman ng pinaka-importanteng detalye tungkol sa orphanage. Wala ring kwenta kahit mapasakamay natin ang diary dahil nakuha na ni Madame Astrid ang importanting piece ng puzzle. Kaya pala nakakapagtakang nakuha mo ang diary, kung ako ang may hawak nito malamang ay sinunog ko na agad ito the moment you gave it to me. As expected from her, talagang hindi siya maiisahan," paglalahad ni Homo neanderthalensis sa posibleng nangyari sa diary. Mautak talaga si Madame Astrid kaya imposibleng mautakan namin siya.

Ano kaya ang posibleng katuloy ng diary? Ano nga ba ang sikretong ikinukubli ng orphanage?

"Mamayang gabi, magkikita tayong lahat dito sa classroom. Kailangan natin pag-usapan ang planong pagpasok sa Gate X at ang pagtakas."















Nagmadali akong kumain para makabalik agad sa dorm. Habang wala pang tao rito ay kinalkal ko ang gamit ni Hyacinth. Kumuha ako ng ilang damit niya at ipinasok 'yon sa bag ko. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na ang mga kasama ko. Pinatulog na kami ni Miss Gemini. Nagising ako ng marinig ang pagsara ng pinto. Malamang ay alas onse na.

Dahan dahan akong bumaba sa kama ko at isinuot ang aking bag. Nagpalinga linga ako sa paligid para tingnan kung natutulog ang ibang mga bata. Hindi ako nahirapang makalabas ng dormitory dahil ang mga nakabantay sa gate ay mga orphunters at isa na roon si Sinclair. Konting daldal lang niya sa kasama niya ay nauto niya agad ito kaya hindi nila ako napansing nakalabas.

Habang naglalakad ako papuntang Special Class ay nararamdaman kong parang may nakasunod sa akin. Sa tuwing lilingon naman ako ay wala akong nakikita. Siguro ay nag-iilusyon lang ako. Pagkarating ko sa loob ng classroom ay kumpleto na silang lahat. Mukhang ako nalang ang wala.

"Andiyan ka na pal---" paglingon ni Homo habilis sa gawi ko ay bigla siyang natigilan. Nanlaki ang kaniyamg mga mata at kinagat niya ang mga kuko. Para siyang nakakita ng multo. 

"Bakit?" tanong ko ng nakapameywang. Ang OA kasi niya. Hindi ko alam kung niloloko niya lang ba ako para matakot ako o nagsasabi siya ng totoo.

"M-m-may..." garalgal ang kaniyang boses. Heto na naman siya. "May babae sa likod mo!" pagtutuloy niya habang nakaturo sa aking likuran. Nanginginig siya at pinagpapawisan.

Zodiac Juvenile OrphanageWhere stories live. Discover now