1

16 0 0
                                    

Nandito kami ngayon ni kuya sa Airport para ihatid si Mama. Aasikasuhin niya kasi yung company ng Lolo namin sa America dahil siya lang ang nag-iisang anak ng Lolo at Lola namin kaya kami lang maiiwan sa bahay ni Kuya.

Si Papa nasa Thailand naman kasama ang bago niyang asawa. Yes! may ibang asawa na ang papa namin matagal na rin silang hiwalay ni Mama. Hindi ko pa nakikita ang asawa niya, wala rin akong alam kahit na ano sa kanya.

Kinakausap ni Mama si Kuya habang ako nakaupo iniisip ko yung nangyari last month Gosh!! nalaman ko kasi na may girlfriend na si Renzo yung crush ko.

Feeling ko na heartbroken ako. Kasi close kami dati pero nang malaman niya na may crush ako sa kanya iniwasan niya na ako akala mo naman super duper gwapo pwee!! Gwapo nga naman talaga siya. Bumalik ako sa sarili kong pag iisip nang may bumato sakin, pag tingin ko nakita ko si kuya na nakangisi grrr.

"Kuya ano na naman ba trip mo?" Tanong ko at inirapan ko siya.

"Kanina ka pa kasi tinatawag ni Mama wala na naman utak mo, kung hindi mo pa rin tanggap na may girlfriend na si Renzo. Mag move on kana lang" sabi naman niya.

"Kuya puhleeassee don't me! hindi ko iniisip si Renzo isa pa hindi ko na crush si Renzo, hindi naman ako patay na patay sa kanya" pag de-deny ko.

"Sige i-deny mo pa. Kung hindi si Renzo iniisip mo, eh bakit ka tulala jan?" Tanong niya

"Hindi ba pwedeng i-appreciate ang mga nasa paligid ko?" Depensa ko.

Sasagot pa sana siya nang magsalita si
mama

"Awat na muna kayo hindi pa ako nakakaalis baka mag rambulan na kayo" natatawang sabi ni Mama.

"Alam mo na Xander ang gagawin mo, ikaw na bahala sa kapatid mo, Next month pa daw kasi makakarating ang Yaya Nena niyo at please lang wag kana makipag basag ulo at tigilan mo na pagiging playboy mo" sabi ni mama

"Don't worry Ma ako na bahala kay Xandra, Si Chloe lang naman ang gusto ko, isa pa Ma kasalanan ko ba kung maraming babae ang inlove sakin?" tinignan ko si kuya ang lakas din ng confidence niya eh.

"Lakas din ng confidence eh" Inirapan ko siya at tumingin kay mama.

"Xandra anak hindi na kita kailangan bilinan dahil alam kong alam mo na yung mga dapat mong gawin, right?"

"Yes ma don't worry alam ko na yun" nakangiting sabi ko.

"Sige aalis na ako, tumawag kayo pag nakaroon ng problema okay? Take care and I love you" sabi ni mama.

"We love you too ma" sabi namin ni kuya at niyakap siya.

Maya maya umalis na rin kami ni Kuya. Papauwi na kami at inaasar na naman ako ni Kuya.Mabuti naman nakarating agad kami Gosh!! sasakit ulo ko kay Kuya.

"Xandra ready kana ba para bukas?" Tanong ni kuya ng makapasok kami sa loob

"I was born ready kuya" nakangiting sabi ko.

"Eh ready ka na rin ba makita si Renzo at Alicia na mag kayakap, mag kaholding hands at mag halikan" nakangising sabi niya.

"Yuck! Kuya ang school para sa mga students hindi para sa mga mag boyfriend at girlfriend na naga PDA, wala naman din akong pake sa kanila kung gawin nila yan puhleeassee don't me Kuya" umakyat na ako sa kwarto ko at iniwan si Kuya.

Bukas na yung First day of school namin kaya dapat maaga akong matulog ngayon pero bago ako matulog syempre nag Facebook muna ako at sa minalas malas nga naman nakita ko yung post ni Renzo. Picture nila ni Alicia. At may caption pa na.

'My love"

Edi sila na puhleeassee don't me I'm not affected. Okay slight lang pero hindi rin siya kawalan Aish! makatulog na nga lang.

My InfinityWhere stories live. Discover now