10

3 0 0
                                    

"Kumusta sa detention room Xandra?" Natatawang tanong ni Chloe.

"Anong feeling teh?" Tanong naman ni Clyde. Inirapan ko lang yung dalawa.

"Wag niyo na nga asarin si Xandra. Pumunta na lang tayo sa canteen para i-celebrate ang first detention niya" akala ko pa naman aawatin ni Naomi ang dalawa.

"Ha! Ha! Ha! Ang ganda sa feeling na mapa detention" sarcastic kong sabi. "Hindi mo ba kasama si Tristan" tanong ko.

"Hindi eh magkakasama sila ni Duane at Xander may pag uusapan lang daw, susunod na lang daw sila. Diba mag kasama kayo ni Duane kanina wala ba siyang sinabi sayo?"

"Wala. Hindi naman kami nagkausap kanina dahil natulog siya, nauna rin kami ni Renzo lumabas"

"Speaking of Renzo nakita ko kayo kanina na nag uusap, anong meron sa inyo, bakit hindi mo sinasabi sakin" tanong niya habang sinusundot sundot yung tagiliran ko.

"Hahaha ano ka ba nakikiliti ako!" Tinigilan niya naman ako. "Yung kay Renzo nag usap kasi kami kanina habang nasa detention-" hindi ko pa natatapos ng tumili siya.

"Eh bakit naman kayo nag ka usap?" Tanong ni Clyde.

"Ano ba namang tanong yan Clyde. Malamang mag uusap sila dahil mag kaklase" sabi naman ni Chloe.

"WHAT? Nag usap kayo OMG! kinikilig ako" tumitiling sabi ni Naomi.

Tinakpan ko ang bibig niya dahil tumitingin samin yung mga dumadaan, mamaya mapagkamalan pa nilang baliw ang kaibigan ko.

"Ang O.A mong kiligin Naomi ah" mataray na sabi ni Clyde.

"Sshhh wag kang maingay, mamaya may makarinig sayo. Oo nag usap kami at sabi niya kung pwede daw bang maging magkaibigan ulit kami" paliwanag ko

"Eh anong sabi mo? Ah hulaan ko umo-o ka" sabi ni Clyde at tumango naman ako.

"Ay ewan ko sayo girl, kahit hindi mo aminin sa amin knowz kong may feelings ka pa sa kanya" sabi ni Clyde.

"Luh? Ako may feelings kay Renzo? Wala ah" nakayukong sabi ko

"Push mo yan Xandra" nakangising sabi ni Chloe at tumingin kay Clyde. "Eh bakit ba parang ayaw mong maging mag kaibigan ulit sila ni Renzo ha?"

"Limot niyo na ba kung paanong umiyak sa atin si Xandra dahil lang kay Renzo" napatahimik naman kami. "Palibhasa manok mo si Renzo"

"Past is past na nga" sabi ni Chloe.

"Omg!! After so many years nag usap ulit kayo at kinikilig ako sa inyong dalawa, bakit hindi ka na lang niya niligawan" bulong ni Naomi, halatang ayaw iparinig kay Clyde.

"O.A mo, may girlfriend na yung tao. Ayaw ko naman masira ang relasyon nila dahil sakin, okay na ako dun sa magkaibigan kami"

"Don't tell me hindi ka pa nakaka move on?" Tanong niya agad.

"Naka move on na nga ako" pinandilatan niya ako ng mata. Huminga ako ng malalim. "May nararamdaman pa ako sa kanya, pero pag hanga lang, yun ang totoo"

"Sige na nga naniniwala na ako sayo, omg! I can't believe this is happening! Tara sa canteen na natin hintayin ang mga boys" naglakad na kami papunta sa canteen.

"Grabe hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni Duane kanina" sabi ni Naomi.

"Bakit anong ginawa niya?" Hindi ko parin alam kung bakit siya napa detention kanina.

"Alam mo naman yung terror nating teacher kung anong ugali niya diba?" Tanong ni Clyde. Tumango ako sa kanya."Sinabi ba naman ni Duane kay Sir na kung siya daw ba yung nawawalang dwarf ni Snow White at kung sino daw siya sa seven dwarfs dahil hindi niya daw makita si Sir,like omg I can't believe this natatawa parin ako pag naiisip ko yung reaction ni Sir"

My InfinityWhere stories live. Discover now