18

2 0 0
                                    

Pagkagising ko wala na si Duane sa tabi ko. Pumunta agad ako sa cr para tignan kung may ginawang kalokohan na naman si Duane sa mukha ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala siyang nilagay sa mukha ko.

Pagkatapos kong mag ayos nakita ko si kuya naghahanda na paalis. Mabuti naabutan ko pa siya.

"Kuya anong oras ka nakauwi kagabi?" Tanong ko.

"10! I guess? I don't know masyado akong masaya para pansinin ang oras" sabi niya habang nakangiti.

"Para kang timang Kuya"

"Whatever sis, by the way may pinapabigay sayo si Duane nasa lamesa, at dito pala natulog yun kagabi" sabi niya tapos may binubulong siya. Nagsisimula na naman siguro si kuya ng ritwal.

"Alis na ako, hintayin mo na lang si Duane" sabi niya at umalis na.

Pumunta na ako sa lamesa at may nakita akong pandesal na nakalagay sa plato, 8 pandesal... Eight pandesal? Eight abs- sheteng palaka ka Duane.

"Ya may niluto ka po ba?" Tanong ko. No way na kakainin ko yan, magiging berde muna ang araw bago ko yan makain.

"Wala eh hindi na kasi nagpaluto ang kuya mo, sakto sabi naman ni Duane pandesal daw ang gusto mo" sabi niya.

Grrrr Duane. No choice kinain ko na lang yung pandesal, infairness masarap ang pandesal ni Duane, I mean yung binigay ni Duane na pandesal shet naman oh.

Narinig ko na yung pagbusina ng sasakyan ni Duane kaya tumayo na ako.

"Ya alis na po ako!" paalam ko.

"Sige ingat kayo!"

Paglabas ko nakita ko si Duane na nakasandal sa kotse niya na nakapamulsa at may suot pang shades, napalunok naman ako, bakit ba ang gwapo niya. Hindi ko sinabi yun.

"Good morning Alex, do you like my pandesal?" Sabi niya habang hinihimas yung damit niya pataas.

Tinignan ko naman siya ng masama. "Hindi. Hindi masarap, tabi nga jan!" sabi ko at pumasok na sa loob.

Pumasok naman siya sa loob habang tumatawa.
As usual asaran na naman ang ginawa namin.
Pagbaba namin yan na naman yung mga tilian, sanay na ako sa tilian ng mga babae pero bakit naiinis ako?

Kasi ang ingay-ingay nila!

Nakita ko si Alicia sa gilid at nakita kong si Duane ang tinitignan niya, kumunot naman ang noo ko. Hindi ko masabi dahil wala pa akong ebidensiya pero feeling ko may gusto siya kay Duane.

Sa sobrang inis ko hinawakan ko yung braso ni Duane at hinila na papunta sa room namin.

"Bakit bigla kang nanghihila?" Tanong niya.

"Eh kasi ang bagal mong maglakad, at ang landi mo!" sigaw ko sa kanya.

"Sinong nilalandi ko? Nagseselos ka ba sa mga babaeng nagtitilian kanina?"

"Puhleeaasssee don't me, ako magseselos? Ha! Ha! No way"

"Wag kang mag alala Alex,sayo lang ang atensyon ko" ewan ko kung biro niya lang yun o ano pero bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko.

"Mukhang okay na kayo 'noh, rinig sa loob bangayan niyo eh" sabi ni Clyde habang nakapamewang pa.

"At ikaw Xandra lagot ka sa kuya mo mamaya" sabi sakin ni Naomi.

"Bakit naman?" Tanong ko.

Bigla naman pumasok si Clyde. Problema nun?

"Nadulas kasi kanina si Clyde" sabi ni Chloe.

My InfinityWhere stories live. Discover now