31

3 0 0
                                    

Sobra akong namangha sa ganda ng lugar na ito, ang puti at pino ng buhangin at ang linaw pa ng tubig. This is paradise.

Pumasok na kami ng hotel. Isang suite ang kinuha nila na may dalawang bedrooms, 3 days kasi kami mananatili dito.

Sa isang room magkakasama kami ng mga kaibigan ko, sa isang room naman sila Duane, Kuya, Tristan at Clyde ang magkakasama. Ayaw samin ni Clyde dahil baka daw may gawin kami ni Naomi sa katawan niya. #Feelingero

"Mabuti na lang maganda ang nakuha nating suite" sabi ni Clyde.

"Tignan natin ang kwarto natin!" Excited na sabi ni Naomi.

Kinuha ko yung maleta ko at sumunod sa kanya. Bago pa ako makapasok hinawakan ni Duane ang baywang ko at nilapit niya sa tainga ko ang bibig niya.

"Gusto kong kumuha ng sarili nating room" bulong niya.

Hinampas ko naman ang braso niya.

"Baliw ka hindi pwede yun. Nandito si kuya, hindi siya papayag"

"I know, pero gusto kitang katabi matulog"

"Mag tiis ka muna. Isa pa baka gapangin mo lang ako"

Gulat naman siyang tumingin sakin at mahinang tumawa.

"Sabagay, baka hindi rin ako makapag-pigil" natatawang sabi niya.

Umirap naman ako sa kanya.

"Hey lovebirds tama na yan! Magbibihis pa kami ni Xandra" hinila naman ako ni Chloe papasok. Nakita ko naman ang paglungkot ng mukha ni Duane bago sumara ang pinto.

"Halatang mahal na mahal ka ni Duane" nakangiting sabi ni Chloe at pinatong niya ang maleta niya at binuksan.

Ngumiti lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko, normal lang naman sigurong kiligin ako diba?

Nilibot ko naman ang paningin ko sa kwarto namin. Malaki naman ang kama kaya mag kakasya kaming tatlo, may dalawang bedside table, may isang sofa naman sa may paanan ng kama.

Nabigla naman ako ng biglang hubarin ni Naomi ang damit niya.

"Sheteng palaka ka Naomi! Wala ka man lang pasabi na huhubad kana" sabi ko.

"Arte mo ha! Hindi ka pa nasanay, eh nakita na nating tatlo ang mga kanya kanya nating tinatago" sagot niya.

"Tama naman si Naomi" tinignan ako ni Chloe. "Hala ka! Nagka boyfriend ka lang naging conservative ka na"

"Woy! Bakit nakarating na tayo sa pagkakaroon ko ng boyfriend. Sige na maghubad na kayo, hindi pa naka lock ang pinto kaya bahala kayo pag may pumasok"

Hindi pa kasi nakalock ang pinto nang naghubad si Naomi, paano kung biglang pumasok ang mga boys.

"Ahh ganun ba?" Ngumiti naman si Naomi. "Paki lock na ng pinto, Xandra"

Umirap naman ako ni lock ang pinto. Kinuha ko na yung maleta ko at naglabas ng damit. Black strappy two piece swimsuit ang napili kong suotin. Pinatungan ko naman ng white bohemian dress, dress ang sinuot ko para mabilis lang ang paghubad.

"Pag nakita ni Duane ang two piece mo sigurado akong maglalaway siya" natatawang sabi ni Naomi.

"Yan lang isusuot mo?" Tanong ni Chloe kay Naomi.

Red bikini ang sinuot ni Naomi, at white naman kay Chloe.

"Oo, papatungan ko lang nito" tinuro niya naman ang floral na cardigan, mahaba naman iyon kaya okay lang din.

Magdadala ng sling bag si Naomi at Chloe, ako naman camera lang ang dadalhin ko.

Sinuot na ni Chloe ang Maxi dress niya. Pagkatapos namin mag ayos lumabas na kami. Naabutan namin yung mga boys sa sala. Naka upo sila sa living room.

My InfinityWhere stories live. Discover now