24

3 0 0
                                    

Back to normal na ulit kami, hindi na nagtanong ang mga kaibigan ko, basta ang alam lang nila bati na kami ni kuya dahil sa ice cream. Nag e-enjoy naman kami ngayong araw dahil bukas na ang final game nila Duane sa basketball. Ang dami namin napuntahan na booth. Pumunta naman kami sa photo booth.

Ang dami naming kinuha na picture, meron sila kuya at Chloe lang, may times din na kasama si Clyde at siya ang nasa gitna. Sila Naomi at Tristan naman puro magkayakap at kiss karamihan sa picture nila, mabuti nga hindi nilanggam ang loob, tapos tinulak pa kaming dalawa ni Duane sa loob at hindi sila sumama, sinuuutan naman ako ni Duane ng may balbas siyempre hindi ako nagpatalo, nilagay ko sa kanya yung wig ng pangbabae.

Nakailang picture kami dahil wala kaming matinong nakuha. Nagpicture naman kami na kumpleto kami kaya siksikan talaga sa loob ng booth.

Natatawa naman kami habang tinitignan ang picture namin. Ang alam ko marami kaming na take na picture ni Duane pero dalawa lang yung binigay niya sa akin at ang epic pa ng mukha ko dito. Hinayaan ko na lang din at tinago ito.

Habang naglalakad kami nakasalubong naman namin si Axe. Ngumiti siya sa akin pero hilaw na ngiti lang ang naiganti ko.

"Goodluck sa inyo Duane" nakangising sabi niya kay Duane.

"Hindi namin kailangan ang goodluck mo" sabi ni Tristan sa kanya.

"Hanggang ngayon mayabang ka pa rin Tristan" natatawang sabi ni Axe. Tumingin naman siya sa akin. "See you tomorrow Xandra" kinindatan niya ako bago siya umalis. Hindi ko alam pero parang naging uncomfortable ako bigla sa kanya.

Nakita ko naman si Alicia papunta sa locker at siya lang ang mag isa, hindi ko na talaga mapigilan ang curiosity ko kaya naisip kong kausapin siya ngayon.

"Uhm... May bibilihin lang ako, babalik din ako agad" pagpapaalam ko sa kanila.

"Anong bibilhin mo?" Tanong ni Clyde.

"Pagkain?"

"Aba malay ko! Ikaw ang bibili" inirapan niya naman ako.

"Pagkain ang bibilhin ko"

"Samahan na kita" sabi ni Duane.

"Huwag na!"

Napatingin naman sila dahil sa biglaan kong pagsigaw. Hilaw naman akong ngumiti sa sakanila.

"Mabilis lang naman ako at pupunta rin ako sa CR kaya hindi ka pwedeng sumama" sabi ko sa kanya.

Umalis na ako bago pa sila mag tanong ulit, tinignan ko muna ang likuran ko kung may nakasunod, nang makita kong walang nakasunod tumakbo agad ako papunta kay Alicia.

"Alicia!" Tawag ko sa kanya.

Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"What?"

"Pwede ba tayong mag usap? Yung tayong dalawa lang?"

"I don't have time for you" mataray niyang sabi at tinalikuran ako.

Sheteng palaka! Ayaw mo talaga pakiusapan ng mahinahon ha?

"Alam kong may gusto ka kay Duane!"

Sigaw ko sa kanya at napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin at unti unting lumapit sa akin.

"At alam kong nakipaghiwalay ka kay Renzo dahil gusto mo si Duane"

"Saan mo naman nakuha yan?"

"Narinig ko kayong nag-uusap nila Amanda sa CR at sinabi mong si Duane talaga ang gusto mo"

Ngumisi naman siya.

"Ano naman ang kinalaman mo doon?"

Inis naman akong tumingin sa kanya.

My InfinityWhere stories live. Discover now