32

1 0 0
                                    

"Magpapahinga muna ako" pagod akong dumapa sa kama.

"Hindi ka sasama?" Tanong ni Naomi habang nag-aayos ng buhok niya.

"Hindi muna"

"Sigurado ka? Bukas aalis na tayo, baka manghinayang ka" sabi ni Chloe.

"Bibili lang naman kayo ng mga pasalubong ngayon diba? Don't worry pagbalik niyo sasama ako sa inyo mamaya" sabay hikab ko.

"Mukha ngang kailangan mong mag-pahinga. Tawagan mo na lang kami kung may kailangan ka" tumango naman ako kay Chloe.

"Bye!" Paalam ni Naomi.

Narinig ko na ang pagsara ng pinto. Kahapon kasi ang dami naming ginawa maghapon. Nag laro kami ng volleyball at palagi ako natatamaan ng bola, hindi naman kasi ako marunong maglaro, pinasali pa nila ako, buti na lang nanalo kaming mga girls, nasa amin si Chloe eh. Hiking, diving, fishing at kung ano ano pa, tapos kanina nag surfing din kami at hindi ko na alam kung ilang beses ako nakainom ng tubig-dagat.

Sa kalagitnaan ng tulog ko nagising ako nang may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko, nung una akala ko sila Chloe pero nakapatong ang kamay niya sa baywang ko at kamay ng lalaki.

Nataranta ako kaya tinulak ko siya dahilan ng pagkahulog niya. Narinig ko ang pag-aray niya kaya nabosesan ko ito. Gulat naman akong tumingin kay Duane at hinila ako at bumalik ulit sa pagkakahiga. Tinapik ko naman ang mukha niya.

"Bakit ka nandito?"

Tanong ko habang sinusubukan kumawala sa kanya pero mas lalo niyang siniksik sa akin ang sarili niya, nakapulupot sa baywang ko ang kamay niya at binaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Hmm....Gusto kong matulog" mahinang sabi niya.

Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko.

"Doon ka na sa kwarto niyo matulog"

"I'm too tired and I want to sleep next to you so I can sleep peacefully"

Halatang pagod nga siya dahil narinig ko na ang mahina niyang hilik. Tumingin naman ako sa kanya. He's sleeping peacefully now. Pinagmasdan ko ang mukha niya. From his long and thick eyelashes to his perfectly curved lips.

Hindi ko inaasahan na magiging kami ni Duane, parang kailan lang nagbabangayan pa kami. Isa lang ang hinihiling ko. I want him to be my infinity.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog, nagising na lang ako nang tinatapik ni Duane ang balikat. Kunusot kusot ko ang mata ko.

"Hey Panda, sorry kung ginising kita. Kanina pa tumutunog yung phone mo, baka importante kaya ginising kita"

Bumangon ako at kinuha ko ang phone ko. Nakita kong naka 3 missed call si Naomi. Sakto naman tumawag ulit siya.

"Oh?" sagot ko at humikab.

"Kasama mo si Duane sa kwarto diba?"

"Siyempre kasama niya. Hello? Kaya nga natin tinulungan" Rinig ko ang boses ni Clyde.

"Sshh! Sabihin mo na kay Xandra" boses ni Chloe.

Kunot noo naman akong nakikinig sa kanila.

"Xandra, pabalik na kami may kinakausap lang sila Tristan at Xander pero maya maya nanjan na rin kami" sabi ni Naomi.

"Yun lang ba?" Tanong ko.

"Uhuh! Bye!!!"

Naputol na ang tawag dahil nagkagulo na sa kabilang linya. Tumingin naman ako kay Duane na nakatingin din sa akin at parang nagtatanong kung sino ang kausap ko.

My InfinityWhere stories live. Discover now