34

7 0 0
                                    

"We can't control others feelings, I mean hindi porket napapasaya mo siya ay may nararamdaman na rin siya sayo. No! Nasa tao parin ang desisyon, kahit na ilang clowns pa ang ibigay mo sa kanya para mapasaya mo siya, siya pa rin ang mag dedesisyon kung sino ang mamahalin niya. Kaya mas mabuti nang huwag kang mag expect para hindi ka masaktan"nakangiting sabi ko at tinapos ko na ang pagpapaliwanag.

#lovewithoutexpectation.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang magpalakpakan sila. At last natapos na rin namin.

"Well done! That is a wonderful explanation. Lahat kayo ay may kanya kanyang opinyon sa mga naging quotes ni William Shakespeare at sana may natutunan kayong aral sa mga ginawa niyo" pumunta sa harap si Sir at kinuha ang libro niya. "Napansin ko na ang iba sa inyo ay base sa karanasan ang napili nilang quotes" tumingin sa akin si Sir Grum at umalis na.

Parang may pinapahiwatig si Sir. Eh? Baka guni-guni ko lang yun.

May natutunan nga ba ako? Wala! At wala rin ako naging ambag sa grupo. Yung clowns lang ang binigay at ako lang ang nagsalita. Si Duane at Renzo lang ang nag brainstorming, ako wala! Nga nga lang. Bigla naman akong nagutom at kwek-kwek agad ang pumasok sa isip ko. Hayyyy!! Ang hirap talaga ng buhay.

"Good job girl! Ang ganda ng explanation niyo!" Nakangiting sabi ni Naomi.

"Expectation is the root of all heartaches" sabi ni Clyde habang nakatingin sa taas. Tumingin siya sa akin at hinampas ang balikat ko. "In fairness ang ganda ng napili niyong quote ah!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Magbibigay na nga lang papuri nananakit pa.

"Si Renzo ang pumili niyan at sa kanya rin galing ang idea" sabi ko.

Speaking of Renzo nasaan na nga ba yun? Ayun! Nakita ko siyang papalabas na ng room, tumakbo ako papunta sa kanya at tinawag ko siya para i-congratulate. Kung hindi dahil sa kanya hindi kami makakatanggap ng papuri kay Sir Grum. Once in a blue moon lang ako nakakatanggap ng papuri sa kanya eh. Sermon ang madalas.

Lumingon naman siya sa akin. "Xandra, may kailangan ka ba?"

Umiling naman ako. "Gusto lang kita batiin ng congrats kasi dahil sayo kaya nagustuhan ni Sir yung explanation natin"

"Congrats sa atin" paglilinaw niya.

"Wala naman ako naitulong sa inyo"

"Meron kaya"

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "Ano?"

"By being cute" nakangiting sabi niya.

Ano daw?! Ako? Cute? Puhleaaasse don't me alam ko namang cute ako. No need na sabihin. Pero sheteng palaka si Renzo ang nag sabi eh!Parang bigla naman ako na awkward. Parang nag iba bigla ang atmosphere. Kasi ba naman nakakabigla ang sinabi ni Renzo. Di ko ine-expect. Walang nag inform sakin teh!

"A-Anyway saan mo nga pala nakuha ang ganung idea?" Tanong ko para mawala ang awkward sa paligid.

Tinignan niya naman ako ng maigi at parang nag dadalawang isip siya kung sasagutin niya ba o hindi.

"Based on my experience. Uhm, kailangan ko ng umalis" tumigil siya saglit at ngumiti "So see you tomorrow?"

Akala ko ipapaliwanag niya pa kung bakit yun ang napili niya pero parang nagmamadali siyang umalis kaya hinayaan ko na lang.

Tumango ako at ngumiti. "Ingat!" Paalam ko.

Tumalikod na siya at nakakailang hakbang pa lang siya ng tinawag niya ako.

"Xandra"

"Bakit?"

Hindi siya humarap sakin. Tinagilid niya lang yung mukha niya at ang mata niya ay nakatingin lang sa baba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My InfinityWhere stories live. Discover now