25

3 0 0
                                    

Hindi pa nagsisimula ang laro pero ang lakas na ng mga sigawan ng mga tao. Ngayon na kasi final game nila Duane at kinakabahan naman ako dahil pagkatapos ng laro nila kakanta na ulit kami ni Renzo.

Nakita ko naman si Alicia at seryoso lang siya habang nag che-cheer. Ano kaya nangyari sa kanila ni Renzo.

Nagsimula na ang laro at nakita kong nag-uusap sila Duane at Axe, hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila pero base sa reaksyon na nakikita ko kay Duane ay hindi maganda ang pinag-uusapan nila.

Naging mainit ang labanan nila at napapansin kong parang hindi tama ang paglalaro ni Axe dahil may mga sinisiko o kaya pinapatid siya at masasabi kong sinasadya niya yun. Lamang na ang RU dahil nababawasan ang mga players nila Duane dahil kay Axe.

"Sinasadya niyang saktan ang mga players natin!" Rinig kong sabi ni Clyde.

"Bakit wala man lang sila ginagawa? Kitang kita naman ang maruming laro ng mga RU" inis na sabi ni Chloe.

Napatayo naman kami nang biglang matumba si Duane o mas tamang sabihin tinulak. Tinulungan naman siyang tumayo nila Kuya at Tristan, nagkakapikunan na yata sila dahil pinipigilan nila Duane at Tristan si Kuya na lumapit kay Axe. Napatingin naman sakin si Duane at humarap ulit kay Axe.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Chloe.

"Ang tense ng laban ah! Di naman ako na inform na boxing na ang pinapanood natin"

Sinamaan naman namin ng tingin si Clyde.

"Sira ka ba? Kulang na lang magsasapukan na sila tapos magbibiro ka pa" sabi sa kanya ni Chloe.

"I'm sorry!" Sabi ni Clyde at tinaas ang dalawa niyang kamay.

"Bakit naman naging ganyan ang paglalaro ni Axe. Hindi makatarungan" sabi ko.

"Feeling ko may kinalaman yun sayo"

Naguguluhan naman akong tumingin kay Clyde.

"Anong kinalaman ko?"

"May gusto sayo ang ungas na yan pero ayaw sa kanya ni Xander!" Sabi ni Chloe.

"Uy Chloe kailan ka pa naging assistant ni kupido at kailan ka pa naging manghuhula?"

"Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Wala na akong ibang nakikitang dahilan kung bakit nagkakainitan sila diyan" tinuro niya naman kung saan sila kuya gamit ang bibig niya.

"For the first time agree ako sayo kambal" sabi ni Clyde at tumingin sa akin. "You're hitting the two birds with your stone"

"Ano? Stone? Wala naman akong dalang bato ah! At wala akong hini-hit na ibon. I love birds kaya!"

"Ay! Pati ba birds ni-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang takpan ni Chloe ang bibig ni Clyde.

"Manonood ba kayo ng basketball o magkwekwentuhan na lang kayo ng tungkol sa ibon" iritang sabi ni Chloe.

Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya dahil curious pa ako sa sinabi ni Clyde.

"Kaninong bird?" Tanong ko kay Clyde.

"Alam mo ang slow mo minsan, pero madalas kang sarcastic, kaya naguguluhan din ako sa utak mo eh!" Inirapan naman ako ni Clyde.

Nagtatanong lang naman kung kaninong ibon, nakarating na sa utak ko ang sinasabi niya. Magsasalita tapos hindi pa tinatapos. Iiwanan ka pa ng nakanga-nga.

Bumalik na lang ulit kami sa panonood. Kinakabahan na kami dahil hindi namin alam kung sino ang mananalo at ilang minuto na lang ang natitira.

Na kay Axe ang bola at pilit naman ito inaagaw ni Duane pero may mga nakabantay sa kanya. Tumakbo naman si Axe para i-shoot ang bola pero naagaw yun ni Tristan, pinasa niya naman ang bola kay kuya pero nabitawan niya yun ng sikuhin siya sa braso ni Axe. I-sho-shoot na sana ni Axe pero may umagaw sa kanya at si Duane yun. Segundo na lang ang natitira at hindi namin alam kung makakaabot pa si Duane. Nag hawak kamay naman kaming tatlo habang pinapanood siya na tumatakbo. Kapag hindi niya na i-shoot yan talo na kami at ang Raven ang mananalo.

My InfinityWhere stories live. Discover now