20

3 0 0
                                    

Linggo ngayon, pagkatapos namin mag simba ni Kuya umalis agad siya kasama si Duane at Tristan, mag da-date siguro silang tatlo.

Ilang minuto din biglang dumating sa bahay sila Naomi at ang kambal.

Pumunta kami sa entertainment room para manood, gumawa din kami ng pop corn.

"OMG! Kinikilig ako" sabi ni Naomi habang naka tingin kay Chloe. Namula naman si Chloe.

"From the start nga kwento mo ang nangyari" kinikilig na sabi ko.

"Nahihiya ako" sabi ni Chloe at tinakpan niya ng unan ang mukha niya.

"Asus! Ngayon ka pa talaga nahiya kung kailan nag kiss na kayo ni Xander" sabi ni Clyde at hinampas naman siya ng unan ni Chloe.

"OMG!!" Sabay na sabi namin ni Naomi.

"Kwento mo na! Kwento mo na!" sabi namin.

"Oo na ikwe-kwento ko na" nakangiting sabi ni Chloe.

"Namasyal lang kami ni Xander kahapon at kumain, nanood ng sine, nag laro. Tapos nung pauwi na hinatid niya ako tapos bago siya umalis-" hindi na naituloy ni Chloe yung sasabihin niya dahil sa sobrang kilig niya siguro kaya si Clyde na ang nag patuloy.

"Hinalikan ni Chloe si Xander at sinabing sila na" sabi ni Clyde habang kumakain ng pop corn.

Tumili naman kami ni Naomi.

"Wag kang mahiya Chloe ganyan din yung feeling ko sa first kiss namin ni Tristan" sabi naman ni Naomi.

"Gosh kinikilig talaga ako sa inyo" sabi ko.

"Hindi mo man lang sinabi sa amin Xandra na matagal nang gusto ni Chloe si Xander at ikaw Chloe pabebe ka rin ng taon eh!" sabi ni Clyde.

Nagkibit balikat ako sa kanya. "Hindi daw kasi kayo marunong mag tago ng sekreto"

"Ikaw Xandra may first kiss ka na ba?" Biglang tanong ni Chloe.

"A-Ako? F-First k-kiss? Ano bang sinasabi mo bakit ako ang tinanong mo? Manood na nga lang tayo. First kiss daw" sabi ko at humarap sa tv. Hindi naman sila nag tanong pa dahil nag sisimula na yung palabas.

Kung malalaman kaya nila na si Duane ang naging first kiss ko ano kaya magiging reaksyon nila. Sigurado akong aasarin nila ako.

Ilang oras pa sila nag stay sa bahay bago sila umalis. Hinatid ko naman sila sa gate.

Nag paiwan naman si Chloe dahil gusto niyang mag pasama sa akin sa mall. Gusto pa sanang sumama ng dalawa pero may gagawin naman sila. Si Clyde kailangan niyang pumunta sa school para mag ayos pa ng dapat gawin. Si Naomi naman magpapahinga muna daw dahil may practice pa sila bukas. Kaya ako lang talaga ang kasama ni Chloe.

"Anong bibilhin mo?" Tanong ko.

"Dito may bibilhin ako dito" turo niya sa isang store na nagtitinda ng mga bag.

Pumasok naman kami doon at hinayaan ko naman siyang pumili. Nag tingin tingin naman ako ng mga bag at may nakita akong magandang sling bag na kulay itim at kulay ginto naman ang zipper. Kukunin ko na sana nang naunahan ako at pag angat ko ng tingin nakita ko si Alicia.

"Sorry nauna ako. Okay lang ba kung bibilhin ko ito?" nakangiting tanong  niya pero parang peke naman ang ngiti niya.

"Ah! Ayos lang. Hindi ko naman bibilhin, nagandahan lang ako pero hindi ko bibilhin" sabi ko.

"Ayan may napili na ako-" napatigil naman si Chloe nang makita si Alicia.

"Aalis na ako. See you tomorrow" Sabi ni Alicia sa amin at pumunta sa cashier para bilhin ang bag at umalis.

My InfinityWhere stories live. Discover now