"Hahaha ayos kana ba Xandra?" Tanong agad sakin ni Tristan nang makarating ako sa pinto, parang inaabangan talaga nila ako.

"Wag kasing araw arawin ang ka-tangahan" sabi naman ni Duane tinignan ko naman siya ng masama.

"Hindi na ba masakit yung sugat mo?" Tanong naman ni Naomi. Tumango naman ako sa kanya.

"Girl next time tumingin kasi sa daan" tinarayan ko naman si Clyde.

"Eh bakit ka ba kasi tumakbo?" Tanong ni Chloe.

Pagkakita ko kay Renzo sa unahan nag panic agad ako dahil ayokong magkasabay kami sa loob para mag palista, kaya ang ginawa ko pumunta ako sa hulihan pero tinawag niya ako, nagkunwari akong wala akong naririnig kaya naglakad-takbo ako at boom! Hindi ko nakitang may nakaharang na lubid kaya natisod ako at nag kasugat.

"Naiihi kasi ako" napangiwi naman sila sa sagot ko.

"Sure ka bang okay kana?" Tanong ni Naomi.

"Okay na yan si Prince charming naman gumamot sa kanya eh" sabi naman ni Tristan.

Napangiti naman ako. Oo si Renzo gumamot sakin kahapon. At kinikilig ako hanggang ngayon.

"Xandra ayos ka lang?" Hindi ako nakagalaw ng marinig ko boses ni Renzo. Nakakahiya eh bakit ba sa dinami daming araw ngayon pa talaga ako mamalasin at nakita pa ni Renzo.

"Xandra anong nangyari sayo my gosh may sugat ka oh" sabi ni Clyde tinignan ko yung tuhod ko sheteng palaka bakit ngayon ko lang napansin.
"tara dalhin na kita sa clinic"

"Ako na magdadala Clyde kay Xandra sa clinic" bago pa ako makasagot binuhat na ako ni Renzo"Pwedeng ikaw na muna mag palista samin ni Xandra" Sabi niya kay Clyde. Tinignan niya muna ako at tumango.

"Sige ako na mag papa-lista sa inyo, ikaw na bahala kay Xandra ah" tumango naman si Renzo.

"OMG girl buhat ni Renzo si Xandra"

"Alicia tignan mo boyfriend mo may buhat na ibang babae"

"Wala naman sakin yan nadapa kasi si Xandra kaya nag magandang loob si Renzo" narinig kong sabi ni Alicia.

"Ahh Renzo kaya ko naman maglakad eh, isa pa maraming nakatingin pati na rin si Alicia baka ano pang isipin niya" sabi ko.

"Wag kang mag alala sa mga tao, hindi naman selosa si Alicia"

"Pero-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng marinig namin yung pagsara ng malakas ng pintuan sa sports club. Kaya napabaling ang atensiyon ng mga studyante doon.

Kaya nakarating agad kami ng clinic. Si Renzo pa yung gumamot ng sugat ko. Hindi ako makagalaw. Inaamin ko may gusto pa ako kay Renzo, pero alam ko naman na wala na talaga akong pag asa lalo na girlfriend niya na yung babaeng matagal niya ng gusto.

Bumalik lang ako sa katinuan ko nang pinitik ni Duane yung noo ko.

"Aray inaano ba kita?" Tinignan ko siya ng masama.

"Wala trip ko lang" nakangising sabi niya. Hindi ako magpapatalo sakanya kaya inapakan ko yung paa niya.

"Inaano ba kita ha?" Inis niyang tanong.

"Wala trip ko lang din" binelatan ko naman siya.

Umupo na kami sa upuan namin dahil dumating na yung adviser namin at may sitting arrangement na.

Nasa unahan ni Naomi at Tristan si Clyde, Chloe at Mark. Kanina pa nagbabangayan ang kambal mabuti na lang malayo kami sa kanila.

Hindi ko alam kung ang swerte ko o ang malas ko ngayong araw, nasa left ko si Renzo sheteng palaka!! Nasa harap ko si Naomi sa right niya naman si Tristan na kanina pang tinitignan ng masama si joey puhleeassee don't me kung alam lang niya na bakla yan, at sa right ko naman, huminga ako ng malalim ng kinakalabit na naman ako ng katabi ko.

"Duane kanina ka pa, pag hindi ka tumigil patay ka sa akin" may binubulong siya pero hindi ko na yun narinig Aish! Bakit ba kasi si Duane pa naging katabi ko. Humarap na ako sa teacher namin na nagtuturo pero wala akong naiintindihan dahil sa presence ni Renzo at pangungulit ni Duane.

Hindi pa ako nakakapag-pasalamat sa kanya kahapon, sheteng palaka bahala na nga.

"Ah Renzo salamat nga pala sa kahapon" hininaan ko yung boses ko para hindi marinig ng teacher namin.

Pinaglihi pa naman yan sa sama ng loob dahil palagi na lang siyang galit.

"Hindi na ba masakit yung sugat mo?" Tanong niya.

"Hindi na-" hindi ko na natuloy sasabihin ko dahil tumayo si Duane.

"Sir ang ingay ni Xandra hindi siya nakikinig" sabi ni Duane.

Traydor ka Duane! Puhleeassee don't me sobrang hina kaya ng boses ko.

"Pero Sir-" hindi pa ako tapos mag salita ng magsalita siya.

"Ms. Castell Out!" Sabi ng terror naming teacher. Dahil ayaw niya talaga ng maingay, umubo ka lang mapapalabas kana.

"Sir ako po yung may kasalanan, nagtatanong po kasi ako sa kanya" sabi naman ni Renzo at tumayo siya.

Sheteng palaka! Anong ginagawa ni Renzo.

"Hindi po Sir ako po ang may kasalanan" sabi ko naman dahil wala talaga siyang kasalanan.

"Enough both of you go to the detention room now!" Sabi ng teacher namin na kinulang sa height.

Huhuhu first time kong mapa detention at nadamay pa si Renzo kasalanan ito ni Duane eh kung hindi siya nagsumbong edi sana walang problema. Kinuha na namin yung gamit namin, bago ako lumabas tinignan ko si Duane ng masama, habang siya ngiting tagumpay. Pagkarating namin sa detention room binigay namin yung papel. Isang oras kami maga stay huhuhu.

"Sorry Renzo nadamay ka pa kung hindi sana kita kinausap hindi ka mapapa-detention" nahihiyang sabi ko.

"Ayos lang isa pa okay na yung kinausap mo ako dahil kung hindi baka bumaho na yung hininga ko" natatawa niyang sabi kaya natawa din ako."Isa pa gusto ko rin na mag kausap tayo ng maayos, yung walang ilangan" dagdag niya.

"Bakit anong pag uusapan natin?" Kinakabahan kong tanong.

"Yung nangyari sa past. I'm sorry kung umiwas ako sayo nang malaman ko na may gusto ka sakin, kasi hindi ko inaasahan na magugustuhan mo ako,hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin nung araw na yun kaya pinili ko na lang na umiwas sayo,alam mo naman na para na kitang kapatid diba?" pumikit siya tapos tumingin na siya sa akin ng nakangiti"Pero pwede naman ulit tayong maging mag kaibigan diba?" Tanong niya.

Mas pipiliin ko na maging magkaibigan tayo kesa sa iwasan mo ako. Kaya ngumiti ako sa kanya.

"Oo naman" sagot ko.

"So Best friend ulit tayo?" Nilahad niya yung kamay niya.

"Best friend"tinanggap ko rin yun.

Nagulat kami nang may biglang pumasok at nakita namin si Duane, nagkatinginan kami tinignan niya rin si Renzo ng matalim ano naman problema niya? Tinignan niya rin kamay namin na magkahawak pa sheteng palaka hindi pa pala ako bumibitaw, inalis ko na agad yung kamay ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ang daldal ni Sir hindi ako makatulog, kaya dito ako matutulog" sabi niya at umupo na sa tabi ko.

WHAT! Gusto niya lang matulog dito kaya nag pa-detention siya? Puhleeassee don't me.

My InfinityWhere stories live. Discover now