Hello Monday, goodbye weekend. Nakakatamad pang pumasok huhuhu! Bumaba agad ako dahil baka iwanan ako ni kuya. Pagkababa ko walang tao, baka nasa kusina siya, kaya pumunta ako sa kusina pero wala din siya sa kusina. May nakita akong sticky note sa ref namin, galing kay kuya.

"Xandra may pupuntahan muna ako, wag kana mag commute dahil may mag hahatid na sayo"
-your handsome brother-

Saan naman pupunta si kuya? At sinong maghahatid sakin? May bumusina sa labas kaya tinignan ko kung sino, pag labas ko nakita ko si Duane papalabas sa porsche niyang itim.

"Anong ginagawa mo dito" tanong ko.

"Wala man lang ba Good morning bago mag tanong? Good morning Alex! Sabi ng kuya mo isabay na kita" binuksan niya ang pinto sa passenger seat at sumakay na rin ako.

Nagsimula na siyang magmaneho, napatingin naman  ako sa mga sugat niya, gumagaling na yung iba, sheteng palaka! ang GWAPO NIYA PA RIN kahit may mga pasa pa siya. Wait ako ba nagsabi nun? puhleeassee don't me nababaliw na siguro ako.

"Ang gwapo ko at alam ko na yun, halatang may gusto ka talaga sakin eh"

"Sinong nagsabi na gwapo ka. May multo ba?" narinig niya ba yun?

"Ikaw. Kung mag sasalita ka sa isip mo wag mong lakasan, gwapo pala ako ah" nakangising sabi niya.

"Sinabi ko bang gwapo? Ang sabi ko kwago, mukha kang kwago hindi gwapo okay, assuming ka" pag de-deny ko, pahamak talaga yung utak ko eh.

"Kunwari ka pa"

"Wala na yung iba mong pasa" kailangan kong mag change topic para hindi ako mahalata.

"Bakit nag aalala ka ba?" Tanong niya.

"Asa ka, teka alam mo ba kung saan pupunta si kuya?" Tanong ko.

"Ewan. Ako ba kapatid niya?" Pilosopong sagot niya.

"Sasagot ka ng maayos o sasagot ka ng maayos?" Pinalaki ko pa yung mata ko para matakot siya bwahahahah.

"Wow! Para naman may pag pipilian ako ah?isa pa sa ating dalawa mas kamukha mo yung kwago, sa laki ba naman ng mata mo" natatawang sabi niya. Ok hindi ko siya natakot.

"Duane isang tanong lang naman kasi hindi mo pa masagot, ang daldal mo pa" give up na ako bahala sa kanya kung ayaw niyang sabihin.

Pagka park ni Duane ng sasakyan bumaba na kami.

"OMG! Sila na ba ni papa Duane?"

"Bakit sila magkasama?"

"Bakit!?"

"Huhuhu wala na taken na si Duane"

"Omg bagay sila!"

"Oo nga ok lang na taken si Papa Duane bagay naman sila ni Xandra"

Nagulat naman  ako sa mga pinagsasabi nila sheteng palaka! Kami bagay? Naku lang talaga. I cannot accept that! Napa english tuloy ako.

"Puhleeaasssee don't me hindi kami, wag kayong pa issue mga ate sabay lang kami pumasok"nababaliw na sila sabay lang pumasok mag jowa na.

My InfinityWhere stories live. Discover now