16

3 0 0
                                    

"Bye Xandra" paalam ni Kuya. Excited siya eh.

Umalis na si kuya para puntahan si Chloe. Hindi rin nag tagal dumating na rin si Duane.

"Alex ipaalala ko lang sayo may practice kami mamaya ah" sabi niya.

"Duane ilang beses mo na yan pinaalala sakin, para kang sirang plaka"

"Baka kasi makalimutan mo"

"Hindi nga kasi"

Pagkarating namin sa school, yan na naman yung mga tilian. Kaya nagpauna na ako ng lakad.

"Saan na yung kasama mo?" Tanong ni Clyde. Tinuro ko yung sa likuran ko. Pumasok na ako sa room at nakita ko si Chloe.

"Malapit na ba?" Tanong ko habang nakangiti. Tumango naman siya at sinenyasan ako na wag maingay.

Ako lang kasi nakakaalam na gusto niya rin si kuya. Masyado kasing madaldal yung dalawa.

"Sabay sabay na tayong manood mamaya" sabi ni Naomi.

"Oo nga, ikaw Xandra sumama ka ha" sabi naman ni Clyde. Tumango naman ako sa kanya.

"Clyde kailan tayo magpra-practice?" Tanong ko.

"Kayo ni Renzo kahit sa bahay niyo na lang, total iisang subdivision lang naman kayo, pupunta rin ako sa inyo para manood"

"Eh diba maga practice ka rin" takang tanong ko.

Umiling naman siya. "Pwede daw na hindi na sumali yung president. Ako na rin bahala kung anong kakantahin niyo" tumango naman ako sa kanya at umupo.

Wala naman kaming contest na sasalihan, parang intermission number lang yung pagkanta namin na ginagawa every year. Kaya hindi na kailangan gawing bongga.

Pumasok na si Duane habang nakangiti.

"Ganda ng gising natin ah" sabi ni Tristan. Ngumiti lang si Duane sa kanya. "Tol wag ka ngang ngumiti nakakatakot ka na"

Sino ba ang hindi ngingiti kung ang daming sumasalubong sayo na mga babae.

Binatukan naman siya ni Duane at umupo sa tabi ko.

Nandito na teacher namin pero wala pa si Renzo. Late siguro yun.

Lunch na pero hindi pa pumasok si Renzo. Absent nga siya. Hindi naman sa gusto ko siyang pumasok, curious lang ako. Ang totoo nga niyan hindi ko alam kung paano at kailan pero wala na akong nararamdaman sa kanya. Promise!

"Treat ko na kayo" sabi ni Duane. Tumingin naman kami sa kanya. "Anong gusto niyo?" Tanong niya sa amin.

"Mag papamisa na ba ako?" Tanong ni Tristan.

"Naka inom ka ba ng gamot Duane?" Pang aasar ni kuya.

"Himala manlilibre ka, sige pizza ang gusto ko" sabi ni Clyde.

"Me too" si Chloe.

"Ako rin" sabi naman ni Naomi.

"Grabe wala talaga kayong hiya pag dating sa libre" naiiling na sabi ko.

"Ikaw Alex anong gusto mo" tumingin sakin si Duane.

"Pizza at ice cream, pati na rin cheese sticks" sabi ko.

"Ay wow nag salita ang maraming inorder" sabi Clyde.

"Nakakahiya naman sayo" sabi ni Naomi.

"Bakit libre naman ah, lubos lubusin na" sabi ko.

Napailing na lang sila. Tinulungan ni kuya at Tristan si Duane.

"Anong nakain ni Duane at biglang nanlibre?" Tanong ni Chloe.

My InfinityWhere stories live. Discover now