22

3 0 0
                                    

"Xandra! Bumangon kana!" Sigaw ni Kuya.

"5 minutes pa Kuya!" Nakapikit pa na sabi ko.

"Huwag mong pairalin ngayon ang katamaram mo!"

Hindi ko na pinansin si kuya at tinakpan ng unan ang magkabilang tainga ko. Bahala ka jan magsisigaw, matutulog muna ako. Antok pa talaga ako eh!

May naramdaman naman akong matigas at malamig na bagay sa katawan ko kaya napabangon ako bigla, pagtingin ko mga ice cubes!

Tinignan ko naman si Kuya ng masama pero mas nakakatakot ang tingin niya sa akin ngayon.

"Ano ba ang ginawa mo kagabi at nagpuyat ka? Ni hindi ka nga nakapagpalit ng damit!"

Napatingin naman ako sa suot ko at napapikit. Sheteng palaka! Hindi nga pala ako nag palit ng damit kagabi dahil sa sobrang antok ko.

"Nakalimutan ko" mahinang sabi ko at pupunta na sana sa C.R nang pinigilan niya ako.

"Dahil ba dito?" Sabay turo sa cartolina na nakalagay sa lamesa sa tabi ng kama ko.

Kinuha ko agad yun at nilagay sa baga ko. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil alam kong mag o-over think naman siya kapag sinabi kong oo.

"Sige na maligo ka na at kumain ka na sa baba" lumabas na siya ng kwarto ko.

Kinuha ko naman ang cartolina at tinignan ito. Napangiti naman ako. Mabuti na lang at natapos ko ang pag gawa ng banner niya.

Pumasok naman ako sa C.R at naligi na. Pagkatapos kong maligo pumili ako ng magandang isusuot para sa first day ng intrams namin.

Napili ko ang off shoulder na kulay pula at may sleeves na hanggang siko at high waist na pants na kulay itim at sinuot na ang flat shoes ko. Kinuha ko naman ang cartolina at nilagay sa bag at bumaba na.

Paalis na si Kuya nang bumaba ako, bago niya puntahan si Chloe nag habilin pa siya nang kung ano-ano, na mag ingat daw ako mamaya at baka matangay na ako ng kung sino dahil sa dami ng tao darating sa school namin.

Pagkatapos kong kumain narinig ko na ang pag andar ng sasakyan ni Duane kaya lumabas na ako at pumunta sa sasakyan niya.

Napalunok naman ako nang makita siya, simple lang ang suot niya pero ang lakas maka attract. Naka white shirt siya, maong pants at black shoes. Pero parang model siya at irarampa niya ang suot niya. At ang bango niya pa!

"Alam mo mabilis kang mahuhubaran kung yan ang suot mo" napatigil ako sa pag iisip dahil sa biglaang pag salita niya.

Napatingin naman ako sa damit ko. Paano niya naman nasabi na mabilis akong mahuhubaran eh fitted naman ito.

"Sino bang magtatangkang hubaran ako?" Tanong ko sa kanya.

"Maraming tao mamaya at hindi mo mamalayan yun" napairap naman ako sa sinabi niya.

"Pinuri ko ang outfit mo pero sa akin hindi mo man lang na appreciate. Like wow ang ganda ng suot mo o kaya saan mo nabili yan? Wala bang ganyan? Huhubaran agad? Ang O.A mo ah"

Hindi na siya nagsalita pa at nag focus na lang sa pag da-drive. Tumingin na lang ako sa labas. Gusto niya ata yung outfit ko pero nahihiya lang sabihin. Sus! Duane kung gusto mo ang off shoulder ko ipapahiram ko naman sayo.

Nai-imagine ko naman siya na suot niya ang off shoulder at hindi ko inaasahan na mapapalakas ang pagtawa ko.

Napatingin naman ako sa kanya at naguguluhan naman siyang nakatingin sa akin.

"Ah! Ano, May nakita lang akong nakakatawa sa labas" pag depensa ko.

"You're crazy" sabi niya.

Pagkarating namin sa school marami ng tao. May mga studyante na rin na dumating galing sa ibang school.

My InfinityWhere stories live. Discover now