Dahil Saturday ngayon naisip kong sa tanghali na lang ako gigising. Ang sarap kaya matulog lalo na pag malambot yung kama at malamig ang panahon. Maya maya may naririnig akong nagbubulungan habang tumatawa.

"Pfft lagot ka pag gising niya" boses ni Tristan yun ah.

"Alam mo malalagot talaga tayo dahil sa ingay mo" teka boses ni Duane yun ah.

Binuksan ko ang mata ko at tumingin sa kanila, halatang nagulat ang dalawa pero teka bakit may hawak na camera si Duane. Pinipicturan niya ba ako ng natutulog grrrr nagsisimula na naman siya.

"Hoy anong ginagawa niyo sa kwarto ko?? At ikaw Duane pinipicturan mo ba ako? grrr! Magsilayas nga kayo dito!" tumayo ako at hinila sila papalabas habang tumatawa naman ang dalawa.

Wala na sira na naman ang gising ko dahil sa Duane na yun at idagdag mo pa ang magaling niyang kaibigan. Pumunta na ako sa c.r at pag tingin ko sa salamin SHETENG PALAKA!! may drawing na parang pusa yung mukha ko grrrr humanda talaga sila pag baba ko. Inalis ko na yung mga nilagay nila sa mukha ko at bumaba na. Pagkababa ko nakita ko yung dalawa sa sala na naka upo habang pa chill chill lang.

"SINO SA INYO ANG NAG DRAWING SA MUKHA KO?" nilingon naman nila ako.

"Hindi ako yun. Si Duane ang may gawa nun nag pasama lang siya sakin" sabi ni Tristan habang nakaturo kay Duane.

Tinignan naman ni Duane si Tristan ng masama at binato ng unan. Babatuhin niya ulit sana ng unan si Tristan pero tumakbo na ito papunta sa kusina. Kaming dalawa na lang  naiwan dito ni Duane.

"Ikaw kahit kailan talaga panira ka ng araw ko!" sumugod agad ako sa kanya at kinagat ko ang braso niya.

"Aahhh aray lumayo ka nga sakin. Ang sakit bad doggie bad" aba tinawag niya pa akong doggie. Doggie pala ah pwes ipapakita ko sayo ang doggie na tinatawag mo, kaya diniinan ko pa yung pagkakakagat ko sa kanya.

Bigla siyang tumayo kaya nabitawan ko siya at natisod siya, sa kasamaang palad nadamay ako kaya ang nangyari nasa ibabawa ko siya sheteng palaka ang lapit ng mukha niya sakin. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha niya at sheteng palaka ang ganda ng mata niya tapos ang haba pa ng pilik-mata niya tapos ang tangos ng ilong at napalunok ako ng tumingin ako sa labi niya na mapula.

"Tapos ka na bang titigan ang mukha ko?" Bumalik ako sa tamang pag iisip ko ng mag salita siya.

"Ikaw tinititigan ko? Puhleeaasssee don't me, ikaw nga hindi pa umaalis sa ibabaw ko" inirapan ko siya.

"Paano ako aalis eh nakahawak ka pa sa leeg ko" ngayon ko lang narealize na nakahawak pa ako sa leeg niya. Eh sorry naman.

"Pasimple ka rin eh, kung ako sayo aamin na-" hindi ko na siya pinatapos dahil tinakpan ko agad ang bibig niya.

"Hep tama na! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong gusto sayo WALA!" sabi ko sa kanya.

"*Ehem* anong nangyayari dito?" Tanong ni kuya habang naglalakad papunta samin kasama si Tristan.

"Nag war naman siguro yung dalawa at bakit nasa bibig ni Duane yung kamay mo Xandra? Hahalikan ka ba niya?" Natatawang sabi niya.

Tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig ni Duane.

"Anong hahalikan? Ikaw Tristan may kasalanan ka pa sakin ah" nag peace sign naman siya.

"Tara na" sabi ni Duane.

Teka bakit nga ba sila nandito at saan sila pupunta?

"Saan naman kayo pupunta?" Tanong ko at umiwas naman sila ng tingin. Parang alam ko na ah. "Makikipag basag ulo na naman ba kayo?"

"Hindi ka na nasanay isa pa babalik din kami agad" sabi ni kuya.

"Paano kung tumawag si mama? Anong sasabihin ko? Paano kung mapahamak kayo?" Naiiyak na sabi ko nag-aalala kasi ako dahil alam kong hindi patas makipaglaban yung iba nilang kaaway.

"Wag kang mag alala mag iingat naman kami eh, isa pa kung tumawag man si mama alam kong magagawan mo ng excuse" sabi ni kuya

"Sige mag iingat kayo ah dapat umuwi kayo ng walang labis at walang kulang" sabi ko.

"Yes ma'am" nakasaludong sabi ni Tristan.

"Pasalubong ah" pahabol ko.

"Nababaliw na ata kapatid mo Xander kanina lang, kulang na lang umiyak na dahil sa pag aalala ngayon gusto niya ng pasalubong? Isa pa anong pasalubong naman makukuha natin sa bakbakan mamaya?" Bulong ni Tristan pero narinig ko pa rin yun.

"Hoy Tristan narinig ko yun ah!" Sigaw ko.

"Hehehhe sabi ko nga may pasalubong ka" sabi niya at nag lakad na sila papaalis.

Bigla ako nagutom naalala ko hindi pa pala ako kumakain. Pumunta ako sa kusina para mag hanap ng makakain pero puro hilaw naman gusto ko sana mag luto kaso naalala ko hindi pala ako marunong mag luto kaya tinawagan ko si Naomi at niyayang kumain sa labas. Ilang saglit pa dumating na siya.

Beeepp!! Beeepp!!

Narinig kong busina ng sasakyan niya, lumabas na agad ako at sumakay.

"Yow paps Ben" bati ko sa kanya sa driver ni Naomi close kami sa kanya dahil parang tatay narin ang turing namin sa kanya. Paps Ben ang tawag ko sakanya short for papa Ben.

"Eyy naks dra kumusta pag aaral mo?" Tanong niya ang jeje diba gusto niya daw kasi sumabay sa mga teenager para hindi daw siya agad tumanda.

"Ayos lang naman po paps kaso naging classmate ko si Renzo" alam niya rin na naging crush ko si Renzo.

"Tinadhana nga ba?" Natatawang sabi niya.

"Naku paps Ben naka move on na DAW si Xandra sa kanya" sabi naman ni Naomi.

"Puhleeaasssee don't me naka move on na talaga ako" depensa ko totoo kaya yun ng slight.

"Okay sabi mo eh" nakangiting sabi ni Naomi.

My InfinityWhere stories live. Discover now