11

3 0 0
                                    

"Ano ba naman yan, wala man lang awa ang mga teachers akala nila kaya natin gawin agad yung mga pinapagawa nila, pag ako naging teacher din at naging students ko yung mga anak ng teachers natin pahihirapan ko din sila, tapos minsan na lang kami mag date ni Tristan dahil sa mga projects na yan, sino ba kasi nag imbento ng mga ganyan" reklamo ni Naomi.

Ang babae na 'to walang ginawa kundi mag reklamo sakin, kanina pa siya reklamo ng reklamo sakin.

"At mas importante pa sayo yung date niyo ni Tristan ah" sabi ni Clyde.

"Alam mo mag reklamo ka sa mga teachers wag sakin okay at ako kailangan ko muna ng peace, mauna na kayo susunod na lang ako buh-bye"
Umalis agad ako dahil mag tatanong na naman sila.

Pupunta muna ako sa room ng music club para matulog. Kailangan kong bumawi ng tulog dahil antok na antok na talaga ako dahil hindi ako nakatulog sa pang bwibwisit ni Duane kagabi, pumunta siya ng bahay para lang bwisitin ako, sino ba naman ang makakatulog kung may unggoy na nag videoke at naka maximum volume pa sinabayan pa ng bakulaw kong kapatid. Puhleeaasssee don't me 2:30 a.m na ako nakatulog IMAGINE 2:30.

Malapit na ako sa pintuan ng may narinig akong kumakanta habang tumutugtog ng piano. Sheteng palaka favorite song ko yun.

"And when you're needing your space
To do some navigating
I'll be here patiently waiting
To see what you find"

Naka bukas ito ng konti kaya sumilip ako, nasa maliit siyang stage na nasa gitna at nakatalikod ito sakin. Biglang tumayo ang mga balahibo ko dahil sa ganda ng boses niya. Hindi ko makita kung sino siya pero alam kong lalaki ito dahil sa boses niya.

May suot itong jacket na kulay dark blue at sa likod may nakalagay na A kulay silver, may nakasulat sa ilalim hindi ko mabasa kaya lumapit ako.
Dahan dahan akong nag lalakad at nag tago sa upuan, My Infinity ang nakalagay at kulay ginto ito.

"Cause even the stars they burn
Some even fall to the earth
We got a lot to learn
God knows we're worth it
No i won't give up"

Damang dama niya ang pag kanta niya, parang inaalay niya ito sa isang tao, how sweet naman.
Biglang nag bell kaya umalis na siya hahabulin ko sana siya pero mabilis siyang umalis, hindi naman ako nakapag salita dahil na estatwa ako sa ganda ng boses niya.

Nag stay muna ako ng ilang minuto at iniisip ko kung sino ang lalaking yun, pamilyar sakin ang boses na yun parang narinig ko na yun. Habang nag iisip napagtanto kong nag bell na.

SHETENG PALAKA nag bell na pala. Sa kamamadali ko natisod pa ako. Puhleeaasssee don't me self anong katangahan na naman yan. Hindi. kailangan kong umabot sa room dahil ayaw kong malate.

Malapit na ako sa pinto ng may nakabungguan ako. Pag tingin ko sheteng palaka si Renzo. Halatang tumakbo din siya, kaya muntik pa ako matumba, mabuti na lang at nahawakan niya ako.

"Ayos ka lang ba? Sorry hindi ko sinasadya, hindi ko kasi namalayan na nagbell na kaya tumakbo ako at hindi kita napansin" paliwanag niya.

"Naku hindi ayos lang sa kamamadali ko rin kaya hindi kita napansin" sagot ko.

"Mukhang pareho pa tayong tumakbo at hindi napansin ang pag bell" natatawang sabi niya.

Hindi ako makatawa dahil hindi niya pa ako binibitawan, feeling ko namumulang kamatis na ako dahil sa hiya, my goodness gracious wag mong sabihin na hindi pa yun narerealize ni Renzo at sheteng palaka late na nga pala kami.

"A-ah Renzo ano kasi late na tayo at yung" tinuro ko yung kamay niya. At tinignan niya ito, binitawan niya naman ito.

"Sorry ulit hindi ko napasin, oo nga late na pala tayo, tara pasok na tayo" pinauna niya akong pumasok at nakita kong wala pa yung teacher namin.

My InfinityWhere stories live. Discover now