28

3 0 0
                                    

Wala akong ingay na naririnig pag kababa ko, hindi ko rin nakikita si kuya na pakalat kalat. Pumunta naman ako sa kusina at naabutan ko si Yaya Nena na nagluluto.

"Ya, tulog pa po ba si Kuya?" Tanong ko.

Hindi naman siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa pagluluto. Parang hangin lang ako sa kanya. Lumapit naman ako sa kanya. Kaya pala hindi niya ako naririnig, may earpod kasi na nakasalampak sa tainga niya. Puhleaaasse don't me dinaig pa ako ni Yaya Nena ako nga hanggang earphone lang at second hand pa yun ah. Minana ko pa kay kuya.

Sinundot ko naman ang tagiliran niya at muntik niya pang mabitawan ang sandok dahil sa gulat, inalis niya naman ang earpod niya at nilagay sa bulsa saka tumingin sa akin.

"Xandra! Kanina ka pa ba? Bakit hindi mo na lang ako tinawag, hindi yung nangsusundot sundot ka pa sa tahiliran ko, susmisyo! Ikaw talagang bata ka muntik na akong atakihin sa puso!" Sabi niya habang hinihimas ang dibdib niya.

Naningkit naman ang mata ko. Bakit parang ako pa ang may kasalanan?

"Ya, tinawag po kita kanina pero hindi mo ako naririnig dahil" sabay turo sa tainga niya.

Parang naliwanagan naman siya.

"Si kuya po?" Tanong ko ulit.

"Hindi ba sayo nagpaalam? Umalis na siya kanina pa"

Nanlaki naman ang mata ko.

"Po?!"

"Sus kong bata ka, matanda na nga ako pero hindi pa ako bingi, pero dahil sayo mabibingi ako!" Bumalik ulit siya sa pagluluto niya.

"Anong sasakyan ko?" Bulong ko sa sarili ko. No choice ako ngayon, mag ta-taxi na lang ako.

"Ya, aalis na po ako" paalam ko.

"Ay teka lang iha! Hindi ka pa kumakain ng breakfast"

Bago pa ako makasagot may sumagot na Kay Yaya Nena galing sa likuran ko.

"Sa labas na po kami mag bre-breakfast ni Alex"

Napatingin naman ako kay Duane at naamoy ko naman ang mapang-akit niyang amoy.

"Siya sige iho! Huwag kayong magpapagutom ah!" Bilin pa ni Yaya Nena.

Nagpaalam na si Duane at inakbayan niya naman ako papalabas ng bahay, ako naman hindi ako makakilos at parang nakukuryente ako dahil sa hawak niya.

"Are you trying to avoid me?" Tanong niya na hindi pa bumibitaw sa pagkaka-akbay sakin.

"N-N-No" muntik ko nang hindi mabuo ang sinasabi ko dahil sa kaba.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. Bakit ba lahat ng gawin ng mokong to'h na a-atract ako. Am I baliw na?

"Uhuh? Sakin ka na ulit sasabay"

Pinagbukasan niya naman ako ng pinto, unti- unti kong ni-relax ang katawan ko bago pumasok. Ilang saglit pa pumasok na rin siya sa sasakyan.

Tumingin siya sakin bago niya pa isuot ang seatbelt niya. Unti-unti naman siyang lumapit sa akin at nataranta naman ako.

Tumawa naman siya at tumingin sakin.

"Relax, I won't bite you"

hinila niya yung seatbelt sa gilid ko at siya ang naglagay ng seatbelt sakin. Tinignan niya naman ako sa mata at saka tumingin sa labi ko.

"Though, your lips are tempting me. Can I taste it?" Nakangising sabi niya.

Hindi naman ako nakahinga lalo na't ang lapit niya lang sakin. Isang maling galaw lang ay magdidikit na ang labi namin. Inipon ko ang buong lakas ko para makagalaw. Tinulak ko ang mukha niya papalayo sakin at tinignan siya ng masama.

My InfinityWhere stories live. Discover now