23

5 0 0
                                    

Maaga kaming pumunta ni Duane sa school dahil ngayong araw ang laro ni Chloe. Si Kuya naman maaga ring umalis at may mga dala pa ng kung ano-ano.

Hinahanap ko naman sila Clyde at Naomi para mag pasama sa canteen at para rin sana makalibre. Hindi ko nga alam kung bakit gutom na naman ako.

May kumalabit naman sa likod ko kaya napalingon ako. Nakita ko si Renzo na nakatayo sa likod ko habang nasa loob ng bulsa ang isa niyang kamay, kumaway naman siya sa akin.

"Uy! Ikaw pala"

"Saan ang punta mo?" Tanong niya.

"Hinahanap ko lang ang mga kaibigan ko magpapalibre lang ako sa kanila" natatawang sabi ko.

"Gusto mo lumabas tayo saglit? Kain tayo sa labas"

Umiling naman ako sa kanya. Masarap sana kumain sa labas pero kulang na ang pera ko.

"Huwag na!"

"Libre ko"

Parang lumiwanag naman ang paligid ko.

"Sige ba! Saan tayo kakain?"

Natatawa naman siya habang ginugulo ang buhok ko.

Sumakay kami ng sasakyan niya at pumunta sa isang restaurant, hindi ko alam kung anong pangalan kasi chinese ang nakasulat. Wala man lang translator ang restaurant na ito.

Si Renzo na ang pina-order ko ng pagkain ko dahil nga hindi ko rin maintindihan ang nakasulat at isa pa baka mamulubi sa akin ngayon si Renzo dahil ang sarap ng mga pagkain sa picture. Parang tumutulo na nga ang laway ko.

"Xiéxié" yun lang ang narinig kong sinabi ni Renzo at umalis na yung waiter.

Ano daw? She-she? Eh lalaki yung waiter ah.

"Renzo anong ibig sabihin ng sinabi mo kanina? Bakit may she-she eh lalaki yung waiter" mahinang sabi ko sa kanya.

Bigla naman siya tumawa at naguguluhan naman akong tumingin sa kanya. Adik yata siya.

"Xiéxié means thank you" natatawang sabi niya.

Napa ahh na lang ako sa kanya.

"Marunong ka pala mag chinese"

"Nakalimutan mo na ba kung ano ang apelyido ko?"

Oo nga pala. Tzu ang surname niya at may lahi nga pala siyang Chinese.

"Turuan mo naman ako mag Chinese"

Ngumiti ako sa kanya at nag puppy eyes.

"Cānyîn. Ibig sabihin food"

"Eh? Bakit pagkain ang una mong tinuro? Sa dinami dami ng words pagkain pa"

Kinurot niya naman ang pisngi ko.

"Kasi ang hilig mo sa pagkain" nakangiting sabi niya.

Sino ba ang hindi mahilig sa pagkain? Shunga din to'h si Renzo eh.

"Ano pa?" Tanong ko sa kanya.

Tinitigan niya naman ako at saka ngumiti.

"Wô xîhuān nî" mahinang sabi niya pero sapat lang para marinig ko.

"Anong meaning niyan?"

Hindi niya naman ako sinagot at nanatili lang siya nakatingin sa akin.

"Huy! Anong ibig sabihin ng sinabi mo?"

Umiling naman siya at ngumiti sa akin, napalingon naman siya sa gilid at tumingin ulit sa akin.

"Ayan na ang pagkain,kumain na tayo?"

My InfinityWhere stories live. Discover now