13

4 0 0
                                    

After so many years nakarating din kami. Sa isang bundok kami pumunta pero hindi naman kataasan kaya naka akyat din kami agad.

Maganda ang view at may isang malaking puno sa tuktok, doon daw kami mag pipicnic.

"Ay kelerki ang ganda ng view dito" sabi ni Clyde habang naga picture. "Picture tayo guys dali" yaya niya. Pumunta naman kami sa kanya.

"1, 2, 3 say cheese"

"Cheese" sabay sabay namin. Kanina pa kami picture ng picture.

"Tapos na ba, pwede na bang kumain?" Tanong ko. Gutom na talaga ako as in.

"Sige na teh pwede kanang kumain baka nag wawala na yung mga alaga mo" sabi ni Clyde.

"Patay gutom talaga" bulong Duane.

"Let's eat guys" sabi ni kuya.

"Ang ganda ng lugar dito" sabi ni Naomi.

"Mas maganda ka Naomi kesa sa lugar na'to" sabi naman ni Tristan at kinilig naman si Naomi.

"Ilugar niyo naman yan" sabi ni Chloe.

"Wag ka nang ma-inggit sa kanila Chloe mas maganda ka pa sa lugar na'to i mean gwapo" at inakbayan ni kuya si Chloe.

"Uupakan na talaga kita" sigaw ni Chloe.

"Out of place na talaga ako" parinig naman ni Clyde.

"Ang takaw mo" sabi ni Duane na nakatingin pala sakin.

"Pake mo ba" at pinagpatuloy kumain.

"Duane wag mong i-istorbohin si Xandra pag kumakain" sabi ni Clyde.

"Bakit?" Tanong ni Duane.

"Eh kasi baka ikaw makain niya pag nagalit siya" natatawang sagot ni Clyde.

"Willing ako mag pakain sa kanya" sagot naman ni Duane. Nagtawanan naman sila.

"Galing niyo talagang mang asar eh 'no" sabi ko at uminom ng tubig.

"Naalala ko nga pala, Xandra totoong napanaginipan mo si Duane?" Tanong ni Clyde. Tinignan ko naman siya ng nagtataka.

"Ako? Bakit?" Tanong ni Duane.

"Ay hindi mo alam napanaginipan ka daw ni Xandra na naka wedding gown at ikakasal ka kay Renzo ay kabog ka dun girl" natatawang sabi ni Clyde.

WHAT!! Tumingin ako kay Naomi.

"Sorry naikwento ko kasi sa kanila" sabay peace sign niya. "Ang daldal mo Clyde sabi kong satin satin lang yun"

Tinignan naman ako ni Duane ng masama.

"Promise hindi ko talaga ginusto na maging ganun yung panaginip" tinaas ko pa yung right hand ko.

"Ahh kaya pala nahulog ka sa kama kanina" sabi naman ni kuya. Nagtawanan naman sila.

"Hindi nga ako nahulog" sabi ko

"Sinasabi mo bang bakla ako?" Tanong ni Duane.

"Hala hindi ah" sabi ko.

"Pero may times na iniisip mong bakla si Duane" sabi ni Clyde.

"Kailan?" Tanong ko.

"Ah oo naalala ko. Last year sinabi mong parang bakla si Duane dahil wala pa siyang nagiging girlfriend at baka cover girl lang niya yung mga hinaharot niya" natatawang sabi ni Chloe.

Mag kambal nga sila pareho nila akong pinapahamak.

"Hoy wala akong matandaan na sinabi ko yan" sabi ko.

My InfinityWhere stories live. Discover now